DWAYNE"Ikaw ng bahala sa kanya." ani ko kay Leon. Ang tinutukoy ko ay si Via na iniwan ni Jelai dito sa condo ko.
"May lakad ka?" tanong ni Leon sa akin.
"May kailangan akong gawin." sabi ko.
Tumango lang naman ito, sinundan ko ng tingin ang dalawa na papalabas. Napatingin ako sa wall clock at bago pa man magsara ang pintuan ay mula sa gilid ng mga mata ko nakita ko ang pagsulyap ni Via sa akin.
I closed my eyes and took a deep breath. Naalala ko ang sinabi ni Jelai sa akin kanina bago siya umalis.
'Why don't you give yourself a break? Magpahinga ka naman kahit minsan, sarili mo naman minsan ang isipin mo. Dwayne hindi bawal ang magmahal, oo nasaktan ka pero bakit hindi mo subukan na magmahal ulit? O baka naman may babae ng itinitibok ng puso mo, you want to protect her don't you?'
'What are you talking about? Sino namang babae iyon?'
Napatingin siya sa kwarto pero agad ding ibinalik ang tingin sa akin. "Baby D, wag maging matigas ang puso. Hayaan mo naman silang mahalin ka, wag mo sanang pagtabuyan.'
Mas lalong kumunot ang noo ko.
'Siguro hindi pa ngayon ang para sa inyong dalawa. Sana kapag okay na ang lahat ay siya na lang ulit. I'm not talking about Fevy ah." anito at nagpaalam na.
Yeah...alam ko kung sino ang tinutukoy niya.
____
"Anong balita?" tanong ko kay V ng puntahan ko siya sa bahay niya.
"Nahanap ko na kung nasaan sina Harold, kung saan niya itinatago si Aria." anito at ipinakita sa akin. "May balak si Harold na umalis sila ni Aria, sa araw na pag-alis nila ay doon sana tayo gumalaw."
"Uutusan ko si Leon, siya ang haharang sa kanila."
"Hindi ba ikaw ang gagalaw?"
"May kailangan pa akong asikasuhin kay Marlon. Dapat pareho silang mahuli, hindi pwede si Harold lang."
"Ano bang binabalak mo Dwayne?"
Ngiti lang naman ang isinagot ko sa kanya.
"Ayan ka na naman Dwayne! Hindi mo na naman kami kailangan ganun? Goodness! Hayaan mo kaming tulungan ka."
"Hindi na, at isa may ipapagawa ako sayo. Bilang kaibigan ay sana gawin mo."
"Ano iyon?"
"About Cathy-."
"The photographer? Ano na naman ang meron sa kanya? Bakit kasi pati problema niya ay ipapasa niya sayo, sa dami ng problema mo dumadagdag siya. Ano ba siya sayo huh?"
"Pinagsasabi mo?"
"Baka naman girlfriend mo na iyang photographer na iyan? O kung hindi man girlfriend ay in love ka na sa kanya."
"V kung ano-ano iniisip mo." naiinis na sinabi ko. "Kaya ikaw ang tutulong kay Cathy para mabawasan ang gagawin ko."
Tumayo si V at naka pameywang na humarap sa akin. "Magsabi ka nga ng totoo, may gusto ka ba sa Cathy na iyon?"
"Wala." mabilis na sagot ko.
"Kung sabagay until now ay mahal mo pa rin siya."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Sino? Si Fevy? Matagal na ka-."
"Via Kaye?"
"Pinagsasabi mo."
"Biro lang, kung sabagay paano magmahal ang isang tao na parang bato na ang puso."

YOU ARE READING
Don't Fall In Love With Dwayne Maverick
RomanceVia Kaye is curious about her bestfriend's mysterious brother Dwayne Maverick La Torre. She got a chance to enter his room without a permission, to see if there's a photo of him and she's lucky because it's not lock. But she's unlucky because the ma...