Capitulo 1

321 4 0
                                        

VIA KAYE

"Trust me Via, kapag nakita mo ang kapatid kong si Kuya Dwayne baka mainlove ka pa." Ani ng kaibigan kong si Maxene.

Huminga ako ng malalim at ipinagpatuloy ang paghahanap ng damit. Nandito kami sa mall, niyaya kasi ako ng magpinsan na sina Savory at Maxene. Mabuti nga at pinayagan ako, nasa tamang edad naman na ako eh pero mahigpit pa rin ang mga magulang ko sa akin.

"Paano makikita ni Via si Kuya Dwayne eh hindi naman kasi nagpapakita iyon sa mga tao." Ani Savory.

Nakikinig lang naman ako sa kanila. Ang dami ko ng alam na kwento tungkol sa pamilya La Torre, lalong-lalo na kay Dwayne Maverick La Torre, siya kasi ang madalas ikwento ng dalawang ito sa akin ngunit siya din naman ang hindi ko pa nakikilala sa lahat ng La Torre.

"Kilala niyo ba yung racer na si DM?" Narinig kong tanong ng babae sa kasama niya. Kasing edad ko lang ito.

"Oo naman, sino bang hindi nakakakilala doon? Ang galing niya pagdating sa karera at napaka-gwapo niya, ang hot pa niya. Crush ko nga eh." Ani naman ng isa.

"Well kilala din namin siya." Rinig kong bulong ni Maxene kaya napatingin ako sa kanila na may pagtataka.

Kumunot ang noo ni Maxene. "Don't tell me hindi mo kilala yung pinag-uusapan nila?" She asked me.

"Yung DM?" Tanong ko.

Tumango ang dalawa kong kaibigan.

Umiling ako. Gulat naman silang nakatingin sa akin. "Seriously Via? Hindi mo kilala kung sino iyon? Hindi ka ba nanunuod ng tv?"

"Nanunuod naman."

"Hindi ka mahilig sa sports?"

Umiling ako.

"Kaya naman pala. Come on Via, subukan mong manuod ng ng auto racing, para makilala mo ang lalaking usap-usapan ng lahat." Ani Savory.

"Pantasya ng lahat." Ani naman Maxene, ngumiti ito ng makakita ng damit. Ang mga hilig niyang damit. "You know what habang nandito tayo ay mamili ka na ng susuotin mo para sa dinner." Anito sa akin.

"Huh?"

"I'm inviting you to come sa dinner namin bukas."

"Bakit?"

"Anong bakit? Kaibigan ka namin kaya ka namin iniimbitahan at isa pa alam na ng pamilya namin na inimbita ka namin at okay lang naman sa kanila dahil malapit ka na sa pamilya namin."

"Pero– n-nakakahiya."

"Ano ka ba Via, hindi ka naman iba sa amin." Sabi ni Maxene, madami pa itong sinabi kaya naman pumayag na ako. Sa totoo lang ilang beses naman na akong nakipag-dinner sa kanila at tuwing kaharap ko sila ay nahihiya ako pero wala akong masabi sa mga La Torre ni minsan ay hindi ako naging iba sa kanila.

"Hihintayin ko pa si mommy dito, kaya mauna na kayo." Sabi ko kina Maxene at Savory. Niyakap nila ako at nagpaalam na. May 30 minutes pa bago dumating si mommy kaya maglilibot muna ako.

Habang naglalakad ay pamilyar na pangalan na naman ang narinig kong pinag-uusapan.

"Sino ba si DM?" Bulong na tanong ko. Naalala ko ang sinabi ni Maxene. "Mapanuod nga mama–." Natigilan ako at mahinang napadaing dahil may bumangga sa akin. Malaking bulto.

"I'm sorry."

I stunned when I heard that voice. Ang lalim ng boses niya, ang sarap pakinggan sa tainga. Napatingin ako sa lalaking iyon pero likod na niya ang nakita ko. Matangkad soya, malaki ang katawan, naka sombrero. Halata na magandang lalaki ito.

Don't Fall In Love With Dwayne MaverickWhere stories live. Discover now