THE PRETTIEST CHAKA 24

33 6 0
                                    

----------
Chapter 24

Lunchtime at nasa loob ng isang restaurant na 'di kalayuan sa Cafe Aroma & Library sina Rina at Thomas.
They are sitting opposite each other. Busy si Thomas sa pagtitingin-tingin upang pumili ng pagkain sa menu habang si Rina ay hindi pa rin makapaniwala na nasa harap niya si Thomas. Maraming tumatakbo sa utak ng dalaga habang nakatitig sa gwapong mukha ng binata na kalmadong-kalmado lang.

sleek eyebrows.

matangos na ilong.

mahahabang eyelashes. jusme. mas mahaba pa eyelashes niya kesa sa akin. napaka unfair!

makinis, maputi at poreless na mukha.

mabango.

matangkad.

broad shoulders.

mapupungay na mga mata.

jusme!

Ba't siya ganyan?

Hindiiiiiii... Ano ba 'tong ginagawa ko! ERASE!!! ERASE!!! ERASE!!! FOCUS LANG!!!

She was eyeing him while her fingers tapping the table. Napailing nalang si Rina. "T-teka lang ha! Pa'no mo nakuha ang wallet ko? Stalker ba kita? Friend ba kita sa Facebook? Follower ba kita sa Twitter? Huh? Sa Instagram din ba? Pa.a.no napunta sa IYO ang wallet ko? Stalker kita 'no?" Rina flipped her hair at naniningkit ang mga mata ng dalaga then she leaned in oozing with confidence in her actions upang malaman o kaya naman ay kumpirmahin ang sagot na kanina pa'y tumatakbo sa kanyang isipan.

Thomas folded the menu and snorted at what Rina said. "Stalker mo mukha mo. Feeling ka rin e, no?" Simpleng sagot ng binata na napailing nalang na animo'y naiirita sa tinuran nito at nagpatuloy sa pagtingin sa menu.

Dedma ang koya mo, te! Napaka-cooooooold!!! Arrrgghhhh!!!

"E, kung di kita stalker? E, ano ka? Simple lang naman yung sagot sa tanong ko ah. E sa gusto ko lang naman malaman kung pa'no napunta sa yo yung wallet ko." Rina was also folding her arms with chin's up.

"Nagbago nga mukha mo pero shunga ka pa rin." He murmured and sighed.

Naningkit ang noo ng dalaga at umarko ang kilay nito. "Ano sabi mo?" she hissed. "Kung makapagsalita sya. Grabeh sya o."

Now, Thomas is eyeing him at sa titig na iyon ng lalaki ay di mapakali ang dalaga. She felt uncomfortable... para akong yelo na unti-unting natutunaw. pinagpapawisan ako.

"B-bakit? M-may dumi ba mukha ko? Bakit ka ba nakatitig diyan?" sabi ng dalaga at tinitigan niya ito ng masama.

Thomas leaned in and stared closely at Rina's face. "Saan ka ba nagparetoke ng mukha?"

Sobra ang pagkagulat ni Rina. Napanganga nalang siya sa sinabi nito.

"A-ano? Hoooooooy! Anong nagparetoke! Grabeh siya!" Rina was fanning herself with her hands. Hindi talaga siya makapaniwala.

"Maka-insulto ka! Ano'ng akala mo sa kin? Ubod ng panget para magparetoke?!" Umarko ang kilay ni Rina and she leaned in.

"Bakit? Hindi ka ba makapaniwala na ang dating chaka ay ngayon gumaganda na! Umaarrrriiiibaaaaa na! So? Gulat ka no?" Panunukso pa nito.

"Lakas rin ng confidence at tiwala mo sa sarili." Thomas snorted at napailing nalang ang binata tsaka pinagpatuloy ang pagtingin sa menu.

Rina gave up e mukhang di naman siya sasagutin ni Thomas. "O, ang tagal mong makapili dyan. Ako, kanina pa sinasabi ko sa yo. Kahit ano okay lang sa kin. Kakainin ko. Bilisan mo. Nagugutom na ko e." angal ng dalaga e naka limang minuto na sila e ang tagal makapili ng pagkain.

THE PRETTIEST CHAKAWhere stories live. Discover now