Capitulo 20

186 5 2
                                        


VIA KAYE

Nagbuga ako ng hangin at napasandal sa kinauupuan ko. Nag-angat ako ng ulo at malungkot na tumingin kay Maxene.

Yumuko ito at niyakap ako. She's with me right now dito sa bahay. Pumipili na kasi ako ng wedding gown. Sila ni Savory ang tinawag ko para tulungan ako sa pagpili pero hindi nakasama so Savory dahil sinamahan niya ang monmy niya. Si Inigo dapat ang nandito but he is busy.

"What is the problem my dear?" tanong ni Maxene.

"I can't pick."

"Sa dami ba naman kasi ng magagandang gown ay talagang hindi ka makakapili."

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. I-I don't know." mahinang sinabi ko. Naiiyak na ako.

"Look at me." she said. "You're not sure about this don't you?"

Napaluha na ako.

"Oh my gosh." she whispered at muli akong niyakap. "Kung hindi ka naman sigurado bakit kailangan mo pang ituloy ang kasal?"

"I can't back out." sabi ko. Gustuhin ko man na hindi matuloy ang kasal wala na akong magagawa pa. Ito ang gusto nina mommy. Oras na siguro para sundin ang utos nila.

"Talk to your parents Via, kausapin mo sila ng maayos at sabihin sa kanila ang nararamdaman mo. Hindi pwedeng pilitin mong pumasok sa sitwasyon na hindi mo naman ikakasaya."

Niyakap ko ng mahigpit si Maxene, hindi na ako nagsalita pa. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kapag hindi ako magpapakasal magagalit sina mommy sa akin at masasaktan ko si Inigo.

"Thank you for today." nakangiting sinabi ko kay Maxene. Uuwi na kasi siya after ako samahan ng halos isang araw dito sa bahay.

"Pag-isipan mo ng husto Via, kailangan mo ng mag decision." Hinaplos nito ang buhok ko. "Piliin mo yung ikakasaya mo."

Tumango lang naman ako.

Saktong pag-alis ni Via ay siya namang pagdating ni Inigo. May bulaklak pa itong hawak.

"Flowers for the beautiful lady." He said at hinalikan ako nito sa noo. "How are you?"

"I'm good."

"So kumusta ang pagpili ng gown? Can I see?"

"Uhmm, h-hindi pa kasi ako nakapili."

"It's okay, may bukas pa naman eh. Siguro madaming magaganda ano kaya nahihirapan kang pumili."

I slightly smiled.

Pinauna ko siyang pinapasok sa bahay. Hindi ko naituloy ang paghakbang dahil natigilan na ako. Ilang beses akong kumurap knowing na hindi ako namamalikmata.

May tattoo siya sa batok! Gaya nina Kuya Kendrick! Goodness! Anong ibig sabihin nito? Bakit ngayon ko lang nakita iyon sa kanya? Ano bang ibig sabihin ng mga tattoo nila.

Gosh! Isa na naman ba siya sa paghihinalaan ko? Sino ba sa kanila si Rider?

"You good?"

"Hmm?"

Lumingon pa ito sa likuran niya. "May nakikita ka bang hindi ko nakikita?"

Umiling ako at ngumisi. "Wala, wala. You want coffee?"

"Hindi na, nag kape na ako bago ako pumunta dito."

I nodded. Naupo ako at pinagmasdan siya. Hindi kaya grupo ang mga ito? Kasama niya kaya sina kuya Kendrick sa trabaho o ano? Pero hindi ba kalaban siya? Tauhan siya ni Mr. Suarez eh.

Dumagdag na naman ito sa mga iniisip ko eh.

_____

"Good morning." bati ni Rider pagkalabas ko ng bahay. Tinawagan ko kasi ito. Gusto ko na muna mag relax, mamasyal para kahit papaano ay makalimutan ko na muna ang mga iniisip kong problema.

Don't Fall In Love With Dwayne MaverickWhere stories live. Discover now