#NoGunsNoEntry Phase One

108K 2.8K 1.3K
                                    

"Ikaw bata ka! Nagpalit ka lang ng mukha tapos nagpapasipsip ka na sa lalaking iyon." pinigilan ko ang sarili kong takpan ang tenga mula sa sermon na naririnig ko ngayon sa Yaya ko. Masakit pa kasi mula sa pagkakapingot niya. Fuck it.

"Hindi ba iyon si Dark? Tapos ano? Nakikipagmabutihan ka na naman?" Ilan na lang kaya iyong stocks namin na strawberry?

"Nako sinasabi ko sayong bata ka. Wag na wag kang iiyak kapag niloko ka na naman niya ha!" Maybe I should get a tattoo.

"Kung bakit ba naman kasi lumalapit sa iyo yang tukmol na iyan?!" May packaging tape pa kaya ako sa kuwarto?

"Hoy, Zerah! Nakikinig ka bang bata ka?!" Ilang buhok kaya meron ang ilong ng isang tao?

"Hay Dios Mio! Bahala ka na nga." I sighed. Hay sa wakas tumigil din. Naupo na lang siya sa katapat na sofa ng inuupuan ko. Napagod na siya sa kakadaldal at kakapabalik-balik ng kaliwa't kanan sa harapan ko.

We stayed silent for a while.

"Balita?" I asked Yaya. I knew something was up. It is very unusual to see her here, and besides she has to be with my Lolo. Why would she be here?


"May pinapasabi ang Lolo mo." she started. Sabi ko na nga ba. May mensahe galing kay Lolo. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit si Yaya pa ang pumunta. May isang bagay lang ang pwede.

"It's about your sister, hija." Gabby. Of course. It is about that Gabby. Tumayo ako sa pagkakaupo sa sofa at tinalikuran si Yaya. Nagtatagis ang mga bagang ko. Until I taste something, it is blood. Nagdudugo ang labi ko dahil kinagat ko ito sa panggigigil.


"What about her?" I asked habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng labi ko. I can sense her hesitation to tell me what it is. She always hated the fact that I want to take revenge.


"Speak." I ordered her. I don't want to be harsh on her, pero alam kong hindi niya maiintindihan kung ano man ang gusto ko.

Napabuntong hininga din siya sa tono ng boses ko. Inuutusan ko siya. I am clearly giving a command, not as the child she raised, but as the Empress and as her boss.


"Tomorrow night. 9:30 PM." Hindi ako sumagot sa sinabi niyang iyon. I heard her left the house and rode into a car. Ngayon alam ko na kung bakit si Yaya ang pinadala ni Lolo. He was hoping that she can change my mind. He's wrong.

This is my life now. This is our faith. There is no turning back.

I became uneasy. Nangangati ang kamay ko at lalamunan ko para sa isang bagay. Sigarilyo. I grabbed a stick and light it on. Habang binubuga ko ang usok ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Thres.


"What the hell happened to you?" I asked. Sinong hindi magtataka? He looks like as if he was raped. Iyong suot niya gusot at pagkatapos iyong buhok niya parang sinabunutan. Tulalang-tulala siya.


"Hey?" I walked and snapped my finger in front of him. Doon lang siya parang natauhan. At bigla na lang siyang tumakbo sa kusina. Agad naman akong sumunod doon at naabutan ko siyang magmumumog at pinupunasan ng maigi ang labi niya.

"Did someone kiss you?" I asked. He snapped and gave me a glare. Woah. Sabi ko nga hindi na ako magtatanong eh.

Lumabas na lang ako at nagpunta sa sala. Itinuloy ko ang paninigarilyo ko. Malalim na ang gabi at mas tahimik na din ang paligid. I heard his footsteps bago siya umupo sa tapat ko. Mabuti naman at mukha na siyang maayos.

No Guns, No Entry | Gangster Academy: Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon