Chapter 39 - Caught.

12.7K 223 6
                                    

instagram.com/taleswithelle

twitter.com/taleswithelle

----

Two weeks.

Two weeks na silang hindi nagkikita o nag uusap ni Nikko.

At kahit mahirap, life must go on.

Hindi naman sila pormal na nag break. It's like giving their own self a space.

Busy na sya sa pag aayos ng requirements para sa dadating na graduation.

She's confident about it.. sa puso nya lang hindi.

"Uy, sabay na tayo mag lunch. May iba ka bang kasabay?" Nilingon nya ang kaklase nya na tumawag sa kanya.

Umiling sya. "Wala. Sige, sabay na tayo. Ayusin ko lang to." Tinuro ko yung folders na nasa mesa ko.

She nod, tapos bumalik na sa mesa nya.

In good terms naman sya sa mga kaklase nya, nagkataon na si Yna lang talaga ang pinaka vibes nya. This week pa lang kasi matatapos ang ojt ni Yna kaya solo flight lang sya sa school nila.

Nang mailagay nya na ang mga folders na naglalaman ng mga requirements nya sa bag nya ay inaya nya na ang kaklase nya.

"Good thing maaga natin natapos ojt natin. Yung iba next month [a, baka gahulin sila sa oras o kaya mangarag sila." Naiiling na sabi ng kasama nya.

"Oo nga eh. Buti na lang talaga." She answered

"Eh si Yna?" She asked as she took a bite on her sandwich.

"Sa Friday na din last day nya. Makakahabol pa yun."

Tumango tango yung kaklase nya.

Three to fours hours na lang naman ang tinatagal nila sa school kaya after lunch, isang subject pa at umuuwi na sila.

Napangiti sya ng makita di kalayuan si Miguel. Kumaway ito sa kanya. He parked his car on the other side of the road. Kumaway rin sya at nakangiti na tumawid palapit dito.

"I didn't know na pupunta ka. Hindi ka nagsabi." Sabi nya rito.

"Well, i just hope na makikita kita na lalabas." He looked like a shy boy next door who just got to know his girl neighbor. Nagkamot ito ng ulo.

Tumawa sya. "Balita? Bakit napadalaw ka?"

"Wala lang. Tagal na natin hindi nagkita. Kamusta?"

She shrugged her shoulders. "Still alive and kicking." She sincerely answered.

"Looks like it." Natatawa rin na sagot nito.

"So.. bakit hindi ka yata naka office uniform?"

Tumawa ito. "Aayain sana kita lumabas. Kung okay lang? Wala kasi ako kasama. I wanted to watch this certian movie Anton told me."

"Uh.. okay lang. Wala naman na ako gagawin. Pauwi na sana ako."

"That's great." He smiled.

Magkasabay silang naglakad palapit sa kotse nito.

He opened the door for her, but as she was about to come in, may kamay na humawak sa wrist nya at hinila sya.

"N-nikko.." Bago pa sya maka react ng kung ano ay nakita nya na mabilis na sinuntok ni Nikko si Miguel. Napaupo si Miguel sa kalsada dahil sa lakas ng impact ng ginawa ni Nikko.

Akmang susuntok ulit si Nikko ng mahawakan nya ang suot nito'ng jacket at hinila

"Nikko what the hell are you doing?!" Sigaw nya.

Faking It (Published)Where stories live. Discover now