11

252 19 1
                                    

Akiro's PoV :

One week na ang nakalipas at nandito ako ngayon sa opisina ko habang  lakad ng lakad at di mapakali. Dahil hinihintay ko ang  ipina-imbistigahan ko sa aking tauhan ang tungkol sa anak ni Khian.

Hindi naman puwede na pupunta ako sa kompanya niya na walang pruweba. Alam ko ang ugali ni Khian totohanin niya ang kanyang mga sinabi sa oras na magalit ito. At kailangan ko ng mabisang plano para hindi na ito makatakas pang muli.

Habang napaisip ako sa mga gagawin ng biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko naman itong sinagot agad pero sana di ko nalang ito sinagot.

"Ma friend, swerte mo talagang kumag ka." - Sabi nito na ikinanuot ng nuo ko. Like ano batong kumag nato? Pinaghihintay ako at dahil dun inip na inip ako at ginaganyan niya lang ako?

"Ayusin mo yang bunganga mo kung ayaw mong patayin kita eric." - galit at madiin kong sabi. Rinig ko naman sa kabilang linya ang tawa ng mokong nato.

"Easy ma friend! Kung papatayin mo ako di mo talaga malalaman kung anong balita tong nalikom ko, muwahahahaha!" - Dadag pa niya na mas ikinagalit ko. Seryoso bato?

"Wag mo akong mas galitin Eric!."

"Ok! Ok! Andito na geeezzzz. Heto na nga....ayon sa nakuhang impormasyon tungkol sa anak ng asawa nyo ay totoong anak ni Khian yung bata nayun. At sa ipinahatid mong hair sample saakin noong nakalipas na apat na araw ay yung anak ni Khian at ikaw ay magkatugma, meaning mag-ama nga talaga kayo." - Sabi ng kaibigan ko na ikinasigaw ko ng malakas sa loob ng opisina ko.

"Arayyy bushet! Ba't ka sumisigaw bigla! Nakakabingi fck!" - aning reklamo nito dahilan saakin habang ako naman ay nagtatalon at patuloy na nagsisigaw sa opisina ko.

Dali-dali namang pumasok ang bagong sekretary ko at tila'y naguguluhan sa inaasta ko ngayon.

Agad ko namang inayos ang sarili ko at sinabihan siya na wala lang yun at bumalik na siya sa trabaho. Pag alis nito at tinuloy ko ang pag tatalon at pag sisigaw muli sa loob ng aking opisina.

"Wala kana talagang kawala saakin Khian. Hindi kana makakatakas pang muli dahil may rason na ako para wag mo akong iwan ulit. Kahit wala akong nagawang kasalanan sayo noon at hihingi ako ng tawad parin sayo baka dadag payun para matanggap mo ako ng buo. At tiyaka ngayong alam ko na puwede kapalang mabuntis ay agad-agad na gagawin natin ang kasunod ni baby Iro." - Nakangisi kong sabi.

"Brad nandito pa ako." - rinig kong sabi aa kabilang linya.

Khian's PoV :

Nasa opisina ako ngayon abala sa trabaho ng pumasok ang sekretary ni Papa.

"Ma,sir..." - naguguluhan nitong sabi saakin at sa kadahilanang hindi ko maiwasang mapatawa sa aking isipan.

"Hahahha nakalimutan mo naba pfft* Maam nalang please?" - tawang sabi ko sa sekretary ni papa.

"Maam, nandito napo si Mr. Ernahes, papasukin ko na po ba?" - sabi niya saakin habang nahihiya pa ito.

"Ok, papasukin mo na." - Sabi ko sa sekretary ni papa at pinapasok niya na si Mr. Ernahes.

"Maam." - Sabi nito saakin habang ang mga mata nito ay grabe makatingin saakin may problema ba sa suot ko? Wala naman ahh, baka may dumi sa mukha ko... Pero naligo naman ako ahh.

"Mr. Ernahes may problema ba sa damit ko? O sa mukha ko?" - sabi ko sakaniya na biglang ikinamula naman siya.

"Ahh.... Ehhh... Wala po boss." - sabi niya saakin habang nakadungo ito at ako naman ay naguguluhan sa inasta nito. ( Boss? Yck! )

"Puwede Maam nalang itawag mo saakin nakaka lalaki masyado." - sabi ko sakaniya at tumango naman ito at ganun din ako.

Sinimulan ko na ang pag aasikaso ng mga papeles at siya naman ay nahuhuli ko itong nag nanakaw ng tingin saakin kaya tumingin ako sa gawi nito pero umiwas siya ng pag titig saakin.

"Ano nanamang problema nito." - sabi ko saaking isipan.

Tuloy parin ako sa pag type ko sa keyboard ng biglang may pumasok na bubwit s opisina ko.

"Mimi!" - sigaw nito na ikinatuwa ko naman at dali dali itong pumunta sa kinaroroonan ko. Sinenyasan ko naman si Julian na lumabas muna. Oo yun ang pangalan niya.

"Mimi tignan mo oh! May 5 stars ako!" - sabi niya saakin habang ipinapakita kita nito yung mga stars na nakadikit sakaniyang mga kamay.

"Wow! Ang galing naman ng baby ko!" - sabi ko at binigyan itong ng napakaraming halik na nagpahagikhik ng tawa.

"Mimi! Tama na po Wahhhahaahahah!" - pakiusap nito saakin habang patuloy parin siya sa pagtawa.

Hininto ko naman ang pag halik at pag kiliti sa anak kung pato at tinanong ito kung anong gusto niyang regalo saakin.

"Anong gusto mong gift na ibigay ni mimi sa baby ko?"

Napahinto naman ito sa pagtawa at tila nag-iisip pa ito. Nang napagtapos na siya ng iniisip ay sinabi nito ang gusto niya na ikinabigla ko naman.

"Mimi, gusto ko punta tayo Daddy." - sabi niya na ikinanuot naman ng mukha ko pero hindi ko naman ipinahalata sakaniya.

"Baby, alam mo namang buisy si Daddy hindi ba?" - sabi ko sakaniya.

"Pero mimi kailan paba makakauwi si Daddy, gusto ko na siyang makita." - pakiusap nito na ikinasakit ng dib dib ko.

Oo tawagin nyo na akong selfish pero ayaw kong malaman ng anak ko na cheater ang papa niya. Alam ko na may karapatan si Akiro na malaman niya na may anak siya saakin pero hindi ko magawa sabihin sakaniya dahil may natitira pang sakit, galit at kirot pa sa puso. At paano kung kukunin niya lang ang anak ako ang ending mag-iisa nalang ako. At ayaw ko yun mangyari saakin.

"Soon baby, soon." - sabi ko sa anak ko. Sumuko naman ito na makita ang Daddy niya at humingi nalang ng ibang gift at tuloy parin ang halakhak nito sa luob ng opisina ko.

"Sorry baby, sorry." - sabi ko saaking isipan habang tinitignan ang masaya kong anak sa ginagawa nito.

Someone's PoV :

"Hindi ako makakapayag na mangyari iyon mahal ko. Aangkinin kita at kukunin bago paman makuha ka sa piling ko. Mahal kita Khian ko." - sabi ko habang tinitignan sila ng anak niya habang nagtatawanan.

"Papatayin ko man yang lalaki nayan ay gagawin ko."

Nakangising saad ko sa aking sarili.

Itutuloy

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Itutuloy...

BOOK 1 : MLS : You are Mine No YOU'RE MINE {•BXB•} Where stories live. Discover now