"What happened?"Napahilot ng kanyang sentido si Dwayne. Hinarap niya ang bunsong kapatid na hindi man lang kumatok bago pumasok. Kita naman ni Maxene ang pagod sa mga mata ng kanyang kapatid.
"I called Via, I asked her if okay lang ba siya na kasama ka pero umiiyak siya. Hindi ko alam kung bakit, ayaw niyang sabihin sa akin. Siguro naman alam mo kung bakit kuya?"
Huminga ng malalim si Dwayne.
"Ang akala ko ba ay tatlong linggo kayong mawawala, pero ilang araw lang ay bumalik na kayo. Kuya ano ba talagang nangyari?" tanong ni Maxene. Nag-aalala na kasi siya sa kaibigan niyang si Via.
"We broke up." walang ganang sinabi ni Dwayne.
Inaasahan na ni Maxene na iyon ang sasabihin ng kanyang kapatid. Malakas kasi ang pakiramdam niya na naghiwalay na nga ang mga ito.
"Ikaw ang nakipag-break?"
"I'm tired, Maxene. Mag- usap nalang tayo bukas."
"No!" hiyaw ni Maxene. "Ikaw ang nakipaghiwalat hindi ba? For sure sinaktan mo siya. Pinagsabihan ko na kasi siya eh, hindi siya nakinig. Kuya naman eh! Kaibigan ko siya, kung balak mo siyang saktan ay sana hindi mo soya ginawang girlfriend mo!" Inis at galit ngayon ang nararamdaman niya para sa kapatid.
"Maxene-."
"Mahal mo ba siya kuya?" deretsahang tanong ng dalaga.
Tiningnan naman ni Dwayne sa mga ang kapatid. "I don't love her." seryosong sinabi niya.
Sa nakikita ni Maxene ay totoo ang sinasabi nito. "Goodness! Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Nahihiya ako kay Via dahil sa ginawa mo. Sa ginawa mong pananakit sa kanya ay maging ako sinaktan mo na din. I hate you kuya." galit nitong sinabi sa binata, tinalikuran na niya ito at lumabas na ng kwarto.
Tumayo si Dwayne at ibinagsak ang sarili niya sa kama. Kumuyom ang mga kamay niya. Galit na ang bunso nilang kapatid sa kanya. It's normal, matalik na kaibigan niya ang nasaktan niya.
Kibukasan ay maagang nagising si Dwayne, naabutan niya sa hapag ang kanyang mga kapatid.
"Good morning bro." bati ni Cyrus sa kanya. Tinanguan lang naman siya ni Kendrick, si Maxene naman ay hindi siya tinapunan ng tingin nito at hindi siya binati.
Kahit alam niyang galit ito sa kanya ay nilapitan pa rin niya ito para halikan sa noo. Nagtatakang nakatingin sa kanila ang dalawa.
Narinig ni Dwayne ang mga yapak na papasok ngayon sa kusina. Nawalan na siya ng ganang kumain dahil nandito na ang kanyang ama.
Aalis na sana siya ngunit hinarangan siya nito. "Kumain ka na at may pag-uusapan tayo mamaya."
"I'm full." sabi nalang niya. "Kung ano man yang pag-uusapan natin ay ngayon na natin pag- usapan."
"Dwayne, anak. Alam kong hindi ka pa kumakain. Sige na at maupo ka na, hindi ka namin nakakasabay na kumain eh. Please sumabay ka na kahit ngayon lang." pakiusap ng kanya ina.
"Kung ayaw niyang kumain wag mong pilitin." sabi ni Erick sa asawa. "Sa living room tayo mag-usap." anito sa anak.
Naupo si Dwayne sa sofa, alam na niya kung anong sasabihin nito. It's about Via, for sure.
"Napagsabihan na kita tungkol kay Via, bakit ba ang tigas ng ulo mo Dwayne Maverick! Sa litrato niyong kumalat ay halatang may relasyon kayo!"
"Tapos na kami."
"What?"
"We' re done , kaya wala ng dahilan pa para magalit kayo. Hiwalay na kami kaya pwede po ba wag na natin pag- usapan pa ang tungkol sa kanya."

VOUS LISEZ
Don't Fall In Love With Dwayne Maverick
Roman d'amourVia Kaye is curious about her bestfriend's mysterious brother Dwayne Maverick La Torre. She got a chance to enter his room without a permission, to see if there's a photo of him and she's lucky because it's not lock. But she's unlucky because the ma...