THE PRETTIEST CHAKA 23

32 5 1
                                    

A/N: Chapter 21 was hanging... anyway, it'll be continued through flashbacks as soon as the story progresses. So hang in there and carry on :)

*Image is just a representation. Credits to the owner*

----------
Aabot pa ko nito! Tiwala lang! Habol ko hininga ko upang di ako ma-late. Part-timer na nga mala-late pa ng dating. Mga limang minutong takbuhan pa 'to. Jusmeeeeeeee...

unleashing The Flash in me...

"Excuse me, ho. Nagmamadali ho." sabi ko habang hinahawi ang mga tao sa sidewalk. Takbo lang, Rina! Takbo!

Nang makita ko nang malapit na ako sa Cafe Aroma & Library ay huminto ako saglit at tiningnan ang relo ko. 9:27AM.

"Keri pa 'to!"

---------

Nagmamadali akong pumunta sa likod ng coffee shop at agad nagpunta sa staff's room upang magbihis.

"Nandiyan na ba si boss?" tanong ko kay Ricky habang tinatali ang buhok ko.

"Swerte mo at wala pa. Bilisan mo na dun. Baka mamaya dumating na yun pero chill ka lang di naman peak hours." sabi ni Ricky, kasamahan ko dito sa coffee shop.

Mabait naman yung manager namin pero hate niya yung mga taong nala-late sa trabaho. He's a little strict when it comes to tardiness, though.

"Pero take note, di ako late ah. Muntik na. 9:29AM na ako nakarating. Buti nalang." sabi ko habang sinusout ang name pin ko.

"Napaka-unusual dahil di ka naman nala-late ah." Naka-kunot noong tanong nito.

"Mahabang kwento. Basta't ang mahalaga nakarating ako dito." I patted his shoulder.

"O, siya. Punta na ko dun." sabi ko upang makapagsimula na ko ng shift ko.

*Flashback*

Matagal na akong umalis sa mga Middleton. Hindi man madali para sa akin ay ginawa ko iyon. Ang gulo na kasi ng buhay ko.

"Aalis na po ako, Mrs. Middleton. Marami pong salamat sa trabahong ibinigay ninyo sa akin. Maraming, maraming salamat po talaga." nakatayo ako sa harap ni Mrs. Middleton habang nasa gilid ko ang aking bag at bagahe.

"Rina, hindi ka na ba namin mapipigilan?" malungkot ang tono ng boses ni Mrs. Middleton.

"Sa tatlong buwan ko po dito... marami po akong natutunan. Ang bait bait niyo po sa akin. Pero hindi naman ho permanente na magiging ganito ako. Gipit lang po kasi talaga ako sa pera at na-attract ako sa offer." honest kong sagot pero sa kabila nun ay ayoko na talaga din dito.

Nagiging komplikado na ang mga sitwasyon lalo na sa pagitan namin ni Dylan. Chooos! Assumera si aketch! Kelangan isave ang aking sarili dahil pag nahulog ako sa kanya ng lubusan... wowwww. big word! wag nga ako. Bye, papa Dylan... Totoo kaya! Naiinlove na ako sa kanya no! Pero this is so wrong... so move on, move on din tayo.

"I agree with you and if that's your decision... I respect that. Lahat naman tayo ay may choice... I wish you well, Rina. Mag-iingat ka." nakangiting sabi ni Mrs. Middleton.

"Salamat po." ani ko.

-----------

"Rina, talagang aalis ka na ba? Di ka na ba mapipigilan?" hawak-hawak ni Raymart ang kamay ko. Nasa labas na kami ng bahay at narito yung mga kasamahan ko--- tatlo lang sila kasama na si Manang Minda upang magpaalam sa akin.

"Hindi mo ba hihintayin ang magkakapatid?" sabi ni Manang Minda.

Tanging pag-iling lang ang naisagot ko. "Mami-miss ko kayong lahat."

THE PRETTIEST CHAKAWhere stories live. Discover now