THE PRETTIEST CHAKA 2

581 22 9
                                    

jeromeatoyread's note: I dedicate this chapter sa mga kabarkada kong sina Sheen Anne Yana, Antonieta Abjelina at Bernadine Duran. You really guys are so supportive at nagpapasalamat talaga ako sa inyo dahil talagang pinapabayaan niyo lang akong gawin kung anong nagpapasaya sa akin.

You really are the BEST!!!!

~~~

CHAPTER 2 #ThePrettiestChaka

rina

Dinala ako ng aking mga paa sa isang marangyang subdivision na ang pangalan ay Crowning Glory na nakasulat sa arko ng mataas na gate. Papasok na sana ako ng sinita ako ni Manong Guard, "Miss, may ID ka ba? At ano'ng kailangan mo sa loob? Pero kung wala kang appointment sa loob... miss, hindi pwedeng pumasok. Para lang sa seguridad ng buong subdivision." Sabi ni Manong Guard at tinalikuran ako.

"Manong, teka! Hindi pa nga ko nakapagsalita! Nagmamadali? May MRT?" Sigaw ko kay Manong Guard at muli akong nilapitan.

"O, ano ba kasi ang pakay mo sa loob?"

"Um, mag-aapply lang sana ako bilang maid?" Ewan at kung bakit  yun nalang ang biglang lumabas sa bibig ko. Wala naman kasi sa plano ko ang pumasok bilang maid but why not give a try, right?

"Yun naman pala. Sige, pumasok ka." Sabi ni Manong Guard at binuksan ang napakalaki at napakataas na gate ng subdivision. Nag-log-in ako sa log book at ibinigay ang aking ID at binigyan din ako ng gate pass.

Ininspeksyon din ang aking bag tapos pinayagan na ko ni Manong Guard na libutin ang subdivision pero may inabot muna siya sa akin na isang papel. "O, hija, puntahan mo yan. Naghahanap daw kasi sila ng kasambahay. Puntahan mo at baka makapasok ka dun."

Medyo nasiyahan ako sa sinabi ni Manong Guard. Atleast, 'di ako mahihirapang libutin at isa-isahin ang mga bahay dito di ba?

"Salamat po." Sabi ko at nagsimula ng maglakad. Binasa ko ang nakasulat sa papel and of course, address 'to ng bahay.

*******

Huminto ako sa tapat ng bahay tapos binasa ko rin yung address na nakasulat sa papel. Nang makumpirma kong magkatugma ito ay lumapit ako sa tapat ng gate para pindutin ang doorbell pero umagaw muna sa aking atensyon ang isang karatula.

‘Wanted: Housemaid, interested applicants must be 16-20 years old, 5'9 in height, with pleasing personality and good moral character. Just submit your resume with close up and whole body pictures. Prepare also your audition materials. If you have questions just inquire inside. Thanks!’ Basa ko dun sa nakasulat sa karatula.

Napakamot ako sa ulo ko. "Huh? totoo ba 'to? Tama ba nabasa ko? Naghahanap ba talaga sila ng maid or kandidata ng Binibining Pilipinas? Grabe ang qualifications ha! Ang taas! Kung hindi ito joke, pwes wala akong pag-asa!" I said, blowing my bangs away.

"Eh kasi nga naman, I'm just 5'4, bagsak na sa height requirement pero pasok naman ako sa age bracket. Tapos ito pang 'with pleasing personality' mas lalong wala ako niyan. Personality pa siguro meron pa pero ang mukha ko? Promise, it's not pleasing! Kasi kayumanggi ako, may braces, may bangs na halos matakpan na yung mga mata ko, may sandamakmak na pimples sa magkabilang pisngi tapos meron nga akong long and black hair pero dry na dry naman!" I said with a sigh.

Ang panget ko di ba? Tss. Akala ko trabaho madadatnan ko pero hindi eh! Panlalait ang naabutan ko at hindi trabaho. Ano ba yan! Inumpisahan ang araw ko ng panlalait tapos matatapos din sa panlalait?

Nasa'n ang hustisya Secretary Leila de Lima?

Aalis na sana ako kasi obvious naman na hindi ako pasado pero bumukas ang gate at iniluwa nito ang isang lalaki na kasing edad ko lang din yata. May dala-dala siyang dalawang garbage bags.

THE PRETTIEST CHAKAWhere stories live. Discover now