THE PRETTIEST CHAKA 13

177 15 3
                                    

CHAPTER 13 #YouAndITogether

Masayang naglalakad sina Dylan at Rina sa palibot ng The Garden at bakas sa kanilang mga mukha ang saya at mga matatamis na mga ngiting sumisilay sa kanilang mga labi. Habang sila'y naglalakad, namamangha pa rin si Rina sa ganda ng The Garden lalo na ang liwanag na hatid ng mga mumunting bombilya na animo'y mga alitaptap na kumikinang na ikinabit sa mga puno, idagdag pa riyan ang mga magagandang bulaklak, ang ihip ng malamig na hangin, at ang maitim na kalangitan na napuno ng mga kumikislap na mga bituin na nagmimistulang diyamante sa ganda ng ningning.

Everything was like a dream that came true... this was so surreal, sa isip ni Rina.

Napansin ni Dylan na ang kanyang katabing si Rina ay talagang ninamnam ang sitwasyon kung kaya'y napangiti siya at nagtanong, "Do you like the place?" Muling bumalik sa reyalidad si Rina nang nagtanong si Dylan.

Hinarap niya ang binata, napangiti sabay tango, "Oo. Sobra. Ang ganda talaga dito sa The Garden," she said in glee. Dylan chuckled then tucked some loose strands of Rina's hair behind her ear, "I'm glad that you like it here," sabi niya at inilagay ang mga kamay sa parehong bulsa ng pantalon nito.

Tumango si Rina bilang pagsang-ayon kay Dylan at doon ay nanatili silang nakatayo sa gitna ng malawak at berdeng damuhan ng The Garden na napapalibutan ng mga puno at mga bulaklak. Bahagyang lumapit si Dylan kay Rina ng kaunti at silang dalawa'y nagtitigan. Sa utak ni Rina ay naglalaro ang mga ideyang kung bakit para yatang may kakaiba kay Dylan, na para bang Dylan is not in his usual self... umk masyadong seryoso.

Kung kaya'y 'di na napigilan ni Rina ang magtanong,"Um, Dylan, may problema ba? Um, may dumi ba sa mukha ko? Uh, okay ka lang ba? Para kasing nag-iba ang mood mo. May sasabihin ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Rina dala na rin ng kaba at pag-aalala.

Sa halip na sagutin ay ngumiti lamang si Dylan kay Rina, sabay kuha ng kaliwang kamay ng dalaga at hinalikan ang likod ng palad nito.

Sa paghalik na iyon ni Dylan sa likod ng palad ni Rina ay nagdulot iyon ng pagdaloy ng maraming boltahe ng kuryente sa kanyang katawan dahilan upang lumakas ang pintig ng kanyang puso dahil sa kakaibang sensasyon.

"Can I hold your hand while walking?" seryosong tanong ni Dylan kay Rina.

Hindi paman makabawi si Rina ng lakas dulot ng paghalik na iyon ni Dylan ay wala siyang nagawa kundi ang tumango nalang. Nagsimula na silang maglakad ulit but this time, they were holding each other's hands. At mainit ang palad na dumantay sa mga palad ni Rina at mahigpit ang kapit na iyon ni Dylan.

Hindi mawari ni Rina kung bakit ganito ang kinikilos ni Dylan. At habang sila'y naglalakad, maraming gumugulo at tumatakbo sa utak ni Dylan at ngayong gabi ay maisisiwalat ito lahat.

*******

Sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad ay biglang napahinto si Rina at tinitigan ang kanyang katabing si Dylan kung kaya'y napahinto rin ang binata at nagtanong,"O, may problema ba? Ba't ka napahinto?

Rina bit her lip and sighed then asked,"Um, Dylan, bakit mo ba 'to ginagawa sa 'kin?"tanong ni Rina na kanina pa'y gumugulo na sa kanyang isipan.

Nagpakawala ng napakalalim na buntong-hininga si Dylan at sasagutin na niya sana ang tanong ni Rina nang tumunog ang cellphone nito.

Binitawan ni Dylan ang kamay ni Rina upang kunin sa kanyang bulsa ang tumutunog na cellphone kung kaya'y nagsalita si Rina,"Um, Dylan, 'di ba may tawag ka... hindi mo ba sasagutin

At doon ay muling natauhan si Dylan, "Uh. O-oo. Teka, sasagutin ko lang 'to saglit," sabi ni Dylan at tinalikuran si Rina at humakbang papalayo upang 'di marinig ni Rina ang pinag-uusapan ni Dylan at sa taong tumatawag sa kanya.

THE PRETTIEST CHAKAजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें