02

381 25 0
                                    

Khian's PoV :

Hinawakan ko ang aking tiyan at hindi ko naman maiwasang mapaiyak.

"Sorry baby.... Tayo lang dalawa.... Kung di sana nagloko ang daddy nyo baka masaya tayo ngayon." - sabi ko sa baby ko na nasa tiyan ko at mahina na hinimas himas ito.

"Wag kang mag-aalala bess nandito ako. Karamay mo ako hanggang sa paglaki ng baby natin." - pagpapalakas loob na sabi saakin ni Alex habang hinimas himas niya din ang tiyan ko.

"Pero bess, hindi ko alam na kasal kana pala! At Sanchavez na pala apilido mo ngayon?!" - nagtatakang tanong ni Alex mula saakin na nagpakunot ng noo ko.

"Wag mo nang sabihin yang apelyedo nayan dahil wala nayan sa bokubolaryo ko." - galit na sabi ko kay Alex.

"Ok besss, chill! Wag masyadong mainitin ang ulo, nakakasama kay baby yan." - pagpapaalala ni Alex saakin.

Tama nga naman si Alex, dapat ngayon masaya ako dahil dumating saakin ang anak ko.

"Mahal na mahal ka ni Mimi baby ko." - sabi ko sa aking isipan habang hinimas himas ang aking sinapupunan.

...............🌸.....................🌸..........................
..............🌿.....................🌿...........................

Akiro Sanchavez PoV :

"May nahanap kanabang impormasyon tungkol sa asawa ko?!" - Utos ko sa tauhan ko ng may bahid na galit dahil kedami-daming araw na nagdaan ay hindi pa nahahanap ang asawa ko makalipas na 6-Anim na Taon. At nababaliw na ako dahil sa kakaisip kung nasaan na siya. At wag na wag lang talaga na malalaman kung may mahal na siyang iba dahil di ako mag dadalawang isip na patayin ang lalaki nayun at kunin ang asawa ko at itali sa kuwarto ko para hindi na makaalis muli.

"W-wala pa boss." - takot na sagot ng tauhan ko.

"Buwiset! Mga walang kuwenta!" - kumukulo ang dugo ko masyado kapag hindi naayos ng mabuti ang utos ko.

Noong umalis si Khian sa buhay ko ay para mababaliw ako dahil wala naman talaga akong kasalanan at gawagawa lang ng babaeng yun yung nangyari saamin.

..................................†....................................

Flashback...

"Kitty please! Maniwala ka sakin, wala akong kinalaman dito. Di ko nga alam na nandito yang babae nayan. Please kitty! Maniwala ka naman!" - Pagmamakaawa ko kay Khian dahil wala naman akong alam na bakit may babae sa condo namin.

"Babe! Hali kana dito!" Sigaw pa ng babae saakin na ngayon nakahiga sa kama namin ni Khian.

"Paak!" - bigla ko nalang naramdaman ang pagdampi ng palad ni Khian sa pinsgi ko. Eto naba ang katapusan ng relasyon namin? Dahil sa kasalanang hindi ko namang ginawa. Hindi! Hindi ako makakapayag! Akin lang si Khian at papatayin ko kung sinong ang pakana nito at ang babaeng yun ang may kasalanan nito.

Susugurin ko na sana yung babae ng biglang nagsalita ng malakas si Khian na nagpagising saakin sa realidad.

"Sinungaling." - sabi nito saakin ng madiin at mararamdaman ko talaga ang sakit na salita ang kanyang binitawan. At nagmamadaling umalis sa condo namin.

Sinundan ko si Khian na ngayon nagtatakbo papaalayo sakin. "Please wag please... Di ko kayang mawala ang mahal ko." - Yun lang ang mga salita na umiikot-ikot sa utak ko ngayon.

"Khian please maniwala ka sakin!" - Sigaw ko sakaniya habang hinahabol siya. Pero hindi ko na siya naabutan dahil nakasakay na siya sa elevator.

Sakit at hapdi ang nararamdaman ko ngayon habang nakaluhod sa harapan ko ang elevator. Napakasakit sa puso, parang winawasak wasak ito dahil sa kasalanang hindi ko naman talaga ginawa.

Hanggang sa napagtanto ko na nandodoon pa yung walang hiyang babae nayon sa condo namin ng asawa ko.

Bumalik ako sa condo ko na nasa isipan ko na gusto kong patayin ang babaeng sumira ng buhay ko. Wala na akong pakealam kahit sinabihan ako ni Khian na wag na wag akong papatay ng tao. Pero sorry Khian dahil papatayin ko talaga ang babae nayun.

Pagbukas ko ng room namin ng asawa ko ay wala nayung babae nanandudon.

"BUWISET! PAPATAYIN KO YANG BABAENG YON KAHIT SAAN PAYUN MAGTAGO HAHANAPIN KO YON AT IPAPAGAHASA KO MUNA SIYA SA MGA TAUHAN KO AT PAPATAYIN KO SA HULI BUWISET NA BABAENG YON!" - dahil sa galit parang nababaliw ako at ang luha ko naman ay umaagos dahil sa sakit na nadarama ko. "Khian mahal ko..."
...........................................................

Ngayon ay pumunta ako sa bahay ng mga magulang ng asawa ko para magpaliwanag at kunin siya para bumalik sa munting tahanan namin dahil meron na akong imibensiya na wala talaga akong ginawang kasalanan na ikakasakit niya.

"Dingdong*" - Pinindot-pindot ko ang doorbell sa bahay nila Khian pero wala paring sumasagot at bigla ako nakaramdam na may masamang mangyayari na hindi ko ikatutuwa, kaya mas pinindot ko pa ang doorbell ng napakarami hanggang sa lumabas ang mga magulang ni Khian.

"Akiro?" - gulat na tanong ng mama ni Akiro saakin.

"Tita nandiyan ba si Khian?....... Khian!lumabas ka! Mag-usap tayo!" - pagmamakaawa ko sa labas ng gate nila.

"Wag kanang mag ingay diyan dahil wala na si Khian dito!" - sabi ng papa ni Khian saakin habang papalabas ito ng bahay. At dahil sa sinabi ng papa ni Khian ang biglang bumagsak ang kaluluwa ko.

"Hindi... Di ako naniniwala!, Khian lumabas ka! Mag-usap tayo!" - hindi ko pinaringgan ang papa ni Khian dahil hindi magagawa ni Khian saakin yon, Hindi puwede! Hindi ako papayag!

Patuloy parin akong nagpipindot sa doorybell para lumabas si Khian dahil hindi parin ako naniniwala at hindi totoo na umalis na siya at iniwan ako.

"Khian!" - pagmamakaawa ko at sabay agos ang luha ko. Pero nung marinig ko ang isang boses nayun ay nadurog ang puso ko at kaluluwa ko.

"Akiro totoong wala na si Khian dito sa bahay umalis na siya." - sabi ng mama ni Khian. Bumagsak ako at napaluhod dahil alam ko na hindi nagsisinungaling Ang mama ni Khian saakin dahil sauna't sapol ay ang Mama ni Khian ang unang tumanggap ng pagmamahalan namin sa isa't-isa.

"Ngayon naniniwala kana? So puwede bang umalis kana dito!" - pagpapataboy saakin ng papa ni Khian.
........................................................................

Itutuloy...

BOOK 1 : MLS : You are Mine No YOU'RE MINE {•BXB•} Where stories live. Discover now