25

135 10 0
                                    

Khian's PoV :

Sa nag daang araw ay payapa ang pamumuhay namin dito sa bahay. At yung bata na inaalagaan namin ngayon ay alam na namin kung anong pangalan niya. Siya pala si Jaybert.

Mahinhin din kumilos kagaya din ni Baby Iro. Alam kung yung anak ko ay nagmana saakin yang batang yun kaya hindi na ako magtataka na Prince charming hahanapin nun instead Princessa.

Dumalaw din ang nanay at tatay ni Akiro saamin. At agad namang kinurot si Akiro sa tagiliran ng dahil daw sa hindi pagsabi sakanila na meron na silang apo at may paparating din na isa pa kaya napatawa ako sa inasta nilang pamilya.

"Kitty" Pag pukaw saakin ni Akiro sa aking iniisip.

"Hmm?"

"Anong problema?..... Or meron ba?" Alalang tanong nito saakin na hinindiaan ko naman kaagad.

"Wala noh, napaisip lang ako na sana palagi ganito sa araw-araw. Tahimik....almost HAHA, payapa..... Almost din HAHA, at masaya sa pamilya natin." Sabi ko habang nakatingin sa itaas. Ang gaganda ng mga bituin.

"Hayaan mo, gagawin ko ang lahat na maibigay ko ang lahat ng gusto mo. Pati ang buhay na inaasam-asam mo, natin." Sabi ni Akiro sabay ngiti ng napakatamis.

Someone's PoV :

"Target lock! Nakita ko na ang target. Start pursue!" Sabi ng lalaking nakasakay ng itim na van.

"Copy!"

Ring* Ring*

"Sir, naisakatuparan namin ang iyong utos."

"Good, dalhin nyo dito yan sa mansyon ko bilis!" Sabi sa kabilang linya.

"Ok sir."

"Tignan lang natin kung makakatulog pa kayo ng matiwasay! Muwahahahhaa!" Wicked laugh*

Akiro's PoV :

Alas 9:00am ng umaga at habang nanonood kami ni Khian ng palabas sa Tv ng biglang nag ring ang cellphone ko. Nang tinignan ko ay hindi ko alam kaninong number ito kaya ibababa ko na sana iyon ng piniglan ako ni Khian.

"Bakit di mo sagutin? Baka importante yan?" Sabi nito saakin.

"Unknown caller, hindi ko alam kaninong number ito. Baka scammer lang." Sabi ko naman.

"Baka bagong number ng kasosyo mo sa companya kaya sagutin mo nalang" pagpupumilit ni khian saakin kaya wala na akong nagawa na sagutin ito.

"Hello?....."

"Hello?...?"

"Well, well, well hello to you too Mr. Sanchavez. " Sabi ng unknown caller saakin.

Sinenyasan ako ni Khian na lakasan ng volume para makarinig siya kaya sinunod ko din iyon.

"Hindi ko na patatagalin to kaya sasabihin ko sayo kung anong sadya ko. Nasa akin ang anak nyo ni Khian Chu kaya gusto kong maka usap ang asawa mo." Sa narinig ko ay parang matatawa ako dahil baliw yata toh. Paano makukuha nila ang anak namin ni Khian ehh pinabantayan ko ito ng maigi sa mga tauhan ko, kaya imposible ang pinapataratang ng gungong nato.

Pero i think i speak too soon ng biglang nag ring ang phone ni Khian. Kinuha niya ang phone at inaccept.

"Hello?"

BOOK 1 : MLS : You are Mine No YOU'RE MINE {•BXB•} Where stories live. Discover now