21

164 8 2
                                    

Someone's PoV :

Tahimik lahat ng mga nandon sa loob ng room ni Khian. At ang maririnig mo lang talaga ang ihip ng hangin na nangagaling sa aircon.

Dahil sa sobrang katahimikan ay hindi na kinaya ni Khian kaya binasag niya ang katahimiking ito.

"Pa....." Panimula ni Khian at hindi naman siya napalya kasi tinignan siya ng Papa niya.

"Pa, wag ka ng magalit masyado kay Akiro. Nag-usap na kami niyan at misuderstanding lang ang lahat ng nangyari." Pagpapaliwanag ni Khian sa kanyang Ama.

Ibinalik ng Papa ni khian ang atensyon sa naka dungo na si Akiro. Na ngayo'y kabang-kaba siya na baka ilayo nanaman nila ang asawa niya sakaniya, especially takot siya sa Papa ni Khian.

"Totoo bang misunderstanding ang lahat ng nangyari?" Ma awtoridad na tanong na iginawad ng ama ni Khian kay Akiro.

"Opo, Pa.......SIR!"

Ulit, nabuo nanaman ang katahimikan sa loob ng room. Pero ngayon ay binasag iyon ng papa ni Khian.

"Kung ganon ay humihingi ako ng despensa saiyo Akiro. Pero alam mo naman kung gaano ko kamahal ang anak ko hindi ba?" Sabi nito. Tumango naman si Akiro.

"Pero kung masasaktan nanaman etong anak ko ng ganun ay hindi ako mag dadalawang isip na ilayo sila ulit sayo, Nagkakaintindihan ba tayo Akiro." Dadag nitong sabi.

Ulit tinanguan ni Akiro ang huling sinabi ng papa ni Khian. Dahil alam niya sa sarili niya na totohanin at totohanin niya talaga ang kanyang banta sakaniya na ilalayo nito si Khian.

Nilapitan ni Khian si Akiro at hinawakan ang kanyang kamay at siya'y nginitian. At ngumiti din si Akiro bilang sagot.
____________________________________
Fast Forward

Akiro's PoV :

Ngayon ang araw na lalabas ang asawa ko sa ospital. At ngayon ay naka-alalay ako sakaniya para hindi siya mapano ng anak namin sa sinapupunan niya.

"Ano kaba Akiro. Hindi naman ako lumpo para masyadong ganituhin mo ako. Buntis lang ako Akiro." Angal niya pero hindi ko siya sinunod.

"Oo nga buntis, BUNTIS ka Khian. Hayaan mo nalang ako na alagaan ka at ang anak natin sa sinapupunan mo. Sa pagbubuntis mo kay Baby Iro ay wala ako sa tabi mo kaya ngayon na nandito na ako ay haayan mo akong alagaan kita. Hmmmm." Sabi ko. Hindi naman siya tumutolat tumango bilang pag surrender mamaya ay nakarating na kami sa Van at agad pumasok.

"Dada, Daddy. Uuwi napo ba tayo?" Sabi ng anak namin na atat na masyadong umuwi.

"Oo nak, uuwi na tayo ng Dada mo." Sabi ko sa aming anak.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa munting bahay namin na ipinagawa ko noong umalis si Khian. At ngayong nandito na siya ay ibibigay ko na sakaniya ang dapat noon ko pa ibinigay.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong ko sakaniya na ikinuot ng mukha niya.

"Ha? Ang alin?" Balik tanong nito saakin. Natawa naman ako ng slight, dahil sa ka dense nito masyado.

"Nagustuhan mo ba yung bahay ko, este bahay mo." Sabi ko na ikinagulat niya.

"Huh?! Saakin tong bahay nato?" Gulat niyang tanong saakin. Natawa naman ako sa reaksyon niya na ikinanuot ulit ng nuo niya.

BOOK 1 : MLS : You are Mine No YOU'RE MINE {•BXB•} Where stories live. Discover now