Chapter 6 - The First Fake Girlfriend's Job.

16K 278 7
                                    

"I have a photoshoot later, ikaw muna ang bahala kay Raven." Sabi ni Nikko sa kabilang linya. Naiiyak nya pa ang cute na boses ni Raven sa background. Tila naglalaro ito.

Napatayo si Roxanne mula sa kinauupuang office chair nang marinig ang sinabi ni Nikko. Isang lingo nang nasa pangangalaga nila si Raven, at salitan sila sa pag-aalaga dito. Pumupunta na lang sya sa pad ni Nikko dahil baka ma chismis pa sila pareho kapag nasa apartment nila ni Yna ang bata. Tinutulungan rin siya nang tagalinis nito na si Manang Tising.

"What? Nasa trabaho ako Nicholas. Ano ba? Hindi ba pwedeng maghanap ka muna nang mag-aalaga sa kanya?" Mahinang sabi nya. Nagtago sya sa gilid nang lamesa nya dahil baka mahuli sya nang supervisor.

"C'mon Roxanne. Hindi ko pwedeng ipa cancelled ang photoshoot na ito. One month nang naka schedule to, lalo namang hindi ko pwedeng dalhin si Raven. Tsaka, may sakit si Manang Tising, baka mahawa si Raven." Tila nagiging impatience ang boses nito.

"P-pero. Teka ano'ng oras ba ang photoshoot mo? Baka pwede akong mag undertime mamaya." Sabi nya.

"Alas dos nang hapon." Sabi nito.

Tiningnan ni Roxanne ang suot na wristwatch. "Sira ka ba? Ala una na kaya. Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"I forgot to inform you. Tsaka, ikaw naman ang nagbigay nang idea na I keep si Raven sa atin, diba?" Tila naninisi pa ito.

"Aba! Hoy Nicholas, para sabihin ko sayo, pumayag ka rin. Sabi mo pa nga, ang cute ni Raven no!" Nabuhay na naman ang inis nya para sa lalaki.

"Ah, basta. Mag undertime ka na lang. Ako nang bahalang kumausap sa boss mo kung sakaling hindi pumayag." Sabi nito bago mawala sa kabilang linya.

Mahigpit nyang hinawakan ang cellphone nya. Naiinis na naman sya sa lalaking iyon. Napaka bossy at sarili lang ang iniisip. Ah, bahala na. Baka naman close talaga nito ang ibang officers doon dahil nagawa nga sya nitong maipasok nang walang hirap.

"Roxanne?" Ang baritonong boses na iyon ang nagpagulat kay Roxanne. "What are you doing there?"

"S-sir Carl.. Ah ano, nahulog po kasi yung pin ko, h-hinahanap ko po.." Pagdadahilan nya. Mukhang nasa good mood ang supervisor nila sa araw na iyon.

Tumango lang ito at umalis na.

Tsaka sya nakahinga nang maluwag. Nang matapos ang mga gawain nya ay nagpaalam sya sa boss nya na mag-a-under time.

"Mukhang napapadalas ang pag-a-undertime mo, Miss Roxas." Sabi lang nito.

Nakayuko lang si Roxanne, still praying n asana pumayag ito.

"We'll see. May appointment rin kasi ako nang alas dos, kaya tinapos ko na agad to'ng files na pinapagawa sa akin ni Boss. Bago ka umalis, would you mind to bring this to his office?" Iniabot nito ang isang kulay yellow na folder.

Inabot iyon ni Roxanne at mahigpit na hinawakan. "O-opo ma'am. Ano'ng floor po at name nang pupuntahan ko?"

Tumawa nang bahagya ang kausap. "Mr.Montenegro, nasa sixteenth floor. Iabot mo na lang sa secretary nya, si Judith."

"Sige po ma'am." Agad syang bumalik sa table nya at nag-ayos nang gamit at sarili. Dala nya na ang bag nya para deretso na lang sya agad sa pad ni Nikko. Ayaw pa naman nito nang pinaghihintay.

Ang alam nya ay ang sixteenth floor ang floor kung saan lahat nang mga high executives nang nasabing network and company naka base ang mga opisina. Naisip nya na malamang ay ganoon ka importante ang hawak nyang files.

Maluwag ang pasilyo. Hinanap nya ang opisina nang taong hinahanap ngunit pagpasok nya ay nakita nyang wala ang secretary nito. Judith Roman. Binasa nya pa ang pangalan na nasa lamesa para makasigurado. Nakita nya rin ang pangalan sa pintuan nang office. Norberto Montenegro.

Faking It (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon