Capitulo 11

113 5 0
                                        

VIA KAYE

"Hi."

Nginitian ko si Inigo ng lapitan ko siya sa table. Nagyaya kasi itong kumain eh hindi ko naman pwedeng tanggihan.

"Nag-order na ako ng food." aniya. "So how's your day?"

"Okay naman ako kahit madaming activities na kailangan na tapusin sa school."

"Is that DM?"

Agad akong napalingon sa tinitingnan niya, sa labas ng resto. Si Dwayne nga! And he's with a girl, she's familiar. Ito yung babaeng sumundo sa akin noon sa apartment ni Dwayne.

"Is that his girlfriend?" tanong ni Inigo.

"Of course not!" sagot ko na ikinagulat niya. "I-I mean hindi niya girlfriend iyan. Edi sana usap-usapan ngayon iyan."

"Yeah...ikaw nga pala yung kumalat sa social media na girlfriend niya hindi ba?"

Hindi ako nakasagot. Napaupo ako ng maayos at tumikhim ng pumasok sina Dwayne at ang kaibigan niyang babae. Nagtama ang mga mata namin pero umiwas din naman siya. Napaka-seryoso ng aura niya, hindi man lang siya ngumingiti. Mabuti nalang walang masyadong tao kung hindi ay pinagkaguluhan na ito.

"Magkaibigan kayo hindi ba?" tanong ni Inigo.

"Huh?"

"Iyon ang sinabi ng mommy mo, magkaibigan lang daw kayo."

"Ahhh-."

"Seryoso siyang tao, misteryoso."

Sumang-ayon ako sa sinabi nito.

"Sinabi ba niya kung anong dahilan bakit siya magreretiro?"

"Ano?"

Inigo smiled. "Mukang hindi mo alam."

Magreretiro? Si Dwayne?

"Huling race na niya next week. Iyon ang sinabi niya sa interview niya nung isang araw."

Muli kong tiningnan sina Dwayne, nakaupo ang mga ito sa dulo at may pinag-uusapan sila na para bang importante.

Kinuha ko ang phone ko. Nag search ako at totoo nga, huling race na niya nextweek. Ang sinabi lang niya ay kailangan niyang magpahinga, pero alam kong may malalim siyang dahilan.

Nagtaas ako ng kilay ng makita ang babae na hinaplos ang braso ni Dwayne. Gusto kong tumayo at lumapit sa kanila pero sa anong dahilan para lapitan ko sila? Baka sabihin nilang napaka-selosa ko.

'Bakit mo hinahaplos ang braso ng boyfriend ko?' tanong ng isipan ko. Napatingin si Dwayne sa akin kaya pinanlakihan ko naman siya ng mata pero kumunot lang naman ang noo niya.

Napahawak ako ng mahigpit kinauupuan ko ng tumayo ang babae at yakapin ang boyfriend ko! Teka lang, dumada-moves ata ito ah.

"Via are you okay?" pagkuha ni Inigo ng atensyon ko.

"Hmmm?"

"Is there a problem? Bakit ganyan ang itsura mo? Parang ano mang oras ay may susugurin ka."

"Huh? Uhmm...." I cleared my throat at ngumiti.

"Hindi naman, medyo masakit kasi tyan ko. Kailangan ko lang pumunta ng banyo. Excuse me lang." Tumayo na ako, gusto niya akong samahan pero tumanggi ako.

Naningkit ang mga mata ko dahil hindi pa rin bumibitaw ang babae sa pagkakayakap kay Dwayne. Madadaan ko sila kaya naman iistorbohin ko na sana sila pero may tao mula sa likuran ko ang bumangga sa akin. Malakas na napadaing ako at naiinis na nilingon ang taong iyon..

Don't Fall In Love With Dwayne MaverickWhere stories live. Discover now