VIA"Mom I'm busy, hindi ba pwedeng next week nalang ang dinner namin ni Inigo. It's our exam week. I need to focus, gusto niyo bang bumagsak ako." naiinis na sinabi ko kay mommy. Nag-uusap kami ngayon sa phone.
"Fine, fine! But promise me makikipag- dinner ka sa kanya."
I rolled my eyes. "Yes." walang ganang sinabi ko.
"Okay mag-iingat ka. Call us if may kailangan ka, I love you."
"Love you too mom." ani ko. Ilang araw akong hindi umuuwi sa bahay. Nandito ako ngayon sa condo ng pinsan ko. I need to focus kasi dahil nga exam week na. Hindi ako makakapag-concentrate mag review sa bahay. Pero sa totoo lang hindi din ako makapag-concentrate dito ilang araw na kasing ginugulo ni Dwayne Maverick ang isip ko! Kagaya ngayon.
Hayy nasaan na ba kasi siya?
"Kakain nalang ako." bulong ko. Lumabas ako ng unit. Nagugutom ako kaya nagpunta ako sa malapit na kainan pero kamalas-malasan nga nanan may putukan na namin na nangyayari kaya nagkagulo ang mga tao.
"Bakit ba lagi nalang putok ng baril ang naririnig ko tuwing mag-isa ako?" natatakot na sinabi ko. Nakipag-unahan na ako sa mga tao na lumabas. Nanginginig na ang mga kamay ko. Hindi ko na alam ang nangyayari. Naiiyak na ako na ewan!
"Well it's nice to see you again." sabi ng lalaki na nakasakay sa motor na huminto sa harapan ko. Familiar ang rider, ito yung naghatid sa akin sa school noong may barilan din na nangyari.
Hindi ko nalang siya pinansin. Umangkas nalang ako sa kanya at kumapit sa beywang niya, mabilis na pinaandar naman na niya iyon.
"Saan kita ihahatid?" he asked.
"Kung saan mo ako inihatid dati." sabi ko.
Tumango siya. "Doon ka ba nakatira?"
"H-hindi, y-yung kaibigan ko doon nakatira." sabi ko.
Ilang minuto lang naman ay nakarating na kami sa apartment ni Dwayne. Nagpasalamat ako sa misteryosong lalaki na ito. Katulad dati ay tinanong ko kung anong pangalan niya pero hindi pa rin niya sinasabi.
"Who is he?" tanong ko ng makaalis na siya. Nagkibit-balikat nalang ako.
Kumatok ako sa pintuan ngunit wala pa rin si Dwayne, sinubukan kong buksan iyon, nagulat naman ako dahil bukas. Nakalimutan ba ni Tiya Ysay na ilock ang pintuan?
Pumasok na nga ako sa loob. Napakatahimik, pumasok ako sa kwarto ni Dwayne ganun pa rin naman ang ayos. Halatang hindi talaga ito umuuwi dito, nasa ibang bansa pa nga talaga siguro siya.
Muntikan na akong magmura dahil sa gulat dahil sa ingay sa labas. Parang nasira ang pintuan dahil sa kung sinong pumasok. Agad akong lumabas para silipin kung sino iyon.
"Oh my gosh Dwayne!" bulalas ko habang nanlalaki ang mga mata. "You're bleeding!" sigaw ko, agad ko siyang inalalayan. Hawak niya ang dumudugong balikat, mukang tama iyon ng baril.
"What are you doing here?" he asked me, nahihirapan siyang magsalita.
Imbes na sagutin ang tanong niya ay napamura na ako. Hindi lang pala sa balikat, may tama din siya sa tagiliran niya.
"Alam mo Dwayne kailangan kitang dalhin sa hospital. Mawawalan ka ng dugo kapag hindi tayo pupunta doon. Hindi mo kayang gamutin ang mga sugat mo!" nag-aalalang sinabi ko.
Nagpasalamat naman ako dahil hindi siya tumanggi. Kagaya ng dati ay ako ang nagmaneho, tinuturuan niya ako kung anong gagalawin, naging madali naman sa akin dahil hindi ako kinakabahan di tulad dati.

YOU ARE READING
Don't Fall In Love With Dwayne Maverick
RomanceVia Kaye is curious about her bestfriend's mysterious brother Dwayne Maverick La Torre. She got a chance to enter his room without a permission, to see if there's a photo of him and she's lucky because it's not lock. But she's unlucky because the ma...