#NoGunsNoEntry Intense Party

115K 3.4K 2.3K
                                    


Napansin ata ni Dark na napapansin kong namumula siya kaya napayuko siya. Tumigil ako sa paglalakad at ganoon din ang council. Nauna naman ang mga Elders. Parang sobrang irritable talaga nila sa akin. Kasalanan ko bang napahiya sila? Serves them right.

Tumitig ako kay Dark. Hindi pa rin siya makatingin. I smirked.

"Kinikilig ka ba sa akin?"

Agad na napa-angat ng tingin si Dark at namimilog ang mata sa gulat. Hindi ata niya inaasahan na ganoon ka-straight forward ang tanong ko.

"H-hindi ah. Wag kang assuming, Zerah." Yeah, right. Nauutal ka kaya.

"Talaga? Bakit ang pula ng pisngi mo?" sabi ko sabay taas ng kilay sa kaniya. "Ano iyan since birth na pamumula? Ano ka, apple?" Narinig kong napatawa ng mahina ang council sa sinabi ko. Napasimangot naman si Dark.

"Pinkish skin ako." Sabi niya sabay pout. Pu*ta. Nagpout?

"Ah? Guys? Naririnig namin yang pag-aaway niyo." Singit naman ni Sky sa usapan namin.

"Alam ko. Nakakainis kasi itong isang ito. Kinikilig ang pu*ta." Hindi na napigilan ni Coldie ang tawa. Humalakhak siya kasabay ni Bea, naghahampasan pa sila. Pagkatapos noong marealize nila na hindi nga pala sila close ay biglang nag-irapan. Parang mga tanga.

"Sabi ng hindi ako kinikilig!" sigaw naman ni Dark. Nakikita kong medyo naiinis na siya sa pangungumbinsi sa amin na hindi daw siya kinikilig. As if naman hindi. Hindi naman siguro siya bakla at pagkatapos ay nagblush on para maging pink ang pisng.

"Whatever." Nauna na akong maglakad papasok sa main event hall. Bumungad sa akin ang napakaraming miyembro ng Empire. Hindi lahat ng miyembro ay naririto. Iyong may mag may matataas na katungkulan lamang.

Bawat nadadanan ko ay bumabati sa akin na para bang akala mo'y matagal ko na silang kaibigan. Iyan ang ayaw ko sa mga pagdiriwang na kagaya nito. Halos lahat ng tao nagpapanggap. Nagpapanggap na masaya. Nagpapanggap na kaibigan ng lahat. Nagpapanggap na gustong makasama ang isa't-isa. Ang totoo naman ay gusto ng magpatayan.

Tumatango lang ako sa kanila. Hindi ako nagtatanong kung kamusta din ba sila. Please, I am done with useless conversations. I am done with unimportant relationships.

Umupo ako sa isa sa mga lamesa na nasa paligid ng open space sa gitna ng hall. Light pa ang mood ng party. May sweet song akong naririnig na nagpla-play. May mga nagsasayaw sa gitna.

Natanaw ko ang council na nagkukumpulan doon sa may bar. I think they ordered some drinks. Si Coldie naman at Bea ay parang sira ulong nagpapagandahan. Pakiramdam ko may mga bata akong dala sa party dahil sa ginagawa nila.

Si Thres naman ay nandoon lang sa isang sulok at may hawak na isang baso ng wine. Nalulungkot ako para sa kaniya. His here with us, but his heart is with Sarah.

I feel sorry for him.

"Ano iyong kanina?" tanong ni Miene sabay upo sa tabi ko. Pinagtitinginan kami ng ibang mga miyembro ng Empire.

Nagtataka siguro sila bakit nandito si Miene ganoong hindi naman siya parte ng Empire. I don't f*cking mind. Stare all they want. I don't care.

"What?" tanong ko sabay senyas sa dumaang waiter. Nilagyan niya ako ng alak sa isang baso at inilapag. Tumango siya at saka umalis na.

"Naglalambingan ba kayo kanina noong lalaki na iyon? Dark, right? Ayie! Shota mo ba iyon?" Tinitigan ko ng masama si Miene. Nababaliw na ata siya para sabihin iyon.

"Wala kaming relasyon. Hindi kami naglalambingan pwede ba. Nakita mong nag-aaway kami. Bulag ka na ba?" naiiritang sabi ko. Napatawa na lang siya sa akin dahil na-beast mode talaga ako sa pinagsasasabi niya.

No Guns, No Entry | Gangster Academy: Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon