09

259 22 1
                                    

Khian's PoV :

"So sir...., Valid pa po ba?" - ulit na tanong nito.

"Nagdala kaba ng resume mo?" - sabi ko habang inaabot ko ang kamay ko para ibigay niya saakin yung dala dala niyang envelope baka kasi dun nakalagay.

"Opo sir!." - sabi pa nito habang inabot niyang yung dala-dala niyang envelope saakin habang nakangiti ng wagas.

"Hala may nakain talaga to ng masama. At bakit bumait ito at namumulahan agad saakin. Grabe ha! Yang galit niya saakin to the Max Infinity! At kung makasabi ng opo, halerrrr! sa ganda kong toh?! Pagkakamalan na gurang." - pagdadabog ko sa aking isipan.

Habang tinitignan ko yung resume niya ay nakita ko na mas bata pala pato kesa saakin ng mga 4 years ang agwat namin. "Ahhh.....kaya pala! Kung maka po saakin wagas." - pagsang-ayon ko sa aking isipan.

"Ok....Mr. Ernahes tanggap kana sa trabaho at bukas na bukas ay maaari kanang pumasok bilang bodyguard ko." - Sabi ko sakaniya at sakto naman ang pagpasok ng sekretary ni papa sa opisina ko para sabihan ako sa mga schedules ko.

"Ayy oo nga pala, Ken ( A/N : pangalan ng sekretary ) asikasuhin mo muna si Mr. Ernahes para sa susuutin niyang uniporme at turuuan mo sa mga dapat gawin at makakaalis na kayo." - utos ko sakaniya at tumango.

Tinanaw ko silang dalawa paalis ng opisina at napabuntong hininga nalang ako. Grabe talaga yang sekretary ni Papa. Sekretary nanga bodyguard pa! Kesa sa sekretary ko sa States gusto pa akong ligawan hayyyssstt.

Habang nag-iisip ako ay sinudot-sundot ako ng anak ko kaya napatingin ako sa gawi nito. "Mimi gutom na ko! Gusto ko spaghetti sa pulang bubuyog!" - sabi nito habang ginagawa nanaman niya yung puppy face saakin.

"Ang cute talaga ng baby ko!" - nanggigigil kong sabi sa isipan ko at kinurot ang anak ko sa pisnge at nagdadabog pa ito sa pagpisil ko sa matambok ma pisnge.

"Mimi naman eeeii! di na ko baby! Big boy nako so wag nyo naako ibaby." - sabi nito habang nakasimangot.

Natawa naman ako sa inasta nito at muling pinisil ng panghuli ang pisnge niya kaya mas sumimangot pa ito. "Mimi!"

"Ok, ok enough na si mimi!" - pinigilan kong tumawa dahil matatawa ka talaga ng masyado sakaniya dahil kasi parang siyang pato kung makasimangot.

"Mimi ok kalang ba?" - tanong nito saakin habang tinitignan ako.

"Ok lang naman baby. Bakit mo naman naitanong yan?" - Tanong ko rin nito.

"Para ka kasing puffer fish mimi!" - sagot nito habang ginagaya ako ng mga ginawa ko pagpigil tawa.

"Ikaw talaga ha!" - mapaglarong pagbabanta ko sakaniya at muling hinabol ang anak kong bubwit kaya puro halakhak muli ang pumalibot sa loob ng opisina.

Akiro's PoV :

Sino kaya yung bata nayun.

Anak bayun ni Khian?

Pero paano? Eh bakla siya.

Yan ang mga iniisip ko sa utak ko habang nagpapahinga sa mansion ko. At oo mansion ko dahil kapag nagkabalikan na ulit kami ni Khian ay dito na kami titira. Noong apat na taon ko pa to pinagawa habang abala ako sa paghahanap sakaniya.

"Wag ko lang talaga na malaman na anak nila yun sa kalantari niya dahil papatayin ko talaga ang buwiset nayan sa pag-agaw niya sayo saakin." - galit na bantang ko sa lalaki o babae ang nangahas kay khian kung totoo man ang mga hinala ko.

Patuloy parin ako sa pag-iisip tungkol kay Khian nang tumunog ang cellphone ko. Hinupa ko muna ang galit ko at huminga ng malalim at inaacept ang tawag. "Mom bakit kapo napatawag." - sabi ko.

"Anak! Nakauwi napala si Khian dito sa Pilipinas?!" - tanong ni mama na pabulong at dahil sa narinig ko ang pangalan ng asawa ko ay dali-dali akong napaupo ng maayos sa sofa at tinanong si mama.

"Ha? Ba't mo naman nalaman Mom?" - tanong ko sakaniya habang naghihitay sa isasagot ng Mom ko sa kabilang linya. Dahil wala akong sinabi sa kanila ni Dad at pati mga tauhan ko ay di ko pinasabi sakanila. Nakakapagtaka dahil bakit ni nalaman ni Mom ito.

"Nandito kasi kami ng Dad mo sa Jollibee kumakain at nakita namin ang pagpasok ni Khian na may dala-dalang bata." - sabi ni Mom saakin habang ang tono niya ay di makapaniwala.

"At tiyaka anak! Ang batang kasa-kasama ni Khian ay kamukhang-kamukha mo! Ikaw anak ha! May tinatago kaba saamin ng Dad mo?" - Dagdag na sabi ni Mom na ikinuot ng nuo ko.

Dahil sa mga sinasabi ni Mom nahiwagaan ako. Hindi lang pala ako ang nakakapansin sa anak ni Khian na kamukhang-kamukha ko talaga ang bata pero impossible yun dahil wala namang sinabi si Khian saakin na isa siyang carrier nung nasa piling pa siya saakin.

"Anak! Nandiyan kapa ba?" - tawag ni Mom sa kabilang linya.

"Mom ibaba ko muna dahil may aasikasuhin akong mahalaga. Ulit ingat Mom!" - mabilis kong pagpapaalam kay Mom at tiyaka binaba.

Napabuntong hininga ako at napangiti ng parang balie tiyaka binaba ko ang telepono ko. Iniisip ko ang mga sinabi ni Mom sa anak ni Khian. Binuksan ko ang cellphone ko at tinignan ang litrato na magkasama kami ni Khian na nakahubad sa kama habang siya'y tulog parin sa dibdib ko.

"Asawa ko, kung totoo man ang hinala namin ni Mom sa bata nayun ay mas hinding hindi ako makakapayag na hindi kayo makabalik sa tabi ko." - nakangisi kong sabi sa sarili habang hinalik halikan ang picture niya.

Someone's PoV :

"Ang cute talaga ng boss ko sobra! kahit may anak na siya." - Nakangisi kong saad habang papalabas ako ng kompanya at tinititigan ko ang Home Wallpaper ko.

"Balang araw mahal ko, mapapasakin ka at bonus na ang anak mo kaya instant one big happy family tayo." - baliw kong ngisi habang iniisip ang magandang mukha ng boss ko.

" - baliw kong ngisi habang iniisip ang magandang mukha ng boss ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Itutuloy

BOOK 1 : MLS : You are Mine No YOU'RE MINE {•BXB•} Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon