Chapter 3 - The Deal.

20.9K 363 12
                                    

Hi follow me in social media! :)

instagram.com/heyleelay

twitter.com/theellestrange


xx ------------------

Kanina pa hindi mapakali si Nikko. Hindi nya alam kung tatawagan nya ang babae o hindi. Hindi sya interisado rito, nais nya lang malaman kung bakit bigla sya nitong ipinakilalang boyfriend.

Napulot nya ang binder nito at isang pouch kung nasaan nakalagay ang pera nito, eyeglasses at ilang personal na gamit. May nakalagay na landline number sa binder nito at address.

"Nikko, Friday ngayon. Hindi ka ba sasama mamaya sa gimik?" Tinapik ni Jake sa balikat ang lalaki. Nakapagbihis na ito. Kakatapos pa lamang nang fashion show sa isang foundation day nang isang unibersidad kung saan sila inimbitahan.

"Hindi ko pa alam pare. Tawagan ko na lang kayo. And please, sana naman hindi na makarating kay Amber to. She's a mess!" Naiiling na sabi nya, hawak pa rin ang pouch at binder.

Napansin naman ito ni Jake. "Oh, bakit may binder ka? Pati pouch na pink?" Nangunot ang noo ni Jake.

"Ah, eh, sa kaibigan ko to. Pinahawak lang. Sige pare, una na ako. Paki sabi na lang kay Sandra." Tukoy nya sa manager nila. Dali-dali syang lumabas nang dressing room at dumiretso sa sports car nya. Inilagay nya sa front seat ang pouch at binder.

Pinuntahan nya ang address nang babae na nakalagay sa binder nito. Isang five storey building ang tumambad sa kanya. Agad nyang hinanap ang pangalan at number nito. Iniisip nya na baka importante sa babae ang mga gamit na iyon lalo na at malaki-laki rin ang pera na nasa pouch.

Hindi sinasadya ay may nalaglag mula sa binder. Picture iyon. Picture iyon kung saan kasa araw na iyon. Nahilo sya kakaisip. Agad nyang idinial ang telephone number nito.

"Hello, may I speak with Roxanne Velez please?"


"Yna anung gagawin ko? Nasa baba na daw sya. Hawak nya ang binder at pouch ko." Hindi mapakali na sabi ni Roxanne. Nakabihis sya nang oras na iyon dahil pupunta na sana sya sa pinag-applyan nya nang mag ring ang telepono nila.

Noong hapon na iyon ang interview nya. Palabas na sana sya nang tumawag sa landline ang lalaki. Si Yna ang nakasagot. Gusto daw nito na magkita sila sa maliit na canteen na nasa baba nang apartment nila.

"Edi bumaba ka. Bahala ka, nasa pouch mo yung pera mo." Natatawang sabi ni Yna.

"Pinagtatawanan mo pa ako. Nakakahiya kaya." Nakangiwing sabi ni Roxanne.

"Bakit ka mahihiya? Tsaka if ever magtanong sya kung bakit mo sya pinakilalang bf, sabihin mo ang totoo. Hindi naman sya mukhang nananakit." Sabi pa ni Yna. Kasalukuyan itong nagbabasa nang magazine.

"Eh nag-away nga sila nang gf nya dahil sa ginawa ko no. Malamang galit yun sa akin." Sabi nya.

Umiling si Yna. "No, If ever, kung sasaktan ka nya, bakit sa canteen pa sya nag-aya? I mean, maraming tao dun."

Sa huli ay nagpasya sya na harapin ang lalaki bagamat kinakabahan talaga sya. Nahihiya rin sya rito. Model pala ito, at natatandaan nya na nakita nya na rin ito sa isang commercial sa tv.

Luminga linga sya sa paligid nang makapasok na sya sa maliit na canteen. Nakita nya ang lalaki sa isang gilid. Naka shades at naka cap ito at nakayuko. Siguro ay upang hindi sya makilala nang mga tao. Lumapit sya rito at umupo sa harap nito.

Faking It (Published)Where stories live. Discover now