Chapter 20 - Officially Back

14.3K 365 17
                                    

CHAPTER 20 - OFFICIALLY BACK

Chasey's POV

Dumating ako sa HQ namin around 12 PM. Agad na sumalubong sa'kin ang tatlo at tinanong kung ayos lang ba ako. Mukhang alalang-alala lalo na nang makita na may ilang sugat ako at putok ang labi. I just nodded my head as an answer, quickly dismissing the drama, at pumunta na lamang sa long table sa gitna kaharap ang isang malaking TV. Ang base o ang HQ namin ay isang bahay lamang, tama lang para saming apat at sa iba naming members. It was divided into parts, for storage of weapons, for meetings, for trainings and for entertainment.

Nandito rin ang mga sinusuot namin na damit kapag sumasabak kami sa mga underground battles. May kanya kanya kaming closet, may isang room din kami dito na para saming apat lamang na mag kakaibigan, doon kami madalas noon lalo na kung personal ang pinag uusapan. Our quarter might look small on the outside but it was bigger and more high tech inside. It was build for the only sole members of BIS. Napatayo ito noon dahil na rin sa malalaking bayad sa'min kada may mga missions kaming natatapos. Marumi man ang naging paraan pero iyon ang mundong ginagalawan namin.

Sumunod ang tatlo sa'kin sa pag upo. Tahimik lamang kami lahat sa table at nag papakiramdaman hanggang sa nag salita si Erickha. Kunot na kunot ang kanyang noo. "Chasey, ano ba talagang nangyayari? Why all of a sudden ay may nangharang sa'tin na underlings ng BSG? That was so unexpected! Nanahimik naman tayo, ah."

"May nangyari ba ulit sa pagitan sa ninyo na hindi namin alam? Bakit nila tayo pinag tatangkaan all of a sudden? Iyong una 'yung kagabi tapos ngayon..." Ella trailed off.

Nag buntong hininga naman ako at binasa ang aking labi. Mukhang gulong gulo na talaga sila kaya kailangan ko ng mag salita. "Parang hindi naman natin napagdaanan 'to noong unang pasok pa lang natin sa gangster world. Girls, it's just their simple welcome party for us, for our comeback. A bloody welcome party." I simply said and shrugged.

"Y-you mean..." Keith stuttered. Pinag halong pagkabigla at pagkamangha ang kanyang ekpresyon.

Tumango naman ako at ngumisi. "Yes. Badgirls in Silence are back."

Gulat na gulat naman ang kanilang mga itsura. Lumapit pa sila sa'kin ng todo.

"Oh my god! Seryoso ba? Anong naisip mo at binalik mo ang grupo natin? Akala ko ba ay wala ka ng plano?"

"Actually, ayoko naman talaga sanang ibalik," Nag buntong hininga ako. "Pero mukhang miss na miss na yata nila ang grupo natin sa mga away nila kaya pinag bigyan ko na. The moment they've made that move, was already an invitation to enter the hell and play with the demons...again."

"Oh...pero paano naman nila nalaman agad na tinatanggap mo na ang "invitation" nila na sinasabi mo? You visited the site?" Tanong ni Erickha, air quoting the word invitation. Tumango naman ako.

Kagabi kasi, bago ako makatulog ng tuluyan ay naisipan ko munang buksan ang website ng underground society na kinabibilangan ng halos lahat ng gangsters sa Pinas, kasama na doon ang grupo ko as rank #2 before. The website was ultimately just for the members of the underground society kaya hindi mo ito agad makikita, not unless you have their private link and you know the access code. Dahil ako ay naging member naman na dati ay hindi na ako nahirapan pa makapasok.

The main page of the site didn't change, it's still composed of the Top 10 MPG board and the ranking below 10. Sa gilid nito ay ilang articles at sa taas naman ay ang mga founders at sponsors nito na ilang mafia groups from diferent parts of the world.

Tinitigan ko ang mga grupo na nasa top 10. Nanliliit ang mga mata sa nabasa. Masasabi ko na talagang madaming nabago sa ranking sa pag lipas ng ilang taon.

The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon