#NoGunsNoEntry Emperor and Protector

76.9K 2.6K 1.4K
                                    

"Zerah?"


We froze.


S*ht. May nakakita sa amin. Itutulak ko na sana si Dark kaso kusa na siyang bumitaw at tiningnan ang nang-istorbo sa pagiging 'bampira' mode niya. He looks like as if he is not drank at all. Ano ba namang pumasok sa kokote ko at hinyaan ko siyang gawin iyon?


Napayuko ako. How can I let my guard down? Maybe because I am pretty drank too. Oo. Nakainom na din ako. This is because of those stupid beers! I am not going to drink whenever this guy is around anymore.


"Sino ka naman?" Napabalik ang diwa ko sa boses na iyon ni Dark.


Lumingon na ako at gaya ng inaasahan ay nakita ko doon si Thres. Masama ang tingin sa aming dalawa.


I was about to tell him that this not what he think it is ng biglang mapadako ang tingin ko sa katabi niya.


"P*steng y@wa kang lalaki ka!" Hindi pa nakuntento ang nagsalita ay hinila agad ako sa katabi ko sabay tinampal nito ang noo ni Dark.


Y-yaya?!


I blinked three times at hindi umaalis ang babaeng nakatayo sa harap ni Dark. Nasa mid-70's na siya pero tinatampal-tampal niya ang noo ni Dark. Mukhang malakas pa siya.


"Ano ka, hijo! Su-so ka ba?! Bakit mo sinisipsip ang al@ga ko?!" I covered my face with my palm. Hindi ko alam bakit nandito si Yaya. Ang alam ko nasa mansion siya kasama si Lolo.


"Lola, tama na ho iyan." sabi ni Thres at inaawat si Yaya sa pagpalo kay Dark na walang ibang ginawa kundi ang umiwas kaya naman naiinis lalo si Yaya. She knows everything about me since I was a child. She knows everything Dark did to me. No wonder nagagalit siya ngayon.


"Sinong Lola?! Apo kita? Ha? Ha?" Napangiwi si Thres sa sinabing iyon ni Yaya. She is pretty stubborn. Hindi niya gusto si Thres kasi alam niyang dating kaibigan ni Thres si Dark pero minsan na lang niya sinusungitan ito. Just like today.


"Yaya stop it." sabi ko. Doon lang tumigil si Yaya at nilapitan ako. She wants to hug me. Hindi kasi ako pumunta sa mansion na tinutuluyan nila ng umuwi ako. Hindi ko pa din nakikita si Lolo.


She wants to hug me badly pero alam kong hindi niya gagawin iyon. Imbes na yakap ay isang malakas na pingot ang inabot ko sa kaniya. Hindi na lang ako umangal. Kaya ayokong puntahan sila sa mansion eh.


Normally, Yaya will not say anything sa mga ginagawa ko pero kapag naiinis siya pinipingot ako. Ilang beses ko ding sinabi na wag niyang gagawin iyon. I glared at her. I am giving her rough treatment para hindi na niya gawin pero lalo lang akong pinipingot.


"Ouch! The f*ck Yaya ano ba?!" angal ko habang hinihila niya ako papaalis sa lugar na iyon. Nakatitig lang si Thres habang naiiling at si Dark naman. He passed out.


"Wag mo kong ma-pak-pak kang bata ka kung ayaw mong mapalo sa p*wet ha!" The fck?! I am pretty thankful na walang ibang tao sa bahaging iyon ng parking lot. This is freaking embarrassing!

No Guns, No Entry | Gangster Academy: Book 2Where stories live. Discover now