Chapter 26 - I'm dead

12K 288 10
                                    

CHAPTER 26 - I'M DEAD

Chasey's POV

Bago ako pumasok ng bahay namin ay pinakiramdaman ko na muna kung gising pa sila. Halos mag e-eleven pm na rin kasi ako nakauwi. Iyong lalaki kasi na 'yun! Masyado daw niya kong na miss kaya dinala niya ko doon sa dati naming laruan noong mga bata pa kami. Doon niya na rin ikinuwento sa'kin kung sino ang mga lalaking humahabol sa'min kanina. Gang members daw ng Chain Weepers. Psh! Ano bang kaylangan sa'min ng mga gunggong na 'yun at hinahabol nila kami?

Hindi pa nakalock ang pinto nang pumasok ako kaya sigurado ako na gising pa silang dalawa. At hindi naman ako nag kamali. Nakaupo sina Mami at Kuya sa sofa habang masama ang tingin sa'kin. Tinuro pa ni Kuya ang basag na bintana na may tabing na...sako? What the? And mouthed 'lagot ka' with hand gestures pa kaya inirapan ko na lamang siya. It's not my fault, okay? Hindi naman ako bumasag dyan eh.

"What?" Tanong ko sa kanila. Hindi pa rin kasi natitinag ang masama nilang tingin. Tumayo naman si Mami at nilagay niya ang dalawang kamay niya sa bewang niya. Tinaasan niya ko ng kilay. Napabuntong hininga naman ako at may kinuha sa bulsa ko. "Bago kayo OA na mag react, ito," Inabot ko kay Mami ang pera pambili ng bagong bintana. Alanganin naman niyang tinanggap iyon at kinunutan ako ng noo. "Bayad 'yan noong nakasira." Sabi ko agad bago pa siya makapag tanong.

"Sino bang nakasira? Isa ba sa mga kaibigan mo?" Tanong ni Kuya at alanganin naman akong tumango. Kaibigan ko naman kasi talaga.

"Bakit ngayon ka lang umuwi? Alam mo ba kung anong oras na Chasey Andrei Armada?" Si Mami.

"Uh, 11 pm?"

"Exactly. 11 pm na! God! Chasey, hindi uwi ng isang normal na babae 'yan. Alam mo ba kung gano mo kami pinag alala dito ha?! Sino bang kasama mo at parang nakalimutan mo yata na may pamilyang nag aalala sayo?" Oh god! I don't have any time for this. I'm tired!

"Sorry okay? Sorry! Hindi ko gusto na pag alalahin kayo. And promise hindi na 'to mauulit."

"Aba dapat lang! Siya nga pala kumain ka na ba?"

"Yeah. Pero may pagkain pa ba?" Nagugutom kasi ulit ako. Letche kasi 'yung lalaking yun e! Dinala pa ko sa isang restaurant e ang unti unti naman pala ng servings doon. Nabitin tuloy ako! Nakakahiya namang mag padagdag pa ng pagkain kasi lahat yata ng kumakain doon ay may mga kaya sa buhay. Baka akalain pa nilang patay gutom ako at first timer lang sa isang first class restaurant!

"Sa tingin mo? Malamang wala! Hindi naman kami marunong mag luto e!"

I facepalmed. "So, hindi pa kayo kumakain?"

"Hindi pa! At kasalanan mo 'yun! Hindi mo kasi kami inalala bago ka nag lakwatsa. Hmp!" Pagkasabi noon ni Mami ay pumasok na siya agad sa kwarto niya. Si Kuya naman ay tiningan pa muna ako ng nakakaloko bago pumasok na rin sa sarili niyang silid.

Napairap na lamang muli ako at umiling. Mga abnormal talaga.

Pumasok na rin ako sa loob ng kwarto ko. Nag palit lamang ako ng damit at nahiga na sa kama. Pagod na pagod talaga ako ngayong araw, jusko! Ngayon na lang yata ako ulit nakatakbo ng gano'ng kalayo. Kailangan ko na ulit siguro ng practice sa stamina.

Nakatingin lamang ako sa puting kisame hanggang sa unti unti ng bumigat ang talukap ng mga mata ko at tuluyan nang nakatulog.

Kinabukasan...

"Chasey, hindi ka ba nag tataka? Parang ang tahimik ng week natin ngayon 'no?" Sabi ni Keith habang sumisimsim sa juice na binili niya.

"Natin? Kayo lang." Matagal ko ng tinanggap sa sarili ko na never, as in never akong mag kakaroon ng tahimik na buhay. Hangga't nandyan sila, mananatiling hawak pa rin ni kamatayan ang buhay ko.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Erickha at umiling na lang ako. Hindi ko na dapat ikwento sa kanila ang nangyari kahapon dahil wala namang kwenta 'yun. Mag sasayang lang ako ng laway.

Pagtapos ng break namin ay bumalik na kami ng room. Pumasok na si Hiro and as usual napakatahimik niya lang. Hindi kaya napapanisan ng laway ang isang 'to? Nag kibit balikat na lamang ako at umupo na sa tabi niya.

"Classmates! Wala si Ma'am, may meeting daw. Yes!" Tuwang tuwa ang lahat dahil sa sinabi ni Ian at kahit class hours ngayon, nag silabasan silang lahat para mag lakwatsa. Tsk! Parang katatapos lang ng break namin a?

Lumapit naman agad sa'kin 'yung tatlo at niyaya akong lumabas. No choice naman ako kung hindi sumama na lamang dahil ayaw kong maiwan sa room kasama ang ilang kaklaseng lalaki. Bago ako lumabas ng pinto ay nilingon ko si Hiro, naabutan ko ang tingin niya sa'min kaya nginisian ko siya.

"Hoy, Chasey! Sino bang nginingisian mo dyan? Tara na at may ichichika ako sa inyo." Si Ella, nasa covered court na sila patawid sa pathway papuntang university oval.

"Yeah." I lazily said at tumakbo na ko papunta sa kanila.

Pagkarating namin sa hilera ng mga bench ay agad ng nag kwento si Ella. Hindi ako nakinig sa kanya at tumingin na lamang ako sa paligid. Kinuha ko ang phone ko at nakita kong may isang message doon galing kay Mami at sinasabihan lang ako ng umuwi ng maaga. Psh. As if na palagi naman akong nasa labas. Kagabi lang naman ako nalate ng uwi dahil may nangyari.

Ibabalik ko na sana ang phone ko sa pocket ko noong nakatanggap ulit ako ng text message. Noong nabasa ko ang text niya ay palihim na lamang ako napangiti. What's wrong with me?

"Salit lang, bibili lang ako makakain." Paalam ko at agad na umalis.

***
Erickha's POV

"Tingnan mo 'yung bruhang 'yun. Hindi na nga nakinig, umalis pa." Reklamo ni Ella at tumabi sa'kin.

"Pano ba naman kasi wala namang hilig si Chasey sa mga pinag sasabi mo." Sagot naman ni Keith at umirap na lamang si Ella.

"Tara! Sundan natin si Chasey." Sabi ko sa kanilang dalawa at tiningan muli si Chasey na mabilis nag lalakad palayo sa'min. Hindi canteen ang direksyon niya kaya alam kong may ibang siyang pupuntahan. Pero saan naman kaya? Noong nakaraan pa siya ganito at nag hihinala na talaga ko kung saan siya pumupunta kapag umaalis siya. May hindi ba siya sinasabi sa'_min?

"Hay nako, Erickha! Ikaw na lang at mahal ko pa ang buhay ko." Binatukan ni Keith si Ella at pagkatapos ay tumingin siya sa'kin. "Bakit? Bakit kaylangan natin siyang sundan?"

"Nag hihinala na kasi ako sa kanya eh. Pakiramdam ko sa mga nag daang linggo ay marami na siyang hindi sinasabi sa'tin. Hindi man lang ba kayo nag tataka kung saan siya pumupunta kapag umaalis siya?"

Nag isip muna sila sandali bago sumagot.

"Nagtataka. Pero baka magalit sa'tin si Chasey kapag nalaman niyang sinusundan natin siya. Katakot pa naman magalit 'yun."

"Oo nga. Malakas pa naman sa pakiramdaman ang babaeng 'yun. Wag na lang Erickha."

Nag buntong hininga naman ako at umiling.

"Kayo ang bahala. Basta ako, susundan ko siya." Pagkasabi ko no'n ay tumakbo na ko para mahabol si Chasey. Narinig kong sinigaw nila ang pangalan ko pero hindi na ko lumingon pa at nag patuloy lamang sa pagtakbo. Kumunot ang noo ko noong makita siya na papunta sa likod ng building ng mga elementary students. Tumigil ako agad sa pagtakbo at mabagal na lamang nag lakad habang pinapanatili ang distansya naming dalawa. Hindi niya pwedeng malaman na sinusundan ko siya kasi malalagot talaga ko.

Nag tago ako sa gilid ng pader. Mabuti na lamang at may klase dito kaya tahimik ang lugar at walang makakakita sa'kin. Pero anong gagawin ni Chasey sa lugar na 'to? Hindi niya hilig ang mga bata kaya imposibleng nag punta siya rito para sa rason na 'yun.

May narinig akong nag uusap at alam kong boses ni Chasey ang isa doon at...

Unti-unti akong sumilip at nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Is this seriously real? Si Chasey kausap niya si--

"Erickha?" Oh my gosh! I'm dead!

To be Continued...

***
Sino kaya ang nakita ni Erickha na kausap ni Chasey? Any guess?

The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now