VIA KAYEHindi ako mapakali dito sa hotel. Nag-aalala ako kay DM, baka kasi mamaya ay may balita tungkol sa kanya, masamang balita.
"Via bakit ka napatawag? May problema ba?" Tanong Maxene.
"P-pwede bang tawagan mo ang kuya mo? Tanungin mo kung okay lang ba siya at kung nasaan siya ngayon."
"Wait nasaan ka ba? Hindi ka ba nanuod?"
"Nanuod naman ako, nandito na ako ngayon sa hotel, kasi kanina pagkatapos ng competition ay umalis siya agad, nagmamadali siyang umalis." Sabi ko. Hindi ko na sinani ang nangyari, kilala ko ang kaibigan ko magpa-panick iyon. Nagpaalam naman na si Maxene dahil tatawagan niya nga ang kapatid.
Palakad-lakad lang ako sa kwarto, hinihintay ang update ni Maxene. Huminto ako, realize ang lahat. Bakit ba super na nag-aalala ako kay DM? Hindi naman kami close. Oh baka dahil number 1 fan na niya ako?
Napatingin ako sa cellphone ng tumunog iyon, agad na sinagot ko ang tawag. "Maxene, ano natanong mo?"
"Good news, nandyan siya sa hotel kung nasaan ka ngayon. Room 218."
"Seryoso?"
"Yes, do you think I'm kidding? Hindi ko pala nasabi sa'yo na dyan din siya tumuloy, sila ng kaibigan niyang si kuya Leon."
"O-oh...okay. Pwede ko kaya siyang puntahan?"
"Why not, kilala ka naman na niya eh. Puntahan mo na kumustahin lang, ganern!"
"Eh baka di ako maalala." Saad ko. "Katulad kahapon di niya ako naaalala." Pabulong na sinabi ko.
"Huh?"
"Wala, sige thank you. Pupuntahan ko nalang siya mamayang dinner. Uhmm ano nga pala paborito niyang pagkain?"
"Why? Ibibili mo ba siya?"
"S-sana...."
"Beer."
"Ey?"
"Bigyan mo siya ng beer, iyon ang gusto nun. Breakfast hanggang dinner iyon ata ang laman ng tummy niya."
"Ganun?"
"Just kidding. Kahit anong pagkain ay kakainin niya. Hindi naman siya mapili eh. Or I'll call him and ask him kung ano ang gusto niyang kainin para dalhan mo nalang siya mamaya." Sabi nito. Muli itong nagpaalam, nag message nalang ito ng matanong sa kapatid kung ano ang gusto nitong kainin.
Hindi ko alam kung saan mabibili ang pagkain na gusto niya eh kaya nagpadeliver nalang ako. Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng room. Kinakabahan pa ako habang patungo sa room ni DM.
Nagbuga ako ng hangin, tumikhim bago kumatok sa pintuan. Hindi na ako nag doorbell. Hindi naman nagtagal ay binuksan na niya ang pintuan pero hindi si DM iyon, isang lalaki. Ito yung kasama niya. Ito siguro si Leon?
Kumunot ang noo ng lalaki. Bumaba ang tingin nito sa hawak ko. "DM nagpadeliver ka ba?" He asked.
"Uhmm hindi, k-kasi p-pinadala ni Maxene para sa kapatid niya. Nakisuyo siya sa akin na dalhan ko ng pagkain si DM." Sabi ko.
Lies!
"Oh you're a Filipino?" Aniya. "Kung ganun pumasok ka na." Sabi niya, tumagilid siya para makapasok ako. Nakita ko si DM na naglalaro ng baraha. He's fine! Mukang walang nangyari sa kanya. Maayos na maayos siya.
Nag-angat siya ng tingin. Walang emosyon na ipinakita.
"H-hi." Nahihiyang bati ko. Itinaas ko ang hawak ko. "D-dinala ko dito yung sinabi ni Maxene na gusto mong kainin." Ani ko at inilapag iyon sa mesa.

YOU ARE READING
Don't Fall In Love With Dwayne Maverick
RomanceVia Kaye is curious about her bestfriend's mysterious brother Dwayne Maverick La Torre. She got a chance to enter his room without a permission, to see if there's a photo of him and she's lucky because it's not lock. But she's unlucky because the ma...