#NoGunsNoEntry B*tchy Surprises

112K 2.8K 903
                                    

 “Teka.” Napatigil sa pag-ngisi iyong tatlo dahil sa pagsasalita ko.

“Why?” sabi noong gunagamit ng palakol. Baka magsasaka ito dati bago napunta dito sa Skulls Island? Feel na feel niya iyong palakol niya eh.

Hindi ko sila sinagot at naglakad papunta sa kanila. Halos isang dangkal lang ang pagitan namin. Inisa-isa ko silang harapin.

“Okay na. Start na kayo.” sabi ko sabay punta sa isang puno at doon umupo sa ilalim nito. “Bea, pag yan hindi mo napatumba at nahulaan within two minutes ako naman sa kanila.” nakita kong nakatiim bagang iyong tatlong kaaway namin sa sinabi ko.

Nag-okay sign naman si Bea na parang sinasabing yakang-yakang lang niya ito. Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang laro nila. Pumikit ako at nakikinig lang sa tunog ng suntok, sipa, palakol, at ng pana.

Habang nakapikit ay agad na humilig ako pakaliwa at hindi nga ako nagkamali. Isang ligaw na palaso ang tumama sa katawan ng puno. Ano ba yan? Ang kalat naman nila maglaro.

After two minutes ay dumilat ako, hindi pa rin sila tapos. Seriously? Tagal na nong two minutes oh. Tamad na tumayo ako at pumulot ng tatlong bato. Sabay – sabay na ibinato ko ito sa puwesto nila.

Boom sapul. Sapul sa balikat iyong tatlong kaaway namin at agad naman silang tumingin sa direksyon ko. As for me, it is fan playing these three rocks on my hands.

---

“Times up.” sabi ni Zerah sa kanila matapos silang hagisan ng tig-iisang bato. Agad na nagsalubong ang mga kilay nila. Hindi niya maintindihan bakit parang nainis ito sa kaniyang ginawa. Hindi ba at sinabi niyang hanggang dalawang minuto lang?

“You can’t enter our game. It is our rules.” matigas na sabi ng babaeng nakahawak ng pana.

“Really? Can’t you see it?...” sabi ni Zerah ng nakayuko. At sa pagtunghay niya ay para itong biglang nawala sa dilim ng gabi dahil sa sobrang bilis nito at nasa harapan na nilang lahat. “Can’t you see it? I break rules and create mine. That is the rule.”

Hindi nakagalaw ang tatlo. Lahat sila ay tulala sa ginawa ni Zerah. Lahat sila ay tulala sa kung anong nangyaring parang naglalaho ito sa dilim dahil sa sobrang bilis niya. Hindi nila lubos maisip na ang ganitong nilalang ay estudyante pa lang sa Skulls Island. She could have been the leader of the Island if she wants to.

“Tsk. Bea.” lumapit si Zerah kay Bea na ngayon ay nagtanggal na ng piring at inaabot sa kaniya.  Halata sa mukha ni Bea na alam na nito ang kasunod. Sermon na naman mula kay Zerah. Nakapout si Bea kay Zerah na ikinalukot ng mukha ng huli.

“I am just playing. I want to enjoy that fight.” Bea said. With maarte accent na lang lagi. Siguro dahil sa American blood niya kaya iyon ang dating ng salita niya.

Pak!

 

 Isang malakas na pitik sa noo ang tinanggap ni Bea mula kay Zerah. Nakapout naman na umalis na lang si Bea at nagmukmok sa ilalim ng puno na inuupuan ni Zerah kanina.

No Guns, No Entry | Gangster Academy: Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon