Chapter 22 - We Fought.

12.6K 188 5
                                    

instagram.com/taleswithelle

twitter.com/taleswithelle

----

"Bakit di mo ako pinakilala? Sayang." Tanong nya habang papunta sila sa kwarto ng Daddy nito. Gusto nya pa naman sana talaga makilala ang lalaki at makapagpa picture dito.

"Ayoko." Tipid na sagot nito. Poker face.

"Ehh. Magpapa picture lang ako. Sige na, please?"

Tumigil ito ng paglalakad. "Bakit ba?"

"Eh. Matagal ko ng gusto makita yun sa personal."

"No." He just shook his head, lalo pa na hinigpitan ang pagkaka hawak sa kamay nya.

Binuksan nila ang room na sinabi ni Judith kung nasaan ang papa ni Nikko. Kinaabahan sya. Ano kaya ang magiging reaction nito na sya ang girlfriend ng lalaki?

Nilingon nya ang lalaki. Mukhang relax lang ito.

"Hi Dad!" Bati ng lalaki.

Nakaupo patalikod ang Daddy ni Nikko sa kanila.

Unti unti ito'ng humarap sa kanila. May nagme-make up dito.

"Hi! Are you ready?" Masigla na tanong ni Nikko.

Nakita nya kung gaano kumunot ang noo ng lalaki ng makita sya. Halata na nagtataka ito.

"Roxanne? Roxanne Velez?" Tanong ng lalaki.

Nawala ang ngiti ni Nikko at tiningnan sya.

"Y-you know her?" Nagtataka na tanong nito.

Tumayo ang Daddy ni Nikko. "Yes, yes. She was the one who saved me nung atakihin ako. Sya yung tumawag ng tulong kaya nasugod ako agad sa hospital."

"What? I didn't know that. She's my girlfriend." Confused na sabi ni Nikko na palipat lipat ang tingin sa kanya at sa Daddy nito.

She smiled a bit. "H-hello po." Kimi sya na kumaway.

"Kamusta ka hija?" Masigla na sabi ng Daddy ni Nikko.

"Okay naman po ako." Pa cute na sagot nya.

"Wait, when was it?" Hindi pa rin maka get over ang lalaki sa nalaman doon.

Bumulong sya sa lalaki. "Noong na late ako na may photoshoot ka."

"O-okay." Bumaling ito sa Daddy nito. "And why didn't you told me? Nalaman ko na lang, naka uwi at nagpapahinga ka?"

Tumawa ang Daddy nito. "No, no. Nikko, I don't want to worry you, or to scare you. Baka mag break down ka kapag nalaman mo na ikaw na ang mamamahala ng kumpanya."

Hindi na nagsalita ang lalaki.

"So, saan kayo nagkakilala ni Nicholas?" Tanong naman ng matanda sa kanya.

"Ah, eh. S-sa fast food restaurant po." Sagot nya.

"C'mon. Do you like her to be my girlfriend? Do you like her for me?" Diretso'ng tanong ng lalaki.

"N-nicholas.." saway nya sa lalaki.

Mukhang nagulat ang matanda. "And why were you asking me that?"

"Para malinaw! Para legal na kami sayo. Para masama ko na sya sa bahay natin."

Tumawa ang matanda. "That woman saved my life. It would be my pleasure kung isasama mo sya sa bahay." Iiling iling na sabi ng matanda.

"Yes!" Parang bata na sumigaw ang lalaki. "Ayan ha. Legal na tayo sa Daddy ko. Next, sa inyo naman."

Faking It (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon