#NoGunsNoEntry Things Happen

96.1K 2.9K 803
                                    

Sorry for the super late update. Been busy with my work. Been sick on and off for two weeks. This update is almost 4000 words thou.  I am saying Hi to Alyanna! :) Hi!

--

"Erah! Erah, wake up you, bitch!" Uggh. How can she do this to me? Isang minuto na niyang parang gustong sirain ang pintuan ng kuwarto ko. Nauna kasi siyang magising kaninang umaga at dahil doon nilock ko ang pintuan paglabas niya. Gusto ko lang pahabain pa ang tulog ko. After all, it is Saturday. It is fcking Saturday!

"Shut up! I am sleeping!" pero hindi niya pinakinggan ang pakiusap ko dahil ang naririnig ko na ay ang parang pagkalikot niya sa pintuan ko ng alambre. Great.

Imbes na intayin ko pa siyang buksan ang pintuan gamit ang kaniyang magnanakaw skills ay bumangon na ako at binuksan ang pintuan.

"What the fck is this? I am sleeping, Ea!" In fairness naman, lumalabas ng kusa sa bibig ko ang nickname ni Bea. It feels good saying it.

"There's a hot guy down stairs! OMG! He's looking for you!" Doon ata ako nagising. Hot guy daw? Nasa baba at hinahanap ako?

Wait.

"Bakit mo pinapasok?" sita ko sa kaniya. Parang natauhan naman siya sa tinanong ko at saka ngumisi sa akin.

"He got good abs! That's legate abs! That's enough reason." Wow. Napa-face-palm na lang ako sa rason niya. Nakalimutan kong sa America nga pala siya lumaki.

"Bababa na kamo ako. Mag-intay siya or better pakamatay na siya." Binalibag ko ang pintuan pasara. Narinig ko naman ang pang-asar na tawa ni Bea. Nakakainis naman kasi kung sino man iyon. Malamang si Neon. Aga-aga tapos sabado pa at ano? Mangugulo siya?

Pumasok ako sa walking closet ko at naghanap ng masusuot. I am sleeping with my undergarments only. It's comfortable for me.

Nagpasya akong suotin ang isang simpleng puting maong shorts at isang simpleng itim na sando. Naghilamos at sipilyo na lang ako bago ko tinali ang buhok ko into a messy bun.

Nasa taas pa lang ako ay naririnig ko na ang malakas na tawa ni Bea. Ligayang-ligaya lang?

Nang makababa na ako ay tsaka ko naintindihan ang tinatawa-tawa niya.

"Damn! Ano ba?! Alisin mo nga ito!" Galit na galit si Thres habang nakatali sa upuan at nakapatong si Bea sa kaniya. Oo. Nakaupo si Bea sa hita ni Thres ng paharap at hawak ang isang make-up kit.

"Shh! You are supposed to be a girl. I am bored and you need to entertain me." Bea smirked. Damn that girl. Crazy btch. Anong pumasok sa kukote niya at tinalian niya si Thres para pagtripan?

"I'll kill—" Naawa naman ako kay Thres. Isang malaking pulang lipstick ang sumala sa ngipin niya at naputol sa bibig niya dahil sa kakasigaw niya kay Bea.

"Eah. Ano nasaan na iyong bisita ko?" tanong ko sa kaniya. Gusto kong matawa sa tingin sa akin ni Thres.

Help me! Iyan ang nakarehistro sa mukha niya. Para siyang tatay na na-trap ng anak na babae sa isang babaeng game.

"Oh! Wait. He's here awhile ago! Wait. I'll check him at the pool side." mabilis pa sa alas-kuwatro na naka-alis na kaagad si Bea.

Tinulungan ko na lang si Thres na tanggalin ang lubid na nakatali sa kaniya. Agad na hinatak niya ang isang unan sa sofa at walang pakialam na pinunas ang mukha niya dito.

"What happened?" napapailing na tanong ko sa kaniya.

"That fcking Girl! She said she's bored, then dragged me! The next thingI knew ginagapos na ako!" Hindi ko napigilan na tumawa ng sobrang lakas. Bea is hilariously cute. Nakakatawa iyong mga bagay na ginagawa niya dahil trip lang niya.

No Guns, No Entry | Gangster Academy: Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon