Capitulo 3

128 5 3
                                        

DM

"Are you not going to eat?" My girlfriend Fevy asked me.

"Busog pa kasi ako."

Umirap ito. "Di sana hindi ako umorder, favorite mo pa naman iyan." Sabi nito at binigyan atensyon na ang kinakain niya. Pinagmasdan ko lang naman siya. Sa ilang taon na pagiging magkasintahan namin ay ngayon ko lang napansin na parang may kakaiba sa kanya. May iba akong nararamdaman, hindi ko maintindihan. Ibang-iba na siya ngayon.

"Kumusta ang trabaho?" Tanong ko sa kanya."

"Okay lang naman babe, gabi-gabing pagod."

"Balita ko hindi ka umuuwi sa inyo." Ani ko. Natigilan ito.

"A-anong hindi umuuwi?"

"Iyon ang sinabi ng kapatid mo."

"Babe sa condo ako minsan umuuwi."

"Bumili ka ng condo mo?" Tanong ko. Hindi ko alam ang tungkol sa condo ah.

"Oo, sorry hindi ko nasabi sayo."

"May apartment ako bakit hindi ka doon manirahan. Lalo na't walang tumitira doon dahil lagi akong wala."

"Ayokong mag-isa. Mas gusto kong tumira doon kapag kasama ka." Sabi nito. "Answer it babe." She said, may tumatawag kasi sa akin eh hindi ko sinasagot.

Huminga ako ng malalim. Kinuha ang phone ko, tumayo at lumayo na muna kay Fevy.

"Hello?" Walang ganang pagsagot ko.

"Go home, let's talk." Maawtoridad na sinabi ng aking ama.

"Ano bang pag-uusapan natin?"

"Just go home, ngayon na."

"Fine."

Hinintay ko na munang matapos kumain si Fevy bago umalis. Ihahatid ko na muna sana siya pero hindi na siya nagpahatid. Gusto ko siyang sundan pero kailangan ko ng umuwi.

"Ano bang pag-uusa–." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil ang bumungad sa akin pagkapasok ko sa bahay ay ang seryosong mukha ng aking abuelo.

"Mabuti naman at umuwi ka." Sabi nito. "Wala ka ba talagang balak magpakita sa akin?" Tanong nito.

I smirked. "Mucho tiempo sin verte lolo (Long time no see lolo)."

"Ano bang balak mo sa buhay mo Dwayne Maverick!"

Kumunot ang noo ko. Ngumisi ako at naupo. "Why? Anong ibig niyong sabihin? I'm already an auto racer at doon ako masaya, kumikita naman ako. Malaki naman ang kita ko eh. Ano pa bang gusto niyong gawin ko sa buhay ko? This is my passion."

"Passion?! Ang maging walang kwentang racer ganun ba?!"

Nagbuga ako ng hangin. Kung ano-ano na naman ang naririnig ko sa kanya. Ang dami niyang sinasabi. Masasakit na salita pero sanay na ako. Sanay na ako sa pakikitungo niya sa akin, pakitutungo ng pamilya ko sa akin.

"Magtrabaho ka nalang sa kompanya, iyon ang magandang gawin mo."

I laughed. "You know the reason kung bakit ayokong magtrabaho sa kompanya, kahit anong sabihin niyo hindi ako magtatrabaho o aapak man lang sa kompanya niyo. Nakalimutan mo ata ang sinabi niyo sa akin noon." I said.

Nagtatanong ang mga mata niya kaya mas lalo akong natawa pero agad na sumeryoso. "Hindi ba't sinabi niyo na huwag akong magpapakita sa mga tao, huwag akong magpakilala bilang La Torre. Iyon ang utos niyo sa akin noong bata pa lamang ako, kaya nga niyo ako pinadala sa hacienda hindi ba? Tayong dalawa lang ang nakakaalam doon, ni hindi nga alam nina daddy eh. Sinunod ko lang kayo, kaya huwag niyo akong pilitin na pumasok sa l*ntik na kompanya na iyan!" Tumaas na ang boses ko.

Don't Fall In Love With Dwayne MaverickМесто, где живут истории. Откройте их для себя