Capitulo 22

113 4 1
                                        

VIA KAYE

Gulat na gulat ako sa mga narinig ko mula sa mga La Torre. Hindi ko akalain na iba pala ang mga magulang ni Dwayne, na hindi pala sina tito Erick.

Ramdam ko ang bigat na nararamdaman niya. Nasasaktan siya kita ko iyon sa mga mata niya ng humarap siya sa amin.

"Dwayne." bulong ko ng lumabas siya. Gumalaw ang mga paa ko para habulin siya. Mabilis siya tumakbo kaya binilisan ko na kahit pagod na ako.

"Dwayne!"

I stopped at napalingon. Hindi lang pala ako ang humahabol sa kanya, pati pala si Cathy. Saktong huminto si Dwayne, naunahan na ako ni Cathy na lapitan siya.

Nakita ko ang pagyakap ni Cathy dito, napakagat labi ako. I want to cry, nasasaktan ako sa totoo lang.

"Leave me alone." seryosong sinabi nito kay Cathy, kumawala siya sa pagkakayakap nito.

"I can't leave you." ani Cathy.

"Leave me alone."

Napaatras naman si Cathy dahil sa nakakatakot na boses nito. Tumalikod si Dwayne at sunod-sunod ang ginawa niyang paghinga, ginulo niya ang buhok niya.

I decided na lapitan na siya. Nagpunta ako sa harapan niya at niyakap siya, I want to comfort him.

"Cathy bakit ba ang tigas ng ulo m-." hindi niya naituloy ang sasabihin niya, napagtanto siguro nito na hindi ako si Cathy. "Via-."

"Ssshhh." Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya.

"Ilang beses ko bang sasabihin na iwanan niyo ako, I want to be alone. I don't need you-."

"Kilala mo ako Dwayne, alam mong matigas ang ulo ko. Hayaan mo ako na icomfort ka ngayon." putol ko sa sinasabi niya.

Ramdam ko na gusto niyang umiyak, hindi nga lang niya mailabas. Hinihintay ko na itulak niya ako pero hindi niya ginawa, naramdaman ko nalang na basa ang aking damit.

Gosh, he is crying.

Pinunasan ko ang luha ko na tumulo na rin. Hindi ko gustong sumasabay ako sa pag-iyak.

I saw Cathy na tumalikod na at umalis na lang. Napapikit ako habang hinahaplos ang likod ni Dwayne.

Napahinga siya ng malalim, hindi na siya umiiyak kaya binitawan ko na siya. I looked at his eyes but he couldn't look at me. Sa ibang direksyon siya nakatingin.

"Bumalik ka sa mansion." anito.

"But-."

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil may sasakyan na huminto sa tapat namin.

It's Leon.

Tinanguan ako nito.

"Dwayne." I called him pero pumasok na ito sa kotse. Tinawag ko ulit siya pero umalis na sila.

Siguro naman ay magiging okay na soya mamaya. Sana lang.

Bumalik nga ako sa mansion, sina Maxene, Savory at ate Jelai lang ang naabutan kong nandoon. Kita ko ang bahid ng lungkot ng mga kaibigan ko kaya naman nilapitan ko sila at niyakap.

"I don't know what to do." bulong ni Maxene, naiiyak ito. "Kuya Dwayne is hurting. Hindi ko alam kung paano ko aalisin ang lungkot at sakit na nararamdaman niya."

"Alam mo na mawawala lahat ng sakit at lungkot na nararamdaman niya kapag nakikita kayo " sabi ni ate Jelai. "Alam mo iyon Maxene, Savory." sabi nito sa dalawa at tumingin sa akin. "Kaya ang magandang gawin niyo ay puntahan siya, kausapin basta huwag niyo lang babanggitin ang mga problema. Makita niya lang kayo ay masaya na siya."

Don't Fall In Love With Dwayne MaverickWhere stories live. Discover now