Chapter 19 - It's Real!

13.6K 255 8
                                    

Hinawan nya ang kamay nito na naka hawak sa pisngi nya at marahan iyon na ibinaba.

"Wag kang mag biro ng ganyan Nicholas." Seryoso na sabi nya.

Parang walang tao sa paligid ng mga oras na iyon. It's just her and Nikko. They were staring at each other.

"I'm not joking Roxanne." Ngayon nya napansin na tila naka inom na ito. Tinungga nito ang laman ng hawk nito at inilagay ang baso sa tray ng waiter na dumaan. Ganun din ang ginawa nya.

Hinawakan ni Nikko ang kamay nya. "Let's talk, please." Nagsusumamo na sabi nito.

Magsasalita pa sana sya ng makita nya na pabalik na si Miguel. Binawi nya ang kamay sa lalaki. "We'll talk later. I promise." Bulong nya. Mabuti at patalikod si Nikko sa pinagmulan ni Miguel.

"Oh, Nikko. You're also here." Naka ngiti na sabi ni Miguel.

"Yeah, I had to attend. May sakit pa rin si Daddy." Parang walang gana na sai nito.

"I see. Mabuti naman at may kausap si Roxanne while I was gone. I had to go with my friends for a moment."

Tumango lang si Nikko at tiningnan sya bago tumalikod at maglakad palayo sa kanila.

Iginiya sya ni Miguel sa iba'ng painting display. Marami ito'ng alam tungkol doon. He explained each paintings na alam nya kung sino ang nag paint. She was really impressed with Miguel but she can't stop thinking about Nikko.

Naeexcite sya. Nagseselos ang lalaki kay Miguel! What a revelation.

"Are you okay? May iniisip ka yata, malalim." Nagtataka na tanong ni Miguel. Naka tunghay ito sa kanya.

"Ah, w-wala naman."

"Gusto mo ba'ng umupo muna? O kumain?"

Umiling sya. "I'm still full. Sa dami ba naman ng inorder mo kanina, eh."

"Well, malakas rin naman ako'ngkumain. Hindi lang halata sa katawan ko." Hinimas nito ang tayn nito.

"Alaga sa gym?" Tanong nya.

"Not really. Routine lang talaga. Jogging sa umaga, ganun."

Tumango tango sya. "I see. Buti ka pa. Ako kasi, mataba talaga!" Natatawa na sabi nya.

"No, don't say that. It's just right." Sabi nito.

"Salamat." Sabi nya.

Ipinakilala pa sya sa iba'ng kakilala ni Miguel doon. Nahihiya sya pero wala naman syang magagawa. Mukha namang mababait ang mga ito at mukhang hindi nya naman na ulit makikita ang mga ito.

She saw Nikko at the corner of her eyes. He was talking with a group of men in suits, lahat ay may hawak na kopita ng alak at mukhang nagkakasayahan ag mga ito. Lumingon ito at nagkatinginan sila. They were talking with their eyes.

"Miguel, Roxanne. So kamusta ang paglilibot nyo?" Bago pa nila mamalayan ay lumapit na sa kanila si Tita Grace. Bagamat kamukha nito ang anak nito ay hindi nya magawang mainis dito.

Malayo'ng malayo nga ang ugali nito sa ugali ni Lyndsay.

"Okay naman po tita. Roxanne seemed to be having fun naman." Liningon sya ni Miguel.

She smiled. "Opo."

"Good, good. I'm still waiting for Antonio. Nasiraan daw sya sa highway. Yang pinsan mo na yan talaga, oh." Naiiling na sabi nito.

"Don't worry tita. If ever hindi makarating si Antonio, I can drive you home."

"No, no. You drive Roxanne home."

Faking It (Published)Where stories live. Discover now