07

281 23 0
                                    

Khian's PoV :

Dahil hindi ko itinuloy ang merging ay ngayon nandito ako sa opisina ko at nag tatrabaho sa mga papeles na dapat pirmahan.

Habang abala ako sa pagpipirma ay biglang pumasok ang sekretarya ni papa at may pinaalam siya saakin.

"Sir, nasabihan ko na ang lahat ng mga tao na nandodoon sa meeting room at....." - habang sinasabi ito ng sekretary ni papa ay biglang napahinto ito sa hulihan.

"At?" - pagpapatuloy ko sakaniyang sinabi.

"Nakauwi napo si Mr. Sanchavez." - tuloy niyang sabi na nagpakalma saakin.

Nangmatamos sabihin iyon ng sekretary ay tinanguan ko ito at sinabihang bumalik na siya sa trabaho at dali-dali naman itong sinunod ang aking sabi.

Fastforward...

Hapon na at sinabihan ko ang sekretarya na puwede na silang umuwi. Pagkatapos kung mag arrange ng mga gamit ko sa opisina ay naglakad ako papunta ng kotse ko at may nararamdaman akong may nakasunod saakin pero paglingon ko ay wala naman akong nakita kaya dali-dali akong pumasok sa kotse ko at mabilis na pinaandar iyon.

Natakot ako kasi pinauwi ko na ang bodyguard ko at ako lang mag-isa sa parking lot kaya di ko maiwasang di mataranta dahil sa una't sapol ay takot ako sa dilim.

Pagpasok ko na ng bahay ay naramdam kong may nagtulak sa mga paanan ko at nakita ko ang napaka cute kong anak.

"Mimi! Bakit ngayon kalang? Anong oras napo oh!" - habang sinasabi iyon ng anak ko ay di ko maiwasang mapangiti nalang dahil muhka itong pato sa paningin ko ngayon.

"Sorry baby, alam mo namang anong trabaho ni mimi hindi ba?" - sabi ko sa anak ko habang pinisipisil ngayon ang nguso nito.

Tumango naman ito sa paliwanag ko at inalalayan pa ako at rinig ko namang may nagtatanwanan sa sofa at kita ko sina mama at papa na para silang dalawa lang ang nabubuhay sa mundo.

Dahil sa nakikita ko sa harapan ko ngayon ay di ko maiwasang maisip ang nakaraan, noong kami pa ni Akiro na walang pinuproblema at nakaupo lang sa sofa at nanonood ng palabas.

"Mimi why are you crying?" - sambit ng anak no na nagpakawala sa pag-iisip ko at dali-dali kong pinunasan ang mga luha na kumawala sa mga mata ko.

"Ahh ehh wala lang to baby, masaya lang ako dahil nandito ka." - pilit na ngiti ko sa aking anak.

Narinig naman ng mga magulang ko ang gawi namin ng anako ko. "Anak nandito kana pala." - sabi ni papa mula sa sofa.

"Anak ok kalang ba? Ba't namumula ang mga mata mo? Umiyak kaba?!" - sabi ni mama saakin at dali-daling pumunta sa kinaroroonan ko.

"Wala lang to ma, akyat na kami ni Baby Iro." - sagot ko kay mama at ngumiti sakaniya para hindi na ito mag-aalala pa. At nagpatuloy na naglakad patungo sa kuwarto ko at pinaliguan nadin si Baby Iro dahil sabi niya ay hinihintay niya ako kaya hindi ito pumayag na magpaligo sa Mami at Papi nito.

Napangiti naman ako sa gawi ng anak ko ay marahil nahihiya ito na paliguan siya ng iba kaya pumapayag lang ito kung ako lang ang nagpapaligo sakaniya. Tinanong ko siya kung tapos naba siyang kumain at tumango naman ito kaya pinatulog ko nadin pagkatapos kong paliguan siya.

Lumabas na akong ng kuwarto at bumaba sa sala at nakita ko ang mga mukha ng magulang ko saakin at bakas ang pag-aalala nila.

"Anak ok kalang ba talaga? May nangyari bang hindi maganda?" - sabi ni mama saakin habang hinahawakan niya ang magkabilang kamay ko.

"Nagkita naba kayo ng mokong nayun?" - biglaang sabi ni papa na ikinatingin naman ni mama ng bigla sakaniya at muling tumingin sa aking harapan.

"Baby anak, totoo bang sinabi ng papa mo? Na dahil kay Akiro? Nagkita kayo muli? Paano?" - muling sabi ni mama saakin habang umaagos na ang mga luha ko. Tumango nalang ako bilang sagot at agad ko na naramdam ang yakap ni mama saakin at dahilan na humahagulhol ako ng iyak.

"Shhh tahan na anak." - Pagpapatahan ni mama saakin at naramdaman ko namang yumakap din si papa.

"Ako bahala sayo anak, at para sa ikaayos ng lagay mo ay puwede ako nalang muli ang pupunta sa kompanya ko." - sabi ni papa na biglang ikinasang-ayon ko.

"Ok lang ako papa, ok lang." - sabi ko sakanila na nagpakalma nila.

"Sure ka anak?" - tanong ni papa saakin at muling tumango ako bilang  sagot.

"Ok anak, mas hihigpitan ko nalang ang security don sa kompanya para hindi makapunta yang mokong mong ex na asawa." - sabi ni papa na may bahid na galit, gusto ko mang promotesta ay di ko magawa dahil ang papa ko ang pinag-uusapan dito dahil kapag ang problema ay kasama ako susulusyunan kaagad niya ito.

Akiro's PoV :

Ngayon papunta ako sa kompanya nila Khian dahil gusto ko siyang makita at gusto ko din siyang kunin.

Nangpapasok na ako sa kompanya ay bigla akong hinarangan ng mga guardiya na nagpakunot ng nuo ko at nagpakumot ng kamao ko.

"Anong ibig sabihin nito?!" - galit ko bulyaw sakanila.

"Sir, ipinagbabawal po kayo na makatuntong sa kompanyang ito kaya sinasabihan po namin kayo na umalis napo kayo dito." - sabi ng isang guardiya na nagpagalit saakin.

Hindi ko sila ina-alala at inutusan ko ang mga tauhan ko na hawakan sila para hindi nila ako mapigilan kaya nakapasok ako ng walang nakakapigil saakin.

Nagtanong ako sa isa sa mga empleyado sa kompanyang ito na saan si Khian pero hindi ito sumagot kaya hinulbot ko ang baril ko at tinutok sakaniya kaya napilitan itong isabi kung nasaan si Khian.

Pagkarating ko sa floor kung nasaan si Khian ay nakita ko ang opisina nito na may nakaharang na apat na guardiya sa magkabilang dulo ng pinto. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng opisina ni Khian ng harangan ako uli nang mga buwiset.

"Alis!" - pagpapaalis ko sakanila pero hindi sila nakinig kaya huhulbutin ko ulit sana ang baril ko ng bumukas ang pinto at nakita ko ang magandang asawa ko.

"Buwiset, anong ginagawa mo dito?! At paano ka nakapasok!"

"Buwiset, anong ginagawa mo dito?! At paano ka nakapasok!"

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.

Itutuloy...

BOOK 1 : MLS : You are Mine No YOU'RE MINE {•BXB•} Where stories live. Discover now