Chapter 32 - Battle is not Over

10.5K 254 2
                                    

CHAPTER 32 - BATTLE IS NOT OVER

Chasey's POV

Kahit nalinis na ang pangalan ko sa buong school na hindi ako ang gumawa no'n kay Hiro, hot topic pa rin ang pangalan ko rito. Masasama pa rin ang tingin ng iba sa'kin, kung nakakamatay nga lang ang masamang tingin baka siguro kanina pa ko nakahandusay dito sa hallway. Bakit ba sila OA kung makapagreact about sa nangyari kay Ashford? Para namang may pakielam 'yung tao sa kanila eh wala naman. Mas lonely pa nga 'yun sa'kin kung tutuusin eh.

"Hey, you're Chasey, right?" Biglang lapit sa'kin ng isang babaeng pamilyar pero hindi ko na matandaan ang pangalan. Sino nga ulit 'to?

Tumango ako. "Yeah, who are you?"

"Amery." Oh? Now, I remember her. One of the girls na nakasama namin ni Ella sa room noong fieldtrip. Si Amery Sanchez. The not so nerd of Rutherford University.

"Anong kaylangan mo sa'kin?"

"May nag papabigay sa'yo." Inabot niya sa'kin ang isang maliit na box na kulay red at may nakataling ribbon na itim. Kinuha ko naman iyon sa kamay niya ng may pasasalamat bago siya tuluyang umalis sa harapan ko. Tiningnan ko ang box na hawak ko, I untie na ribbon and immediately open it. Isang maliit na papel ang nakapaloob do'n, saying...

The battle is not over. We're just starting, SK.

My eye brow raised. I let my tongue graze my lips and shooked my head. They will never let me live.

---
"Anong ibig sabihin ng sulat na 'yan? May isa pa bang underground battle? Ay nako! Ayoko na ah! Tama na muna 'yung isa para sa'tin na kakasimula pa lang ulit!" Si Ella, halos mag panic na dahil sa sinabi ko.

"Oo nga! Hindi pa kaya ako nakakamove on do'n sa nakaraan na battle. Buwis buhay 'yun, ah! Biruin niyo Death Wolves ang nakalaban natin. Death wolves! God! Nakakalurkey!" Si Keith.

"Pwede ba, 'wag na natin pag usapan 'yung nakaraang battle. Tapos na iyon at baka may makarinig pa sa'tin dito at mag karoon nanaman ng bagong problema. Ang isipin natin, itong note na 'to. Alam mo ba kung kanino galing 'to Chasey?" Seryosong tanong ni Erickha. Noong pag kabasa ko pa lang kasi ng sulat kanina ay agad ko na silang pinuntahan at hinila sa likod ng elementary building. Kung tutuusin ay pwede kaming mapagalitan dahil cutting classes nanaman kami pero wala na kong pakielam sa grades ko. Ang importante ngayon, kung paano ko sisimulan ang pag tapos ng lahat ng ito. Kaylangan maaga ng matapos 'to dahil ayoko ng may madamay pa ng dahil lang dito.

"Isa lang naman ang may galit sa'kin eh. Kaya alam kong sa kanya galing 'yan." Simple kong sagot at tinapon ang papel sa basurahan.

"Uy, sino? Si Lally ba? Siya lang naman kasi ang kilala naming galit sa'yo at 'yung iba pang gang groups na kasama at hindi kasama sa MPG eh." Si Keith.

Umiling ako. Ba't naman nasama ang lintek na Lally na 'yun dito? Kahit siraan niya ko sa iba at sirain niya ang araw araw ko ay hindi ako mag kakaroon ng pakielam sa haliparot na 'yun. And I don't really think she could do something like this just because she hates me so much. Besides that, the sender address me as SK and no one, except my friends and brother, knows that I'm the Silent Killer of BIS.

"Eh, sino? Clue ka naman." Si Ella.

Tumingin ako kay Erickha at nakatingin din siya sa'kin. I gave her a look before setting my eyes again to my other friends.

"Sa'kin na lang muna 'yon sa ngayon. At yung tungkol sa note, 'wag na kayo mamroblema do'n. Hindi kayo kasali do'n at ayoko rin naman kayong idamay do'n." Pagkasabi ko no'n ay iniwan ko na sila agad at nag lakad na ko papuntang secret exit palabas ng school.

Kailangan ko siyang makausap.

***
Third Person's POV

Armada's Residence

Tahimik na kumakain ang dalawang miyembro ng pamilya Armada na sina Cristoff at Iris nang biglang may pumasok sa kanilang bahay na ilang armadong lalaki. Pinalibutan sila agad ng mga ito at tinutukan ng baril ang kanilang sintido.

Napabuntong hininga na lamang dalawa at matamang tiningnan ang isa't isa.

"Huwag na kayong mag tangkang manglaban pa. Sumama na lamang kayo sa'min ng maayos at walang masasaktan sa inyo." Akmang hahawakan si Iris ng isang lalaki patayo ng mabilis niyang nahawakan ang kamay nito at siniko sa tiyan ng malakas. Inagaw niya ang hawak nitong baril at agad kinasa. Pagkatapos niyang gawin 'yun ay tinapon niya ang baril sa corner ng pader malapit sa kinauupuan ni Cristoff, at na alarma naman agad siya doon dahil agad siyang yumuko para hindi matamaan ng mga bala ng baril na tatama sa mga lalaking sasakalay pa sa kanila mula sa bungad.

Pagkayuko ni Cristoff ay agad siyang gumulong pailalim ng lamesa para bunutin ang kanyang baril at pag babarilin sa mga binti ang mga lalaki. Nang mapuruhan niya at maubos na rin ang bala mula sa baril na hinagis kanina ay agad na siyang tumayo at pinag babaril pa sa mga ulo ang lalaki paikot. Ganon din naman ang ginawa ni Iris na may kaunting sugat na sa pisngi dahil sa pag bato sa kanya ng isang kutsilo ng isang lalaki. Nakailag siya ngunit dumaplis ito sa mukha niya dahilan upang lalo siyang ganahan na patayin lahat ng mga lalaking nasa harapan nila.

Umikot siya sa ibabaw ng lamesa at paupo siyang bumagsak sa sahig para puntiryahin ang isang button na ginawa ni Chasey noon incase of emergency. Nakita niya sa repleksyon ng salamin na may pupuntirya sa kanya sa kaliwa kaya agad niyang binaril ang button sa kanyang kanang bahagi and in just one click, patay na agad ang lalaki. Noong mapindot kasi ang button ay lumabas mula sa kabinet ang isang baril na tumutok pakaliwa upang barilin ang lalaki na mag tatangka sana kanya.

Hingal siyang tumayo at tiningnan ang puro dugong paligid. Inis niyang sinipa ang isang lalaking nakahara at pumunta sa asawa niyang nagawa pang umupo sa kanilang sofa.

"Paano natin lilinisin ang mga basurang 'to? Hindi pwedeng makita 'to nina Chasey at Chase dahil baka gumawa nanaman sila ng ikakapahamak nila. Alam mo naman ang mag kapatid na 'yun, mana sa'yo matigas ang ulo." Sabi ni Cristoff at tumayo para punasan ng panyo ang sugat ni Iris sa pisngi.

Sinamaan naman ng tingin ni Iris ang asawa. "Tss, ako lang ba?" Tanong niya at napangiti lamang sa kanya si Cristoff at umiling. Kinuha nito ang cellphone niya at may tinawagan. Pagkatapos niyang ibaba ang phone ay tumingin siyang muli kay Iris.

"Aalis na tayo rito at babalik na tayo sa mansion. Ayos naman na si Chasey kaya wala ng rason pa para mag tagal pa tayo rito. Besides, mas safe ang lugar na iyon kaysa dito."

Tumango na lamang si Iris at nag buntong hininga muli.

Ilang saglit lamang ay may dumating silang mga tauhan upang linisin ang kalat at ayusin na ang mga gamit nila para sa pag lilipat sa dati nilang tirahan.

Nang makasakay si Iris sa kotse ay agad niyang tinext sina Chasey at Chase upang ibalita ang biglaang pag lipat ng bahay. Pag kasend niya ng nga dapat sabihin ay sumandal siya sa upuan at pumikit. Talagang bang hindi mo kami titigilan Klariel? Tanong niya sa kanyang isipan at kinuyom na lamang ang kamao.

To be Continued...



The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now