Chapter 17 - The Jealousy Phase 1.

14K 244 10
                                    

instagram.com/taleswithelle

twitter.com/taleswithelle

----

Hawak ng dalawang helper si Nikko habang pinipindot nya ang password ng lock sa condo unit nito. Nang mabuksan na ay pinakiusapan nya ang mga ito na ihiga ang lalaki sa kwarto nito.

Dahil may barya naman sya ay inabutan nya ang dalawa ng tig isa'ng daan. Grabe. Suki na ang lalaki sa pagpapatulong sa mga ito. Napailing sya.

Tinapon nya sa kung saan ang bag nya at sinimulan na hubarin ang damit ng lalaki. Amoy alak at usok ng sigarilyo ang lalaki, pero hindi ito mabaho. Humalo ito sa pabango nito.

"Roxanne.." Anas nito.

"Ano? Lalasing lasing ka tapos ako na naman ang mamomroblema sayo. Kalalaki mo'ng tao ako pa to'ng umaalalay sayo. Paano na lang kung wala kami ni Yna doon?" inis na sabi nya rito habang tinatanggal ang pagkakabutones ng polo nito. As if naiintindihan sya nito.

Ang galaw galaw nito. Pinapalo nya ang balikat nito tuwing naiinis sya at hindi nya matanggal ng maayos ang pagkakabutones ng polo nito.

He was babbling words she can't understand. Madalas ay ang pangalan nya lang ang naiintindihan nya na sinasabi nito.

Tumayo sya at binuksan ang aircon. Pumunta sya sa kusina upang kumuha ng tubig na nakalagay sa maliit na banyera. Nilagyan nya ito ng ila'ng piraso ng ice cubes. Nang makabalik na sya sa kwarto ay pinunasan nya ang lalaki.

Tinatanggal nito ang kamay nya.

"Ano ba... hmmm." Reklamo nito.

"Ano ba?" Pinalo nya ito. Pulit ulit hanggang sa maiyak sya. "Bakit ka ba ganyan? Umiiwas na nga ako sayo palagi ka pang sumusulpot. Ayoko na. Ayaw na kitang makita." Pinaghalong nararamdaman nya na sinundutan ng nainum nyang alak.

Walang kaalam alam ang lalaki sa paglalabas nya ng nararamdaman dito. "Ayaw ko naman magkagusto sayo eh. Bakit ikaw pa? Asar!" Bumuntong hininga sya. Itinuloy nya ang pagpupunas sa lalaki.

Uuwi sya. Kailangan nyang umuwi. Ayaw nya mag stay dito.

Matapos punasan ang lalaki ay tinanggal nya ang sapatos at medyas nito. Inaayos nya na ang pagkakahiga nito ng hilahin sya nito at napahiga sya.

"Aray!" anas nya. "Ano ba?!" Inis na pinalo nya na naman ito. Nasasanay na sya. Hindi naman kasi ito makakaganti. Akmang tatayo na sya pero pinatungan sya nito ng hita nito. "Anak ng tokwa naman." Mahinang usal pa nya.

Hindi sya makaalis. Naka harap sa mukha nya ang mukha ng lalaki. Super lapit. Tinitigan nya ito. Napakagat labi sya. Lord, ilayo mo po ako sa tukso. Tahimik na usal nya.

Gumalaw ng kaunti ang labi nito, as if mumbling something na hindi nya maintindihan. Nakayakap ito sa kanya at naka dantay pa ang kaliwang hita sa kanya.

Pumikit sya ng mariin. Gusto nya ng umuwi.

Muli nyang iminulat ang mga mata nya at nasa harap nya pa rin ang mukha nito. What if halikan ko sya? One time lang. Tulog at lasing naman sya, eh.

Napangiti sya bigla sa naisip. Unti unti nya pa na inilapit ang mukha sa mukha ng lalaki, she pouted her lips to meet his. And when it did, dali dali nya rin ito'ng binawi.

Tahimik syang natawa. Ano ba to'ng ginagawa mo Roxanne! Mahiya ka nga! Saway nya sa sarili.

She gathered her power para makalayo na sa lalaki at makabangon na. Bakit bakailangan napaka lambot ng kama nito? Ang hirap hirap tumayo! Buyset.

Ayaw talaga nito'ng bumitaw. Nagulat na lang sya ng ito na mismo ang naglapit ng labi nito at hinalikan sya. Nanlaki ang mga mata nya. Agad nya ito'ng tinulak pero ayaw nito umalis. Bago nya mamalayan ay pumatong ang lalaki sa kanya.

Faking It (Published)Where stories live. Discover now