Chapter 35 - Words Were Said.

13.3K 213 12
                                    

instagram.com/taleswithelle

twitter.com/taleswithelle

----

Being with the playful and sweet Nicholas is one hundred percent much better than the mad Nicholas, that's for sure, Roxanne thinks. Nikko looked freaking scary getting mad. Pakiramdam ni Roxanne ay biglang napunta sa ibang dimensyon ang sweet at playful side ni Nikko that time.

Pero ano ba ang magagawa nya? Possessive ito when it comes to her. Nasasanay na sya, pero hindi pa rin sya ganun nakakapag adjust. May side pa rin sya na nasasakal, but she really liked it when Nikko's being sweet and all.

She saw the frustrations in his eyes when she told him na i drop o ihatid na sya sa apartment nila ni Yna. She wanted him to think of things ng wala sya sa tabi nito. Ayaw nyang maging dependent si Nikko sa kanya. Ayaw nyang kapag magdedesisyon ito ay palaging nandun sya dahil pareho nilang alam na maiimpluwnsyahan at maiimpluwensyahan ng presensya nya ang desisyon na gagawin ng lalaki.

"You came home early." Naka ngiti na sabi ni Yna ng pagbuksan sya nito ng pinto.

She sighed at pasalampak na naupo sa gilid ng kama nila. "You won't believe what happened." Naiiling at para pa rin na wala sa sarili na sabi nya.

"Woah. Bakit? May LQ na naman ba kayo?" Binitawan ni Yna ang hawak na baso at umupo sa tabi nya.

"Not really. We went to their house. I told Nikko that I wanted to see Raven and to meet Astor."

"Oh, na meet mo naman ba?"

"Y-yeah.. in a different way. Nilalaro ko si Raven ng bigla syang sumulpot sa likod ko. Nagpakilala sya. I was a bit stunned since swear, ang gwapo nya. Tapos biglang tinawag ako'ng mama ni Raven. Bigla na lang lumapit si Astor tas sinabi na pwede daw ako'ng maging totoong mama ni Raven and that i should marry him. Hinawakan pa ako sa pisngi." Mabilis at parang aligaga na kwento nya.

Nanlaki ang mga mata ni Yna. "What? Uh.. where's Nikko? What did he said?"

"Eto na nga. At that scene, bumalik si Nikko. Pumunta sya ng kusina para uminom tapos sabi ko dalhan nya ako ng juice. Nabasag yung dalang baso na may juice ni Nikko tapos bigla nyang tinulak si Astor. You don't know kung gaano ako kakabado that time."

"What happened then?" Halatang hindi na rin makahuma si Yna.

"I swear, i really thought na mananapak na si Nikko noon. He's mad. Hella mad. Buti dumating si Erah. Then hinila na ako paalis ni Nikko. Hanggang sa kotse, nanggigigil pa rin sya. I calmed him down a bit tapos nagpahatid na ako dito."

Yna sighed. "I thought pa naman na magiging okay samahan nila nung Astor."

"Well, Nikko already warned me na may kakaiba daw talaga dun sa kapatid nya."

Yna's eyebrowse furrowed. "What do you mean?"

"Something dark. I almost laughed when he said that, pero ngayon, ewan. Nagawa pang ngumiti nung Astor sa ganung sitwasyon."

Hindi nya na sinabi kay Yna yung pagpunta ni Lauren sa condo ni Nikko nung Sabado.. and how Nikko said he thinks she's always holding back.

She just focused on the thought na isang linggo na lang ay malaya na sya sa ojt nya. Magiging normal na kahit papaano ang buhay nya since madalas na naman syang pupunta sa school. Hindi nya na iniisip na maaaring makita nya ulit si Alex dahil hindi naman iyon maiiwasan.

But she moved on, and she found a much better person to be with.

Kinabukasan, hindi nya natiis na hindi tawagan si Nikko. Hindi ito nagtext sa kanya o tumawag mula ng ihatid sya nito sa apartment nila ni Yna. She gave him time that day, pero hindi pa rin ito nagparamdam hanggang Monday ng umaga.

Faking It (Published)Where stories live. Discover now