THE PRETTIEST CHAKA 4

491 19 16
                                    

THANK YOU FOR REALLY TAKING AN INTEREST IN THIS STORY.

xoxo

Enjoy! :)

~~~~~~~~~~

CHAPTER FOUR

rina

Matapos kong makapagimpake ng mga gamit ko ay lumabas na ko ng boarding house dala-dala ang dalawang maleta at isang bag swung on my shoulders. Nagpaalam na rin ako sa landlady kahapon kasi lilipat na ko sa mga Middleton bilang isang stay-in na housemaid.

Mga around 6PM na ako nakarating sa bahay ng mga Middleton. I pressed the doorbell at naghintay saglit sa labas ng gate na ito'y buksan at maya-maya lang ay bumukas ito.

"O girl, nandito ka na pala. Halika. Pasok." Raymart ushered me inside the house,"Tulungan na kita." He said at kinuha niya ang isang maletang dala ko.

"Salamat."

We entered the main front door of the house at lumiko to the right.

"Ito ang living room. Upo muna tayo." Raymart said at umupo kami sa napakalambot na sofa sabay lapag sa mga gamit ko.

"Diyan ka lang muna girl ha. Punta muna ako ng kusina saglit. Babalikan kita agad." Raymart said at tumango ako.

By the time na umalis na si Raymart, I rolled my sight in the living room. The walls are painted cream with minimal wall decorations. I was sitting on a long sofa with large vases filled with flowers placed at both sides. Meron ding malaking flat screen TV but what caught my attention was the large family photo frame hung on the wall and they were five in the photo.

Tinitigan ko lang ang family photo frame na tanging ang lalaki na nasa gitna lang ang nakilala ko kasi siya yung lalaking nabunggo ko. Tatlong gwapong lalaki na nakatayo sa likod ng isang sofa habang si Mr. at Mrs. Middleton ang nakaupo sa sofa at naka akbay si Mr. Middleton kay Mrs. Middleton. The five of them are very happy in the snapshot. Smiles plastered in their lips.

"Alam mo ba na ang tatlong gwapong lalaki na nasa portrait ay magkakapatid?"

I snapped when Raymart came na may dalang juice at ibinigay sa kin na inabot ko naman sabay salamat.

O M G! Really?

"Talaga? Ang swerte naman nina Mr. at Mrs. Middleton dahil nabiyayaan sila ng mga poging anak. Pogi na nga, mayaman pa. Sila na!"

"Oo, nga eh. Ang swerte talaga nila. Well, yang nasa gitna ay si Dylan. Ang gentleman at ang mabait sa tatlong magkakapatid tsaka medyo kalog din yan. Siya yung panganay. Ang nasa kanan ni Dylan naman ay si Jacob. Masungit yan tsaka playboy. Marami nang babaeng pinaiyak yan at kung makapagpalit ng syota parang nagpapalit lang ng underwear," sabi niya at tumango nalang ako sa aking nalaman.

So... Dylan pala ang name ni Mr. Hard Chest or ni Kuya Pogi na nakabunggo ko last time. Emeged! Now I know!

"Eh yung nasa left naman ni Dylan?"

"Yan si Thomas, ang pangalawa sa magkakapatid. Isang taon lang ang gap nila ni Jacob. Si Thomas, suplado yan. Hindi masyadong namamansin. Wapakels sa mundo pero minsan paiba-iba ang attitude. Mahirap baybayin attitude niya at kahit iba-iba man sila ng personalities but one thing's for sure, they all have beautiful faces to die for!" Raymart giggled. Itong baklitang 'to o!

"Kaya nga inspired akong magtrabaho dito everyday eh kasi ang popogi nila at willing na willing akong magpa alipin sa kanila kung ganyan kapogi mga amo ko." He said and we both laughed.

"Ang landi lang huh! Tsaka matanong lang kita, ilan taon ka na ba dito? And hindi ba mahirap magtrabaho bilang kasambahay dito?"

"Matagal-tagal na rin ako dito, girl... mga two years na rin tsaka wag kang mag alala girl, wala kang poproblemahin kina Mr. at Mrs. Middleton at pati na rin kay Sir Dylan. Mababait yung tatlong yun. Si Jacob at Thomas lang talaga ang sakit sa ulo dahil mahirap intindihin ang mga ugali."

THE PRETTIEST CHAKAWhere stories live. Discover now