Chapter 44 - Traitor Bitch

10.2K 229 18
                                    

Yet when you think it's over, another battle will occur.

***
CHAPTER 44 - TRAITOR BITCH

Chasey's POV

Nasa kwarto ako at tahimik na nag babasa ng libro nang pumasok bigla si Kuya sa kwarto ko. He looks uneasy and worried at hindi ko alam pero kinabahan agad ako. Did something bad happened?

"What's with the face Kuya? May nangyari ba?" Sinarado ko ang libro at nilagay na sa side table.

"We need to follow our parents in the headquarters. May nakarating sa'ming balita na nando'n daw ngayon ang ilang gangs na tutol sa pamumuno nina tita Les. And we know na kapag nando'n sila, may gulong mangyayari. So fix your self immediately, kailangan natin silang maabutan." Tumango naman ako at mabilis na siyang lumabas ng kwarto. Nag buntong hininga ako at hinilot ang sentido.

Another battle again, huh? Hindi na ba talaga sila titigil?

Umiling na lang ako at nag madali nang mag ayos. Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasan na isipin kung ano na ang nangyayari doon ngayon. Naisip ko na, na pwede ngang mangyari ang ganito dahil matagal kaming nawala sa society at iba na ang kinikilala nilang namamahala. Mahirap na sila pasunurin sa gusto naming mangyari. At hindi lahat ay sasangayon sa mga bagong regulasyon.

Aaminin ko natatakot ako, ayoko ng mangyari ang nangyari noon. Ayoko na. Bakit ba kasi hindi na lang maging maayos ang lahat? Bakit ba may problema pa ring ganito kahit wala na si Klariel? Damn her! This is all her fault.

I dug my cellphone out of my pocket and texted Blaze.

To: Blaze
Hey, where are you? Papunta ako ngayon sa head quarter ng parents natin, nandoon daw ngayon ang loyal companions ni Klariel. Alam mo na ba 'to?

I waited for a minute for his reply pero walang dumating. Damn it! Nasaan ba siya? Alam niya na siguro ang nangyayari at nauna na sa'min doon.

"Calm down, Chasey. You're hands are shaking." Si Kuya at sinulyapan ako.

I then held both of my hands and exhale deeply. Tumingin ako sa labas. "I'm trying."

Nakarating kami sa headquarters around 10 AM. Agad kaming bumababa ng sasakyan at tinakbo ang distansya ng main office nina Mami. The headquarters is located in the outskirts of the East Gram city. It's a small village hidden from the public and seems abandoned. Napapaligiran rin ito ng mga puno at may maliit na lawa pa sa tabi nito. Walang mag aakala na ito ang main hideout ng mga grupo sa underground society. Kung may mapapadpad man ay aakalain lang na simpleng abandonadong lugar lamang ito. Sirasira ang mga bahay at hindi na matitirhan pa.

Well, it's part of the disguise, anyway.

"Shit."

Napaawang ang bibig ko nang pag bukas pa lang namin ng pinto ay bumungad na agad sa'min ang puting pader na puro talsik ng dugo. Halos hindi na nga makita ang puti at parang kulay na ng dugo ang buong kwarto.

"What the hell?!" Kuya Chase cursed. Dahan-dahan kaming pumasok sa loob. Halos mabalutan din ng dugo ang buong sahig, naaapakan na nga namin ito at napatakip na lamang ako ng ilong. Eversince I was a child I hated the smell of blood. Para sakin, ang amoy ng dugo ay nakakapag paalala lang kung gaano kabaho at kasama pwede maging ang isang tao.

Red attracts people as evil can make them do bad.

Tatlo ang nakita kung patay sa loob. Ang dalawa doon ay nakilala kong member ng Black Snake at ang isa naman ay sa Tornic Tulips.

I knew it! Sila talaga ang mga pangunahing mag aaklas.

"Nasaan na kaya sila?" Tanong ko nang lumabas na kami ng office. Hawak hawak pa ni Kuya ang kamay ko na parang bata ako at mawawala ako bigla sa paningin niya.

The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon