15

233 21 2
                                    

Julian Enrnahes PoV :

Ayyy author may Pov pala ako hahahahaha, Gusto nyo talagang malaman ni author kung sino ako ha?

Well ako naman ang partner ni Khian so sasabihin ko sainyo kung ano ang sekreto ko muwahahahaah!

Flashback...

Inlove ako ni Khian noon pamang mga grade 3 kami at tatapat na sana ako ng nararamdaman ko ng sumulpot yung buwiset na Akiro nayun!

Sa una palang ay akala ko kaibigan lang ang turing niya kay Khian pero nagkakamali pala ako. May gusto pala to kay Khian.

Grade 7 na kami at noong araw na umuwi kami galing sa pamamasyal sa mall at nakasakay sa sasakyan ng Dad ko at kasakasama namin ang mga yaya namin ni Khian ng may biglang humarang saaming itim na sasakyan at iniluwa nito si Akiro.

Lumapit siya sa kinaroroonan namin at ipinababa niya ako. Kung akala niya ay takot ako sakaniya ay nagkakamali siya ng binangga. Wala siyang hiya na may balak siyang kunin niya ang mahal ko.

Dahil sa galit ay nilabas ko siya at ngayon harapharapan kaming nagtitigan habang ang mga kamao namin ay nakahanda na sa anong man ang magaganap.

"Ikaw ba si Julian?" - galit at madiin nitong tanong saakin.

"Oo bakit?" - galit ko ding sagot sakaniya.

"Wag kang lapit ng lapit kay Khian dahil akin siya."

Aba gago tong lalaking to ahh. Ako na ngang nauna siya payung may lakas sabihan ako ng ganito.

"Anong sayo si Khian? Akin siya!" - galit kong bulyaw sakaniya.

Agad naman niya akong hinawakan sa kuwelyohan ko ng dahilan na nahirapan ako sa paghinga. Ang yaya ko at driver ni Dad ay pilit silang kumawala sa dalawang lalaki na batid ko bodyguards niya. 

"Wag na wag mong sasabihin ang pangalan ni Khian dahil ako lang ang may karapatan sakaniya! Dahil fiance ko siya kaya umalis ka sa buhay namin!" - huling sabi nito saakin ng naramdaman ko nalang sinuntok ako para mawalan ako ng malay.

Pag gising ko ay parang wala lang nangyari maliban sa may bubog sa kutu-kutaan ko dahil umitim ito. Tinignan ko ang sarili ko kung may sugat pa ba ako pero wala at dahil dun ay nagtaka ako. Tumayo ako sa pagkakahiga ko at naglakad palabas ng room ng narinig ko sa kabilang kuwarto ang hikbi ng aking ina.

"Hon pano nato? lugi na ang mga negosyo natin dahil kay Mr. Sanchavez! Bakit nila pinakawalan ang shares natin at kahit ibenta natin ang shares sa ibang kompanya ay di nila tinatanggap! Paano na tayo hon?!" - umiiyak na sabi ng ina ko.

"Buwiset! Wag kangang iyak ng iyak diyaan! Wala kang kuwenta! Pati na ang anak mo walang kuwenta! Wala man lang nagawang matino! Buwiset!" - galit at bulyaw niyang sabi kay Ina.

Rinig ko din ang pagbasag ni Tatay sa mga gamit sa loob ng opisina niya.

"Sanchavez?" - tanong ko sa aking isipan dahil parang narinig ko nayung apilyedo nayun.

Hanggang sa napagtanto ko na yung Sanchavez nayun ay yung lalaking gustong kumuha ng asawa ko. Nagyuyukop ako ng galit habang iniisip ang gago nayun.

Biglang bumukas naman ang pinto at tumambad saaking harapan ang aking Tatay na nag-uugmigting sa galit.

Magsasalita na sana ako ng bigla niya akong sinuntok ng sinuntok at agad kinaladkad paalis ng bahay.

"Wala akong kuwentang anak kaya umalis ka dito sa pamamahay ko kung ayaw mong patayin kita!" - sabi ng tatay ko sabay na marahas akong sinuntok ulit sa mukha na ang dahilan na ako'y bumagsak.

Nakita ko naman ang aking ina na naluluha. Alam kong gusto niya akong tulungan sa marahas n ginagawa ng tatay ko saakin pero hindi niya kaya. Palagi naman ganito ng tatay ko saakin at sa nanay ko pero mas sumobra ito ngayon.

Bumalik naman sa loob ng masyon si Tatay pero agad naman siyang bumalik na may dala-dalang bagahe.
"Wag kanang babalik kung ayaw mong mawala ka sa mundong ito. Alis!" - pagtatabuyan niya saakin at agad ko namang kinuha iyon at umalis papalayo ng bahay.

Habang pinaringgan ko ang mga kanyang salitang pinakawalan ay biglang sumagip saakin ang mukha ng taong may kasalanan kumbakit ako nagkaganito.

"Akiro Sanchaves." - habang sinasambit ko ang pangalan nayun ay napakumo nalang ang kamao ko ng dahil sa galit.

Dahil walang matutuluyan ay naglakad-lakad ako sa kalye habang tinitignan ang litrato ni Khian.
"Khian mahal ko."

Gagawin ko ang lahat para mapasaakin si Khian saakin kaya magsusumikap ako lalo kahit walang-wala ako at wala ring pamilya kinikilala dahil si Khian lang ang pamilya ko simula ngayon.

Yan ang mga salitang umiikot sa aking utak noon at ngayong nakapagtapos na ako ng pag-aaral ay naisipan kung hanapin muli si Khian pero ang tadhana ay hindi kumakampi saakin. Dahil nalaman ko nalang na nagpakasal na siya sa buwiset na Sanchavez nayun.

Pero hindi ako makakapayag na makuha ni Akiro si Khian saakin at agad may nabuong plano ako na tiyak iiwan siya ni Khian at muling babalik si khian saaking bisig.

Hindi naman ako natalo ang natagumpay na paghiwalayin sila at labis akong natuwa dun. Sinubaybayan ko si Khian sa USA at nalaman kong maari palang mabuntis siya pero nagiinting ako sa galit dahil nabuntis siya ng gagong buwiset nayun.

Wala naman akong problema sa bata dahil kapag kami na ni Khian ay papatayin ko ito ng sekreto at papalabasin na accidente ang nangyari sa pagkamatay nito.

Nakangisi ako habang sa iniisip ang mga balak ko sa mangyayari in the near future.

"Khian mapapasaakin kadin." - sabi ko habang tumatawa ng napakalas na parang baliw pero wala akong pakialam dahil totoo iyon. Baliw na baliw ako kay Khian.

Akiro's Pov :

Nandito ako ngayon sa kusinahan sa barko at nagluluto ng agahan sa mag-ama ko. Bumangon kasi ako ng umaga at napag-isip isipan ko na gawan ko ng breakfast si Khian at Baby Iro para may points ako. Baka sakali mapupunan ang wasak niyang puso at tanggapin muli ako sa buhay niya.

Habang nagluluto ako ay may narinig akong pumasok at nilingon iyon at natuwa naman ako dahil si Baby Iro pala iyon na ang cute cute niya. Dahil kinukurot pa niya ang mata niya na nagpapakitang bagong gising talaga ito.

"Baby are you hungry? Hmmm? Gutomb kaba?" - tanong ko sa anak ko habang hinahawakan niya ang damit ko.

"Daddy, i'm hwangry" - sabi niya at napa pisil nalang ako sa pisnge nito dahil sa kacutan. Sinamahan ko naman siya sa hapagkainan at pinaupo sabay halik ng nuo niya at bumalik nadin sa pagluluto.

Maya-maya pa'y may boses akong narinig na nagpatibok ng puso ko dahil nanggagaling ito kay Khian. Nilingon ko naman kung saan ko narinig ang boses nito at nakita ko si Khian na pinupugpug ng halik ang anak namin.

Habang tinitignan sila ay napasimangot nalang ako sa nakita ko. Dahil kinikis niya yung anak namin na kamukhang kamukha ko nung bata pa ako pero yung Daddy niya ay walang kiss na nakukuha galing sa Mimi niya.

Habang nakasimangot akong tinititigan silang dalawa ay narinig ko nalang ang sabi ni Khian saakin mula sa Dining Area.

"Gusto morin ba ng Kiss?"

"Gusto morin ba ng Kiss?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Itutuloy...

BOOK 1 : MLS : You are Mine No YOU'RE MINE {•BXB•} Where stories live. Discover now