THE PRETTIEST CHAKA 8

348 18 8
                                    

jeromeatoyread's note: I would like to dedicate this chapter to Rhea Mae Valenzona, Jaison Cho and Mark Anthony Baculi for their beautiful words and encouragement whenever I feel that I can't do it. Thanks for your insights, it really helped a lot!!!

~~~~~~~~~~~

CHAPTER EIGHT

rina

I sighed after closing the door behind me and said, "Sa wakas, makapagpapahinga na din ako," I finished, yawning. Grabeh! Nakakapagod ang araw na 'to dahil linis doon at linis dito ang peg namin kanina.

Sa totoo lang, hindi ako masyadong sanay sa trabahong ito pero kailangang kayanin para maka-survive sa life. Tibay lang ng loob ang kailangan para magtagumpay di ba? Kaya 'di ako susuko kahit anuman ang mangyari. I won't give up especially on my dreams. Char!

"Makatulog na nga lang. Kung anu-ano na ang naiisip ko. Masyado na akong senti," I said to myself at humiga na sa kama.

"Nasaan na kaya ang tatlong prinsipe? Ang ganda talaga ng life nila. Nakakainggit," I said while staring at the ceiling. After kasi nilang mag-agahan, umalis sila at sa tingin ko may kanya-kaya yata silang mga lakad samantalang ang mag-asawang Middleton umalis kaninang hapon for a business trip in Hongkong.

Ang tahimik tuloy ng bahay dahil kami lang ang naiwan. And I finally said, "Let's call it a day," then I closed my eyes for a good night sleep.

Pero may biglang kumatok sa pinto. I reluctantly opened my eyes. Kainis! Inaantok na ko! Wala akong choice at padabog na bumangon mula sa kama. Sino naman kaya yan at talagang ginigising pa ko ng ganitong oras? Nakakainis lang! Binuksan ko ang pinto then my eyes widened, "Dylan?" Then he smiled and the sight of his very cool and heartwarming smile swooned the hell out of me.

It seemed that I'm floating and butterflies started to flutter in my stomach. Everything about Dylan just made my whole world stop.

"Rina, are you okay?" he said, waving a hand on my face. I blinked then closed my mouth which hung open, "Ah. Oo. Okay lang ako."

Shiznesss! Nakanganga na naman ako sa harap ni Dylan at nawala na naman ako sa sarili ko. Shet! Dagdag panget points ulit!

After I said that, I looked away then awkwardly combed my hair and my bangs with my fingers para naman magmukha akong presentable kung di man pretty sa harap ni Dylan-- sa harap ng crush ko. Emeged! And to top it all, my sleepiness just faded away na para bang siya ang aking pampagising. Char!

"Hi, um, did I disturb you? Mukhang natutulog ka na eh," he politely said.

"Huh? Ah. Hindi. You didn't disturb me. I swear. May kailangan ka?" I said, grinning.

Eeeeeeiiiii!!! Sana wala akong tinga! Basta ikaw, Dylan, hindi ka kailanman magiging istorbo. Promise!

"I see," he said, nodding,

"Um, here. Para sa 'yo yan," he said, handing me a short brown envelope.

Inabot ko yun," Sa akin 'to?" I said.

Confusion with a bit of excitement and worry visible in the tone of my voice.

He nodded,"Yeah. Buksan mo na," he said, smiling.

Awwww! Nakakatunaw ang ngiti niyang ganyan! Emeged! Okay. Focus at baka mawala na naman ako sa sarili ko. Remember, charmer si Dylan. So I opened the envelope at hinugot ang isang papel.

Isang scholarship certificate from St. Gabriel University with my name written on it. Totoo ba 'to?

Pero wait a minute, kapeng mainit...

"Huh? Pa'no nangyari 'to? Eh hindi naman ako grantee ng 100% scholarship sa St. Gabriel University," pagtataka kong sabi sa kanya. He crossed his arms and gestured his right arm to explain,

"Mom referred you to be a 100% scholar in St. Gab dahil gusto niyang makatulong at dahil 100% scholar ka na ngayon wala ka nang babayaran. Everything is free since Mom referred you to be a 100% scholar. She just wants to help." He said, wiggling his eyebrows.

Sobra akong nagulat. Oo, scholar nga ako sa St. Gab University pero hindi full scholarship grant ang nakuha ko sa halip ay fifty percent lang at kalahati ng tuition ay babayaran ko. Wow. Sobrang bait naman ni Mrs. Middleton.

"Wow. Ang bait talaga ni Mrs. Middleton. Maraming salamat talaga sa mama mo. Tatanawin ko itong isang malaking utang na loob," I said, clutching the short brown envelope due to happiness.

'Di ko talaga 'to ine-expect. Ang saya ko talaga! Dylan smiled then he reached out for my right hand gripping it, "Wala yun. Basta't para sa yo," he said smiling.

Oh my gassshhhh!!!! Yang ngiting yan naman. Emeged! Kotang kota na!

His perfect white teeth and his hazel eyes always makes me feel giddy! Amd the moment Dylan held my hand, electricity flowed all over my body. My heartbeat accelerated.

Hindi ko ine-expect na hahawakan niya ang kamay ko. Grabeh ang kilig na nararamdaman ko. Dylan really makes me hella crazy in love! Shizzzzz!

Then I hastily withdrew my hand from his hold, smiled and said,"Maraming salamat talaga."

"No probs. Sige, gotta go. Good night, Rina," he said winking at me then walked away.

I flushed at his gesture then I immediately entered my room at agad na humiga sa kama, tinakpan ang aking mukha ng unan at nagtitili.

"Kyaaaaaahhhhhh! I love you na talaga, Dylan!" Hahaha.

I know that Dylan is just being friendly at me at ayokong bigyan pa yun ng kulay. Imposible namang magkagusto yun sa kin eh ang chaka ko tapos ang pogi niya tsaka kuntento na ko sa sweet gestures niya sa kin.

At itong nararamdaman ko sa kanya ay simpleng paghanga lang. Oo, crush ko siya at gusto ko na hanggang dun nalang yun.

*******

Makalipas ang isa't kalahating oras...

Nagambala ang aking pagtulog nang magising ako sa malakas na paghampas sa aking pinto.

Leche! Hindi talaga nahiya. Sino ba kasi yan? Eh pwede namang kumatok ng mahina. Ba't pa kailangang hampasin di ba? Kainis! Napakamot ako sa ulo. I groaned out of disappointment.

"Oo andiyan na!" I said at padabog na namang tumungo para buksan ang pinto.

At nang binuksan ko ang pinto,"Ipagtimpla mo ko ng gatas," he said and walked away.

Arrrrrgggghhhhhh! Bwesit! Nakakainis! I clenched my fists and I gritted my teeth in anger.

Alas dose na ng madaling araw at ginising niya lang ako para ipagtimpla siya ng gatas? Grabeh! Wala ba siyang mga kamay? At kailangan pa talaga niyag mang-istorbo at sa oras pa man din ng pamamahinga! Shet ka talaga, Jacob!

Then I stomped my feet in annoyance, "Argggghhh! Nakakainis!" I said sabay gulo sa buhok ko.

*******TO BE CONTINUED...
Like us on Facebook: The Prettiest Chaka
Facebook: Jerome Secop Atoy
Twitter: @jeromeatoy

THE PRETTIEST CHAKAWhere stories live. Discover now