THE PRETTIEST CHAKA 25

43 5 1
                                    

*Image is just a representation. Credits to the owner*

---------

Chapter 25

*sa apartment building ni Rina*

Magka-share sa isang apartment unit sina Rina at Sheena. Studio type ito at reasonable lang ang rent. Tapos na ang shift ng dalaga at 8PM na sa mga oras na iyon.

Pinindot ng dalaga ang numerong 17 patungo sa floor ng apartment unit niya. Nang bumukas ang elevator ay bakante ito at siya lang mag-isa.

Magsasara na sana ang pintuan ng elevator nang may pumagitnang kamay upang mapigilan ang pagsara nito.

Bumukas uli ang pinto at sumakay ang isang lalaking nakasuot ng itim na leather jacket at naka-cap ito.

Hindi naman masyadong inintindi ng dalaga ang lalaking iyon. Ngunit nang pumanhik na ang elevator ay napansin nitong di pumindot ng floor number ang lalaki.

"Kuya, hindi po ba kayo pipindot ng floor na pupuntahan niyo?" tanong ng dalaga. Nasa likod siya nito nakatayo.

Lumingon ang lalaki habang nakayuko at tapos pinindot ang 17.

"Ah. Okay. Pareho lang pala tayo ng floor. Akala ko kasi nakalimutan niyo lang." concerned lang kasi ako.

"Bagong lipat po ba kayo? Kasi first time ko po kayong nakita dito eh. Matagal-tagal na din po kasi akong nakatira dito." pag-uusisa ng dalaga.

Ngunit di siya pinansin ng lalaki.

"Ah. Sorry po, kuya. Medyo madaldal lang po kasi ako. Pasensya." ngumiti ng pilit ang dalaga marahil sa kunting pagkapahiya.

Ang daldal ko kasi eh!

Nilingon lamang siya ng lalaki at hindi siya kinikibo nito. Ngunit di mahagilap ni Rina ang mukha nito dahil masyadong nakatakip ang suot nitong cap sa mukha.

Nasa 17th floor na sila at naunang lumabas ang lalaki at agad namang nagtungo si Rina sa 1707 habang ang lalaki naman ay pumunta sa 1705.

Kinatok ng kinatok ng lalaki ang pintuan ng apartment unit na yun.

"Ah, kuya. Excuse me pero naka-bakasyon po ang nakatira sa unit na yan." inform ng dalaga sa lalaki.

Nilingon siya nito at tanging tango lang ang isinagot sa dalaga.

"S-sige ho." Weird. Sino ba siya? pagtataka ng dalaga.

Ipinagsawalang kibo nalang ng dalaga ang lalaki at nag-enter nalang siya ng passcode sa kanyang unit at agad na pumasok at ini-lock ang pinto.

9PM.

Nanonood ng paboritong teleserye si Rina sa living room nang may mag-doorbell.

"Sheena? Ikaw na ba yan?" sigaw ng dalaga.

Agad siyang tumayo sa kinauupuang sofa upang buksan ang pinto ngunit nang mabuksan niya ito ay walang tao.

"Huh? Sino yun?" Nilibot ng dalaga ang tingin sa buong hallway pero walang tao.

"Hoy! Pwede ba! Wag niyo ngang pinaglalaruan ang doorbell! Nakakaistorbo eh!" sigaw nito at padabog na sinara ang pinto.

"Mga walang breeding! Nakakainis lang!" sabi nito at agad bumalik sa living room upang panoorin ulit ang palabas sa TV.

Ngunit bago paman siya makaupo ay nawalan ng kuryente at nabalot ang buong unit ng dilim.

"Jusme! Bakit ngayon pa nawalan ng kuryente! Ano ba yaaaaaaan!" napakamot sa ulo si Rina at hinagilap ang cellphone na nasa center table at in-on ang flashlight.

THE PRETTIEST CHAKAOù les histoires vivent. Découvrez maintenant