THE PRETTIEST CHAKA 21

92 6 0
                                    

I dedicate this chap to PotatoSarah kasi naappreciate niya ang storyang ito at sobrang saya ko that she liked the story. Natatawa pa nga siya kay Jacob. Thanks for the support Sarah! Hope you'll enjoy and continue to read and support TPC up to the very end. #JaRinaShipper din siya! :)

CHAPTER 21

Nanatili pa ring tulog at walang malay si Rina matapos siyang malason matapos kainin ang muffins. Matiyaga namang nagbabantay sa kasalukuyang kondisyon ng dalaga sina Dylan, Jacob at Raymart at bakas sa kanilang mga kilos at gawi ang pag-aalala at lungkot.

"Sana magising na si Rina. Kahit isang araw na ang lumipas at hindi pa siya nagkakamalay, parang forever na." Sabi ni Raymart tsaka nagbuntong-hininga na nasa kabilang gilid ng kama at nakatayo.

Bakas sa kanyang mukha ang lungkot. Bahagyang napangiti si Dylan na nakaupo sa gilid ng kama ng dalaga. "Wag kang mag-alala, Raymart magigising din siya. She's strong." Sabi ng binata at hinawakan ng mahigpit ang kanang kamay ng dalaga at pinisil ito.

"Nakaka-miss na kasi ang kadaldalan niya... tsaka yung mga chikahan namin. Sana magising na siya na maka-recover na." Sabi ni Raymart at tinugunan naman ito ng ngiti ni Dylan.

Habang nagbuntong-hininga naman si Jacob na nakatayo sa gilid ni Dylan while crossing his arms. "Kahit na hindi kami magkasundo ng babaeng yan... kahit palagi kaming nag-aaway syempre napakawalang-hiya naman nung taong gumawa nito kay Rina." Sabi nang binata at ginulo ang kanyang buhok.

"At kung sinuman ang taong yun ay mananagot siya. Pagbabayaran niya ang ginawa niya kay Rina." Dylan said with his jaw clenched.

"Pero pala-isipan pa rin sa kin kung ano ang motibo o intensyon nang kung sinumang tao na lumason kay Rina. Parang ang hirap paniwalaan eh. Tsaka nakaka-konsensya kasi in a way, Rina saved me from eating the muffins." Sabi ni Jacob habang naka-kunot ang kanyang noo at naka-arko ang mga kilay.

"Hindi mo naman kailangang sisihin ang sarili mo, Jacob dahil wala ka namang kasalanan." Sabi ni Raymart.

"Wag mo nang isipin yun, Jacob. Mamaya makikipagkita ako sa private investigator na nirecommend ni Colonel Sta. Maria at baka may impormasyon na siya tungkol sa nangyari kay Rina." Sabi bi Dylan.

Tumango si Jacob at inilagay ang kanyang mga kamay sa bulsa ng kanyang pantalon at matapos nun ay namayani ang katahimikan sa loob ng room 1610 at dama ang lungkot sa paligid... gloominess filled the room and somehow the silence was calming.

*******

"Na-confirm namin na merong warfarin at cyanide sa sistema ng pasyente. Masyadong marami ang content ng mga nakalalasong kemikal sa kanyang katawan kung kaya'y hindi agad siya nagkakamalay until now." Sabi ng doktor nang bumisita ito sa hospital room ni Rina.

"Kailan ho ba siya magigising, dok? At gaano katagal siya mananatiling walang malay?" Pag-aalalang tanong ni Dylan habang naka-kunot ang noo at nakapamewang.

Tiningnan saglit ng doktor ang kanyang wristwatch. "We still do not know pero pwedeng anytime now. And she's recovering so well. Hihintayin nalang natin kung kelan siya magkakamalay but she is safe from poisoning. Kaya wala na kayong dapat na ipag-alala. She'll be awake." Sabi ng doktor at tinapik ang balikat ni Dylan.

"S-salamat, dok." Sabi ni Dylan.

At habang ipinapaliwanag ng doktor ang kalagayan ni Rina ay tahimik lang na nakikinig sina Jacob at Raymart.

"O, siya. I'll go ahead." Sabi ng doktor upang magpa-alam at isa-isang tinapik sa balikat ang tatlo na sinuklian naman nila ng ngiti.

*******

THE PRETTIEST CHAKAजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें