Chapter 30 - The Day After

11.7K 269 6
                                    

CHAPTER 30 - THE DAY AFTER

Chasey's POV

Alasais ng umaga nang magising ako dahil sa tunog na nang gagaling sa cellphone ko. Inistretch ko ang kamay ko para abutin iyon sa side table kaso masyadong malayo ang pwesto ko kaya kaylangan ko pang tumayo! Napamura na lamang ako dahil sa sakit na bigla kong naramdaman sa likod at ulo ko. Dumagdag pa ang hiwa ko sa braso na bahagyang kumirot kaya napahiga ulit ako sa kama.

Tsk! Hindi pwedeng ganito ako. Kaylangan kong masanay ulit dahil panigurado ay masusundan pa 'to. I don't want to look pathethic in front of them. Never I'd imagined myself na mag mumukhang kawawa sa harap ng mga kalaban ko. It's always the other way around!

Bumukas bigla ang pinto ng kwarto ko at pumasok sina Papa at Kuya na may dalang tray at nilapag 'yun sa side table ko. They both look so serious as they gaze at my wounded situation. Lalo na si Kuya na masama ang tingin sa'kin. Iniwas ko na lamang ang tingin sa kanila at binaling doon sa tray na dala nila.

"Ano 'yan?" Takang tanong ko at pinilit ulit na tumayo mula sa pag kakahiga ko. This time ginamit ko na ang buong lakas na meron ako para lang panlaban sa sakit at makaupo ng maayos. Damn it! I hate this!

"Sumabak ka lang sa battle, nabulag ka na? Hindi mo ba nakikita? Pagkain 'yung dala namin." Kuya Chase said in a sarcastic tone at inirapan pa 'ko. Aba! Problema mo?

I just hissed and glared at him. "Ang dami mong sinabi." Tumingin ako kay Papa. He then sighed at inabot niya sa'kin 'yung sandwich na tinanggap ko naman agad. Gutom na rin kasi ako dahil kagabi pa ko hindi kumakain. Hinang-hina na rin ako dahil sa battle na nangyari kagabi. Letche ang lalaking 'yun! Ang sakit no'ng dinanas ko sa kanya ah! Patay talaga siya sa'kin kapag nakita ko siya ulit.

"Kamusta naman ang pakiramdam mo?" Tanong niya at kumagat muna ako sa sandwich bago sumagot.

"Masakit 'yung katawan ko. Masakit ang ulo ko at mahapdi ang sugat ko. Obviously, hindi po ako okay." Hindi ko nga alam kung bakit mahapdi iyon dahil sa pagkakatanda ko naman ay maliit lamang ang hiwa na ginawa niya sa'kin. Well, maliit nga ba? I can't properly remember pero tingin ko talaga ay maliit lamang iyon. A small cut that still enough to make me bleed and made me weak.

"See? Tapos kagabi ayaw mo pang ipaggamot 'yan. Kung siguro pinairal mo 'yang katigasan ng ulo mo ay wala ka ngayon dito sa bahay. Baka nasa hospital ka na!" Sermon nanaman ni Kuya kaya inirapan ko na lamang siya at kumagat na lamang muli sa sandwich. Kalalaking tao, putak ng putak. Mana talaga siya kay Mami!

Wait, speaking of her...na saan iyon? Hindi ba dapat ay isa rin siya sa mga nanenermon sa'kin ngayon? 

"Nasaan nga pala si Mami, bakit wala siya rito?"

"Umalis, may pupuntahan daw na kaibigan." Sagot ni Papa. I then sighed in relief and happily sip on my orange juice. Mabuti naman kung gano'n. Ayokong may isa pang manermon at mambara sa'kin ngayong umaga.

"Siya nga pala Chasey, may gusto sana akong itanong sa'yo..." Seryosong sabi niya sa'kin kaya napaangat muli ang tingin ko sa kanya. By the looks of my father, I know he'd already have an idea about what's happening. He just a need a confirmation from me.

I shrugged and smiled. "Okay."

---
Iris's POV

"Yes, hello, get lost." Sagot ko sa isang hindi kilalang numero habang nag aayos ako ng gamit. The other line went silent and seconds later, I heard a laugh.

"Kamusta ka na?" Noong marinig ko ang pamilyar na boses niya ay agad akong napatigil sa aking ginagawa. Humigpit rin ang hawak ko sa'king cellphone habang pinipigilan ang sarili na paulanan siya ng mura ngayon. This bitch has really the audacity to call me, huh?

The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz