Chapter 9 - The Folks.

15K 251 5
                                    

"I don't know Yna. Naguguluhan ako sa mga pangyayari. Nakaka asar naman kasi eh." Tila maiiyak na syabi ni Roxanne habang k"ausap si Yna sa cellphone.

"My God. Napak misteryoso pala ni Nikko no? Eh si Raven?" Sabi nang nasa kabilang linya. Kinwento nang kaibigan ang mga pangyayare, lalo na ang nalaman nyang napaka yaman pala nang kasama nito.

"E-ewan ko. Pagkaturo sa akin nang gagamitin ko raw na kwarto, hindi pa ako lumalabas. Naiinis ako kay Nikko. Nag mukha akong tanga!" Pumadyak pa sya pagkasabi.

Napahagikhik si Yna. "Ayos lang yan. Ayaw mo nun, kaibigan mo ang amo nang mga magulang mo?"

Umupo sa gilid nang kama si Roxanne. "Ah basta. Naiinis ako sa kanya Yna. Grabe. Hindi na lang ako uuwi sa amin. Ano na lang ang sasabihin nila mama kapag nalaman na kasama ko ang Nicholas na yun?" Bumuntong hininga sya.

"Hindi mo ba namimiss ang parents mo?" Tanong ni Yna.

Napa-isip sya. "N-namimiss. Kaya lang kasi.. Hindi ko alam Yna." Sabi nya matapos ay bumuntong hininga.

Natawa si Yna sa kabilang linya. "Mukhang ginugulo ni Nikko ang buhay mo, girl."

"Mukha nga." Sabi naman nya nang may marinig syang katok mula sa pintuan nang kwarto na inookupa nya. "Ay, sige. May kumakatok. Tatawagan na lang kita ulit." Ini off nya na ang cp matapos mag ba-bye ni Yna.

Linapitan nya ang pinto at pinihit ang seradura upang mabuksan iyon. Tumambad sa kanya si Nikko, karga si Raven. Bagong paligo ang mokong at hindi nya maintindihan kung bakit tila lalo itong gumagwapo sa paningin nya habang tumatagal.

"Say hi to mama, Rave!" Playful na sabi ni Nikko habang nakatingin kay Raven

Nang maalala ang nangyari kanina ay inirapan nya lang ang lalaki. Bumangon kaagad ang inis nya para rito.

Humagikhik si Nikko. "Sorry na, wag ka nang magalit dyan."

"Sino ba naman ang matutuwa sa ginawa mo? Nakaka asar ka!" Pumadyak sya. "Pinagmukha mo kaya ako'ng tanga!" Hindi nya alam kung bakit pero naramdaman nya na tutulo na ang luha nya.

Nanlaki ang mga mata ni Nikko nang makitang tila iiyak na ang dalaga. Bigla ay tila nagpanic sya. Ayaw nyang nakakakita nang babae na umiiyak lalo na sa harap nya.

"W-what the- W-wag kang umiyak, Roxanne." Hindi mapakali na sabi nito.

Imbes ay kinuha nang babae si Raven at pumasok sa kwarto. Sumunod naman si Nikko.

"S-sorry na.." Muli ay sabi ni Nikko. Tumabi ito kay Roxanne na umupo sa gilid nang kama. Nakatalikod ito sa lalaki.

Humihikbi pa rin ang babae. "Amo ka na pala nang mga magulang ko, hindi ko pa alam. Kaya pala natatawa na si Minda sa akin kanina. Ano'ng klase ka? Hindi mo man lang sinabi sa akin ang lahat."

Ngumiwi si Nikko. "I want to surprise you. Hindi ko naman akalain na ganito ang magiging reaction mo eh."

Humarap ang babae kay Nikko. Si Raven naman ay clueless, linalaro pa rin nito ang hawak nitong laruan. "Nakakaasar ka eh. Nakakahiya." Mahinang sabi nito.

"it's allright, Roxanne. Wala namang masama eh. Tsaka, si daddy ang amo nang parents mo, hindi ako."

"Ganoon pa rin yon, anak ka nang may ari nang Hacienda Victoria, amo ka pa rin nila." Nakayuko na sabi ni Roxanne.

"Eh ano bang ikinalulungkot mo? This is life. Hindi ko rin naman ginusto ang maging anak nang haciendero. It just happened."

Tumango si Roxanne. May point ang sinabi nang lalaki. Hindi nya lang talaga nagustuhan ang ginawa nitong paglilihim sa kanya.

Faking It (Published)Where stories live. Discover now