Chapter 4 - Finding Raven.

21K 342 11
                                    

Hi follow me in social media! :)

instagram.com/heyleelay

twitter.com/theellestrange

---------------

Three months ang OJT period nang magkaibigan na Yna at Roxanne. Isang araw na lang at papasok na si Roxanne, si Yna naman ay next week pa kaya naka tengga lang sila sa bahay nila pansamantala.

"Naku ha. Kung alam ko lang na mabait naman pala yang papa Nikko mo na yan, edi sana nung time na tinakbuhan natin sya ay nagpaiwan ako." Sabi ni Yna.

"Mabait? Me sinabi ba ako na mabait sya? Hay nako Yna. Hindi ko matantya ang kayabangan nang lalaki na iyon. At kaya ako pumayag sa ganoong set-up ay alam mo na ang dahilan." Naiiling na sabi ni Roxanne. "Tinulungan nya ako kaya hindi na ako makatanggi."

Ksasalukuyan na nagpaplantsa nang mga damit na gagamitin nya si Roxanne habang kumakain naman nang chicharon si Yna at nakikipag kwentuhan sa kanya.

"Bongga ka pa rin, Rox. Model yun, at halatang madatung. Libo ang kinikita noon isang session lang nang photoshoot at kada paglabas nang mukha nya sa t.v."

"Kaya nga ako nakapasok agad sa Logarte Media eh. Sya ang kumausap. Nakakahiya man na sabihin ay blessing in disguise din sya kahit papaano dahil baka hindi na ako nakahabol sa deadline kung hindi ko sya nakilala."

"Baka naman ma fall ka sa papa Nikko mo." Asar ni Yna.

"Never!" Mariin na sabi ni Roxanne. "M-mga tipo ni Alex sana ng gusto ko.. kaya lang.."

"Mga tipo ni Alex? You mean yung pagka playboy nya? Naku neng. Lalong madudurog ang puso mo kapag mga kagaya ni Alex ang hanap mo."

Umiling si Roxanne. "Ano ka ba? Syempre hindi yung pagiging playboy nya. Yung pagiging sweet nya. Kahit naman mapagkunwari sya, naramdaman ko pa rin ang sweetness at pagiging caring nya."

Pagkasabi noon ay ini-off na ni Roxanne ang plantsa at tinanggal sa saksakan.

"Ay sus Rox. Akala ko ba, nag-usap na tayo na kakalimutan mo na si Alex?"

Inayos ni Roxanne ang plantsahan at tumabi kay Yna. "Hindi ko maiwasan eh. Talagang hindi sya nag-effort para kausapin man lang ako. Nakakainis. Sana makapag move on na ako kaagad."

"Iuntog mo sa pader ang ulo mo nang magka amnesia ka at makalimutan mo sya." Natatawang sabi ni Yna.

"Edi pati ikaw nakalimutan ko rin? Sira ka talaga."

"Makakalimutan mo rin sya, don't worry. It will take time pero sure ako dyan. Teka, may ibibigay nga pala ako sayo." Tumayo si Yna at may tila hinalungkat sa mga gamit nito. "Dyaran!" May inilabas itong tila garapon at isang paper bag at iniabot kay Roxanne.

"A-ano to?" Kunot ang noon a tanong naman ni Roxanne.

"Didn't I promise you na tutulungan kitang mag diet at magpa beauty? Well, ito na iyon. This one is a diet tea. Drink that every night before you sleep. This one naman, " Turo nito sa paper bag." May mga moisturizers at pimple fighting products dyan."

Nagulat si Roxanne. "Ano ka ba Yna! Hindi ko akalain na seryoso ka."

Natawa si Yna sa reaksyon nang kaibigan. "Bitch. So hindi ka pala nagtitiwala sa akin?" Tila nagtatampo na tanong nito.

"Ay, hindi sa ganoon. Salamat ha?" Niyakap nya ito.

"Walang anuman. Kulang pa nga iyan kung sa ilang assignments at projects ko ang ginawa mo o tinulungan mo akong gawin ang bibilangin." Nakangiting sabi ni Yna.

Faking It (Published)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora