THE PRETTIEST CHAKA 5

437 21 9
                                    

CHAPTER FIVE

rina

"And what the fuck are you doing here?"

Paglingon ko. Patay!

Caught in the act ako. Leche! Pa'no na ‘to ngayon? Shit! Ano na ang gagawin ko nito? Mali ang kwartong napasukan ko, what to do? No scratch that! What is he going to do with me now? Papalayasin niya ba ako, kakaladkarin pababa at sasabihing magnanakaw ako? Pagkatapos dadalhin sa prisinto at dun ako magpapaliwanag? Holy fuck! Mali ang iniisip niya!

Dead nako nito! Hindi ko na alam kung anong gagawin. Natataranta na talaga ako. Tsaka yung titig niya nakakatakot na animo'y isang tigreng humahanap lang ng tamang timing para sakmalin at lapain ang kanyang prey.

Pero dapat ipaliwanag ko sa kanya ang nangyari.

"Um- Kasi... Ano eh-" Shit! Hindi ako makapagsalita ng maayos. I stepped back dahil papalapit na siya sakin. Oh my God!

Ito na ba ang eksenang hinihintay ko? Ito na ba ang kakaladkarin-ako-moment! Oh my goodness!

Tapos hinawakan niya ng marahan ang right wrist ko na siyang dahilan ng pagngiwi ko. Ouch! It hurts!

"Magnanakaw ka ‘no? How dare you na magpanggap bilang maid pero heto't humahanap ka lang ng timing para magnakaw? What the fuck!" Tapos hinila niya ko papalapit ng pintuan pero bago paman niya mabuksan ang pinto...

"Hoy teka! Mali iniisip mo, Dylan! Hindi ako magnanakaw o miyembro ng mga gang! Maling kwarto ang pinasukan ko. Maniwala ka! Please... Maniwala ka naman sa akin o!" Pagmamakaawa ko sa kanya with matching puppy dog eyes. Chos! Effective naman kaya? Puppy dog eyes o bulldog eyes?

Pagkasabi ko nun, binitiwan niya ang right wrist ko. Ack! Ansaket! Hinimas ko ang wrist ko na namula talaga.

Nakatayo siya sa harapan ko crossing his arms, "Talaga? At sa tingin mo? Maniniwala ako sayo? Eh bakit nakabukas ang closet ko? You're caught in the act and you're denying it? Huling-huli ka na!" He yelled at nanlilisik ang mga mata nito!

Leche! Binuksan ko nga yung closet!

"Hindi mali iniisip mo. Na-curious lang ako kaya ko yun binuksan. Maniwala ka naman sa akin o! Hindi ko talaga sinasadya. Please!" Pagmamakaawa ko na kulang nalang lumuhod ako sa harapan niya.

In fairness, ibang Dylan ang nasa harapan ko ngayon. Nakakatakot siya pag galit. Ibang-iba nung unang kita namin.

"Sorry na o! Please. Hindi ko talaga sinasadya-"

Tapos tumawa siya na siyang ikinagulat ko. Anyare?

"Okay na ba acting ko? Kapani-paniwala na ba? Sorry ah! Napagtripan kita. Hahahaha. Bilog siguro ang buwan ngayon kaya nagawa ko yun sayo." sabi niya at lumakad patungo sa bedside table niya at kumuha ng isang poster.

The Bad Guy Theater Auditions

"Gusto ko kasing sumali sa theater sa school namin at sa tingin ko papasa na ko sa audition nito. Ang The Bad Guy ay isang storya tungkol sa isang basagulerong lalaki na walang ibang ginawa kundi ang magsimula ng gulo. Gusto ko kasing mag artista eh."

Wow! Bongga ka at ako ang pinagpraktisan mo! O, eh di wow! The best ka di ba? Hmp! 

Tapos lumapit siya sa kin, "Ang galing ng acting ko! Pang-OSCARS na ba?"

Tumango ako at ngumiti ng pilit. Ang awkward.

"By the way, sorry ah. Napagtripan talaga kita. Pasensya ka na."

THE PRETTIEST CHAKATempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang