Chapter 30 - Jealousy's Price 2.

11.6K 213 11
                                    

Naalimpungatan si Nikko ng makapa nya na wala na si Roxanne sa tabi nya, pero hindi nya pa rin binuksan ang kanyang mga mata.

"Baby.." He called. Pinatulog lang sya ni Roxanne at bumalik ito sa pag-o-online.

Unti unti nya ng minulat yung mata nya ng walang sumagot, napabalikwas sya ng tayo ng makita na wala din si Roxanne sa tapat ng laptop. He blinked for a few times para makapag adjust ang mga mata nya sa dilim.

He looked around, wala din si Roxanne. He looked at the clock, it's quarter after twelve.

Tumayo na sya mula sa kama. Kinusot nya ang mga mata nya tapos naglakad palabas ng kwarto. Ilaw lang ng lampshade ang sumalubong sa kanya, luminga linga sya hanggang sa nakita nya na tumunog yung pinto, tapos iniluwa noon si Roxanne na naka tiptoe pa pumasok.

"Roxanne?" He asked.

Napatigil si Roxanne at agad na humarap sa kanya na parang gulat na gulat.

"Saan ka galing? Did you went out?" Kunot ang noo na tanong nya. Naka pantalon na ito. He remembered na humiga sila ng naka tshirt at boxers nya lang ang suot nito.

"Ah- ano.." Hindi ito makapagsalita ng maayos.

Lumapit sya dito. "What? Saan ka galing?" He curled his arms on his chest.

"I'm sorry." Kagat labi na sabi ni Roxanne.

Lalong nangunot yung noo nya sa sinabi ng girlfriend nya. "Why?"

Yumuko si Roxanne, tapos, nagsalita ito. She said words na sana, hindi nya na lang inalam.

"I'm sorry." Sabi ni Roxanne kay Nikko. Nanginginig sya. Takot sya na magalit si Nikko, takot sya na mag away sila.. pero kung hindi nya sasabihin, malalaman at malalaman nya rin naman ito at mas magagalit ito.

"Why?" Nagtataka na tanong nito.

Yumuko sya. "I-i went to Miguel. Ano kasi.. Someone called me using his cellphone, lasing daw si Miguel. P-pero tinulungan ko lang naman sya na ihatid si Miguel sa condo nya."

She saw Nikko froze for a moment.

"I just helped them.." Ulit nya.

Hindi ulit nagsalita si Nikko. He was juststanding there, looking past at her.

"A-are you mad?" Mahinang tanong nya.

Hindi nagsalita si Nikko, instead, he walked out on her. Dumiretso ito sa kwarto at halos magiba na yung pintuan sa lakas ng pagkakasara nito.

Gusto nyang maiyak, pero sinundan nya agad si Nikko.

Naabutan nya na nakatayo ito paharap sa kama, nasa bewang nito ang dalawang kamay nito, and he was breathing hard.

"B-baby.." Mahinang tawag nya. She stood next to him.

"Bakit?" Mahinang tanong nito. "Bakit si Miguel na naman?" Humarap sa kanya si Nikko. He was greething his teeth. Alam nya na galit na galit ito, but it's not like may ginawa sila ni Miguel.

Miguel was there when she needed someone to be with her. Kaibigan nya ito kahit na inamin nito na may gusto ito sa kanya. But Nikko is very jealous.

"I'm sorry.." Maiiyak na sabi nya ulit.

Tumalikod sa kanya si Nikko, before she knew it, sumuntok ito sa pader.

"Baby ano ba?" Agad na hinawakan nya yung kamay nito, pero bahagya sya nitong itinulak.

"Ano bang meron sa Miguel na yan at hindi mo matigilan ang makipag kita o makipag usap sa kanya? Roxanne, hindi ba ako sapat?" Tinuro nya yung sarili nya. "Tang ina naman oh!" He was screaming. Ngayon nya pa lang nakita na galit si Nikko, and it scared her.

Faking It (Published)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora