Capitulo 26

153 4 1
                                        

VIA KAYE

"Stunning." manghang sinabi ni Maxene sa akin ng lumabas ako ng dressing room. It' s already saturday, nagpaayos na kami nina Maxene para sa party.

Iniharap ako ni Savory sa salamin para makita ko ang sarili ko at OMG! Ako ba talaga ito?

"Ang ganda mo talaga." ani Savory.

"Are you ready ladies?" tanong ni tita Emilie ng pumasok siya.

"We are."

Tita Emilie looked at me. "Dwayne is waiting for you." she said while smiling.

"Go." Maxene whispered.

Kinakabahan ako! Hindi ako ang may party dito pero bakit ako kinakabahan?

Napakagat-labi ako at nahihiyang lumapit kay Dwayne. Mukang natigilan ito ng makita ako and grabe he is so  attractive sa suot niya ngayon and why so handsome?

Napakagat-labi ako. "A-ayos lang ba ang suot ko?" nahihiyang tanong ko.

"Pretty." he said.

Kumabog ang dibdib ko ng marinig kong magsalita ang emcee, magsisimula na ang party. Dwayne held my hand. Kumunot pa ang noo nito habang nakatingin sa kamay kong hawak niya.

"Kinakabahan ka ba?"

Tumango ako.

"Ako dapat ang kabahan." sabi nito. Binitawan ako nito, hinarap niya ako at sadyang nagulat pa ako ng haplusin niya ang mukha ko. "Relax." aniya at ngumiti. Ngayon ko lang ulit nakita ang mga ngiti niya.

He offered his arm. I smiled at kumapit ako doon. Pumasok na nga kami at sobrang daming tao. Madaming camera, may mga press!

Sa pagpasok namin ay nakuha namin ang atensyon ng mga press kaya naman pinalibutan na nila kami, syempre famous itong kasama ko eh.

"Smile Via." he whispered.

So I smiled.

Nilapitan na namin sina Kuya Kendrick, sila ang kasama namin sa isang table.

"Welcome everyone and thank you for coming." nakangiting sinabi ni Don Ignacio sa harapan. "Lagi kayong pumupunta sa mga party namin, birthday party, events or what, pero ang party na ito ay para sa isang tao na gusto namin makilala niyo." sabi nito. "Naitago siya ng ilang taon, misteryoso siya sa inyo. Alam kong matagal niyo ng gustong makilala at makiga ang apo kong si Dwayne Maverick La Torre."

Nagbulungan na ang mga tao.

"Ngunit kilala niyo na siya, sa ibang pangalan nga lang." Saglit na hindi muna nagsalita si Don Ignacio. Ilang sandali lang ay nagsimula na namang magsalita ito at madami pa siyang sinabi.

Umupo ako ng maayos ng ipakilala na ni Don Ignacio si Dwayne.

"Meet my grandson Dwayne Maverick La Torre aka DM, the auto racer!"

Inaasahan na naming madaming magugulat pero goosebumps! Tumayo ang mga balahibo ko ah! Napangiti nalang ako ng makita ang reaction ng mga tao. Hindi sila makapaniwala.

Nagsalita na nga si Dwayne. nagpakilala ito at nagpasalamat sa lahat. Naupo ito sa upuan na nasa harapan kasama si Don Ignacio at si tito Erick.

"Bibigyan namin kayo ng chance para magtanong ng kung ano, mga katanungan na gusto niyong malaman." sabi ni Don Ignacio.

So syempre ang mga press na ang mga nagtanong, ang dami nilang katanungan tungkol kay Dwayne, kung bakit daw itinago. Anong nangyari at kung ano pa.

"Are you still in a relationship with Via Kaye?"

Don't Fall In Love With Dwayne MaverickWhere stories live. Discover now