Capitulo 9

78 4 0
                                        


DWAYNE

"Babalik ka na ba sa Canada?" tanong ni Lola Irene sa akin.

"Kailangan ko pong bumalik."

"May competition ka pa ba?"

"May dalawa pa po akong karerang kailangan na tapusin, siguro po ay iyon na ang huli."

"What do you mean? Are you going to quit?" singit ni Jelai.

"I need to."

"But why?"

"Madami akong kailangang tapusin. May trabaho pa akong kailangang gawin. Hindi ko kayang pagsabayin ang lahat."

"Ano pa bang ibang trabaho mo Dwayne? May hindi ba kami alam?"

Nginitian ko si Jelai. "Secret." I said sabay kindat.

"Can I talk to you for a minute?" Lola Irene asked.

Tumango ako. Sa kusina kami pumunta,  pinaalis na kuna saglit ni lola ang mga katulong.

"Hindi ba mas maganda na ang delikadong trabaho mo ang bibitawan mo?" tanong nito.

"La-"

"Dwayne hindi maganda ang pinasukan mo, hindi ito ang pinangarap ng mga magulang mo para sayo. Hindi ka ba natatakot na mamatay? O makulong?"

"Lola wag po kayong mag-alala, wala pong mangyayaring masama sa akin."

"Ngayon wala pero paano sa mga susunod na araw? Kilala mo ang lolo mo Dwayne, ayaw niyang masira ang pangalang La Torre."

"Hindi ko naman po sisirain ang pangalan na dala-dala ko."

"Dwayne paano kung makulong ka?"

"Hindi po ako makukulong."

"Paano ka nakakasiguro?"

Nagpunta ako sa likuran niya at niyakap siya. "Magtiwala lang po kayo sa akin."

"Ano na lang ang sasanihin ng lola Ingrid mo, sa tingin mo ay gusto niya ang ginagawa mo?"

Napabuntong-hininga ako. "Pangako ko po sa inyo ay iingatan ko ang sarili ko. Walang mangyayari sa akin."

Humarap si Lola Irene sa akin at hinalikan ako sa noo. "Sa pag-alis mo ay mag-iingat ka. Wag na wag mong pababayaan ang sarili mo."

"Oo naman po, gagawin ko po iyon para sa inyo."

Bumalik naman na kami sa sala, naabutan naming nag-uusap si Via at Jelai.

"We need to go." sabi ko.

Lumapit si Via kay lola Irene at nagpaalam na dito. Nilapitan ko naman na si Jelai, niyakap ko siya ng mahigpit.

"Matagal ba bago ka makabalik dito?" tanong nito.

"Siguro...tulad ng sinabi ko may mga kailangan akong gawin. Mag-iingat ka dito, hindi ka naman pababayaan ni lola at isa pa madalas ka namang bisitahin ni Kendrick."

"Mag-iingat ka din sa biyahe, mag-iingat kayo ni Via.

Tumango ako. Hinarap ko si Lola Irene pero pagkaharap ko ay nagka-banggahan kami ni Via.

"S-sorry." nakayukong sinabi niya. Mukang nahihiya pa siya. Kinuha na niya ang gamit niya at naunang lumabas. Sumunod naman na ako sa kanya.

Kumunot ang noo ko dahil natataranta siya sa pagbukas ng pintuan sa likuran. Lumapit ako, napaatras siya ng magdikit ang braso namin. Nakayuko pa rin siya.

Napailing ako at binuksan na iyon para ilagay ang mga gamit. Alam ko na kung anong dahilan. Ang nangyari kanina, sa totoo lang ang awkward din naman. Pero hindi ko na kasalanan iyon, siya itong pumasok sa banyo na hindi inaalam kung may tao ba o wala.

Don't Fall In Love With Dwayne MaverickWhere stories live. Discover now