Short Beginning

797 12 0
                                        

"Here he comes again! DM impresses us every year! Again he is the winner! No one can beat him, no one!" Malakas na sinabi ng announcer.

"DM! DM! DM!" Sigawan ng mga tao.

Nakangiting lumabas ng sasakyan si DM at hinarap ang mga tao. Kinawayan niya ang mga ito bago siya lapitan ng reporters para interviewhin. Lahat ng mga katanungan nila ay sinagot niya. Masayang tinanggap din niya ang medalyo at trophy.

"Congratulations DM!" Bati ng mga tao sa kanya. Bukal sa loob na nagpasalamat siya sa mga ito.

"Plan?" Tanong ni Leon sa kanya. Ang kanyang kanang kamay at matalik na kaibigan.

Pagkapasok nila ng sasakyan ay inalis niya ang medalya, iniabot niya sa kaibigan pati ang trophy. "Tulad ng dati, ikaw na magtago dyan." Aniya dito.

"Hindi mo ba tatawagan ang bestfriend mo para sabihin ang good news?"

"Jelai?"

"May iba ka pa bang bestfriend?"

"I'll call her later, kumain na muna tayo."

"Kakain? Hindi ba tayo didiretso sa inuman?"

"Leon, Leon! Ingatan na muna natin ang atay natin. Mahal ko pa ang sarili ko, ayoko pang mamatay. Pass muna." Sabi niya.

"Girlfriend mo hindi mo tatawagan?"

"Tatawagan ko mamaya."

"Ang tagal niyo na ni Fevy, until now ay hindi mo pa naipapakilala sa pamilya mo."

"Soon." Mahinang sinabi niya.

"Eh pamilya mo? Hindi ka ba tatawagan kapag nalaman nilang nanalo ka na naman?"

"Kailan pa ba nanunod ng laban ko ang mga iyon? Kailan pa nila ako binati? Kahit pumuti pa ang kuago hinding-hindi nila ako tatawagan para batiin o kumustahin. Sino ba ako sa kanila?"

Napailing si Leon. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun nalang ang pakikitungo ng mga La Torre sa kaibigan. Sikat si Dwayne sa larangan ng auto racing, kilala na siya ng lahat. Masasabing nasa sa kanya na ang lahat maliban nga lang sa pagmamahal ng pamilya.

Tahimik na nakatingin lang si Dwayne sa labas. Kilala siya bilang si DM, walang nakakakilala sa kanya sa tunay niyang pangalan, sa tunay niyang pagkatao at sa pagiging La Torre niya. Isa siyang misteryosong tao sa lahat, lalo na sa Pilipinas. Iilan lang ang nakakakilala sa tunay niyang pagkatao.

"Hindi ka ba uuwi ng Pilipinas?" Tanong ni Leon sa kanya.

"Uuwi ako bukas."

"Bukas? Nakapag-book ka na ng flight mo?"

"Yeah." Aniya at naunang lumabas ng sasakyan pagkapark nito sa isang American restaurant. He looked at his phone, someone is calling from the Philippines. Sinenyasan niya si Leon na maunang pumasok dahil kakausapin niya pa kung sino man ang caller.

"Dwayne Maverick."

Kumunot ang noo niya and he smirked. "Milagro y llamó a mi padre?" (Himala at napatawag ang aking ama?)

"Cuándo piensas ir a casa?" (Kailan mo balak umuwi?"

"It's a surprise."

"Surprise? May sorpresa ka pang nalalaman. Umuwi ka na ngayon din!"

"Chill, uuwi din naman ako eh. Bye." Sabi niya pinatay na ang tawag. Papasok na sana siya ngunit may tumawag ulit. "What?!"

"DM."

Napapikit siya.

Ang boss niya.

"Where are you?"

"In my favorite place."

"Go home, I need to talk to you."

"About?"

"Your work."

"What work?"

"I'm in trouble Dwayne, so I need you."

Napapikit siya at nagbuga ng hangin.

"I will risk my life again for you." Bulong niya.

"What?"

"Nothing, just wait for me." Sabi niya, tinawag na muna niya si Leon, magpapasama siya dito, kailangan niya ng back-up kung sakaling magkagulo.

"Ang aga naman ata niyang maglaro." Ani Leon pagdating nila sa casino kung saan nandoon ang tinuturing niyang boss pagdating sa sugal. Napangiti ang lalaki ng makita sila, siguro talo ito kaya tinawag na naman siya. Siya lagi ang sumasalo ng lahat, siya ang nagpapanalo tuwing talo na ito, magaling siya eh, lalo na sa pandaraya.

Kilala siya hindi lang sa auto racing, kilala din siya sa pagdating sa sugal. Sa paninirahan niya sa Canada ay doon lang niya naipapakita kung sino siya, kung ano ang galing niya. Doon lang niya nararamdaman ang suporta na hindi niya nararamdaman sa pamilya niya.

___

All content in this story is original, and any similarities to other works are purely coincidental.
This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are products of the author's imagination. Any resemblance to actual events, locales, or persons, living or dead, is entirely coincidental. The views and opinions expressed in this story are those of the characters and do not necessarily reflect the views or opinions of the author.

COPYRIGHT

All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.

Don't Fall In Love With Dwayne MaverickWhere stories live. Discover now