10

270 18 0
                                    

Khian's PoV :

Pagpasok namin sa jollibee ng anak ko ay may naramdaman akong kakaiba. Na para bang may nakasunod saakin kanina pa. Hindi ko iyon pinansin baka guni-guni ko lang yon pero hindi. Dahil kahit ngayon na naka upo na kami ng table ay yung presensya nayun ay na fefeel ko parin.

"Mimi yung waiter mimi!" - sabi ng aking anak habang sinusundot-sundot ako kaya napatingin ako sa side ko at nakita ko yung waiter na kanina pa naghihintay.

"Ayy sorry." - pagpaumanhin ko sa waiter.

"Wala lang po yun sir." - sabi nito habang pinipilit na ngumiti.

"Ahahahahaha........" - pekeng tawa ko sa aking isipan. Alam ko namang nagagalit na ito dahil kanina pa siya dito naghihintay at madaming taong kaain pa at napapansin kong understaff sila ngayon.

"1 Spaghetti, 2 pieces of chicken with rice, 2 cokes, 1 float, at yun lang." - sabi ko at tumango ito pagkatapos umalis nadin.

Maya-maya pa ay dumating na ang food na inorder namin kaya agad na nilantakan ng anak ko ang spaghetti at Fried chicken.

"Mimi sarap talaga sa pulang bubuyog!" - sabi pa niya habang abala sa pagkain. Habang pinapanoon ang anak ko ay ulit meron akong nararamdamang kakaiba sa paligid na di ko talaga mawari kung ano ito. Na para ba talagang may nag-mamasid saamin.

"Wag mong sabihin yung mokong nayun yung nararamdaman kong hindi maganda kanina pa?" - tanong ko sa sarili habang nagmamasid sa paligid.

"Mimi ok kalang po?" - tanong ng aking anak saakin na nagpahinto saakin sa pag tingin ng tingin sa paligid.

"Ok lang anak. Kain kana, dapat maubos mo yan ha!" - sabi ko na mas kasalong mapaglarong pagbabanta.

"Yes Mimi!" - sabi pa neto habang nag sasaludo saakin kaya napatawa nalang ako sa kanyang ginawa.

Habang abala ako sa pagpapakain ng anak ko na may biglang nag hi bigla sa likod ko na nagpakaba saaking dib dib. "Tae ng kabayo!" - gulat na sigaw ko na nagpatawa sa lalaki na nanggulat saakin.

"Kitkat di ka parin nagbabago! Hahahaha! Matatakutin kaparin! Hahahahaha!" - tawa nito habang sinasapak sapak ang aking braso.

"Gaga ka! Sinong bang hindi matatakot na bigla bigla kanalang sumusulpot." - galit kong sabi sakaniya. Pero patuloy parin siyang nagtatawa hanggang umupo na siya sa table namin.

"Kailan kapa bumalik sa Pilipinas? Sana sinabi mo para masundo kita." - Dagdag ko habang itinuloy ko ang pagkain ng kinakain ko.

Napansin ko namang hindi ito nagiisa dahil may kasakasama itong bubwit din. "Alex isinama mo si Angelo?" - sabi ko at ikinarga ang inaanak ko.

"Oo. Actually kasama ko yung hubby ko pagbalik dito sa pilipinas. Gusto ko mang ako lang mag-isa na bumalik, hindi pumayag yung dalawa kaya ayon.....ang ending lahat kami pumunta dito." - sabi niya habang tawa ng tawa parin siya.

"What do you think? That i will let you comeback here without me? I won't let it." - sabi ng lalaki habang papalapit saamin.

Ibinaba ko si Angelo at agad namang pumunta sa kung saan nakaupo si Iro.
"Angelo halika! Umupo ka tabi ko." - pag-aagad ng anak ko kay angelo.

BOOK 1 : MLS : You are Mine No YOU'RE MINE {•BXB•} Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon