#NoGunsNoEntry Out.

60.8K 1.7K 3.9K
                                    

Isang araw na ang lumipas mula ng nagkita kami ni Gabby and today is the day.

We are moving to Phase Two.  Alam na namin ang lahat ng galaw nila. Luckily, all the things that we have observed is in schedule. Lahat.

I know all the schedule of classes, especially her classes. Alam ko din kung anong oras ang delivery ng lahat ng supplies sa loob at kung saan ang mga spot na meron at walang guard.

You see, surveillance is the key. Nakakatamad maghintay pero it will pay off in the long run.

I was busy doing some paper works sa library when someone knocked at the door.

"Pasok." Narining kong bumukas sara ang pinto pero hindi ako tumingin kung sino ang nandoon.

"How's life?" Doon ako nag angat ng tingin. I saw Dark with his black sando and army pants. Mukha siyang bagong gising dahil una, ang gulo ng buhok niya, ikalawa, literal na parang bagong gising ang mga mata niya. Baka naman puyat kaya ganyan? 

"What are you doing here?" sabi ko at nagtuloy lang sa pagbabasa ng mga pinipirmahan kong documents. Paper works is really tiring. Ito ang part ng mga negosyo na pinaka-ayaw ko. Well, I'd rather do it myself than hire an assistant. We all know what happened to the last one.

"Anak ng-! Anong problema mo?!" pagalit na sigaw ko dahil imbes na sumagot o di kaya ay lumabas si Dark ay sinuntok niya ang lamesa ko. Mabuti na lang at hindi nagkapunit-punit ang mga papeles na nakapatong dito.

Something is really wrong. He is staring at me with that blank expression. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya pero I know I had to do something. 

"Out. Now." Matigas na utos ko sa kaniya kasabay ng pagturo ko sa pintuan pero sa halip na sumunod ay hinawakan nito ang braso ko at pabalya akong hinila at itinulak sa pader. 

Hindi ako umimik. Clearly, kung ano man ang gusto ng lalaking ito ay hindi siya titigil. I just have to know what is that.

Nakatitig lang kami sa isat'-isa. Walang gustong umimik. Walang gustong magbawi ng tingin. Hanggang sa siya ang sumuko at unti unti siyang yumuko. Ang hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.

Niyakap niya ako. Niyakap niya ako ng dahan-dahan na para bang mababasag ako. Niyakap niya ako ng dahan-dahan na para bang takot siyang malaman na kapag nagdikit ang katawan namin ay bigla na lang ako mawala.

Hindi siya nagsalita at hindi din ako nagtanong kung anong nangyari. Ang naramdaman ko na lang ay ang pagtulo ng kung ano sa may braso ko.

He is crying.

"Bakit?" tanong niya pero hindi ko alam ang isasagot. Ano ba ang tinatanong niya? "Bakit lagi kang nagsisinungaling? Bakit lagi mo akong pinaglalaruan? Anong mali kong ginawa? Gan'on ba ako ka-walang kwenta?" 

Hindi ako makagalaw at hindi ko siya maitulak. Pakiramdam ko lahat ng lakas na meron ako ay unti-unting nawawala. Bakit ganito siya magsalita? Bakit siya umiiyak?

"Hindi mo ba ako minahal? Kahit konti? Kahit konti lang, Zitty. Wala ba talaga?" 

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niyang iyon. This is not like the other times na binanggit niya ang pangalang Zitty. Kinakausap niya ako, ako as Zitty and not Zerah.

Gamit ang lahat ng natitira ko pang lakas ay tinulak ko si Dark papalayo. "Hindi ako si Zitty! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako siya!"

"Damn it!" What he did after that doesn't feel like Dark at all.

Hinila niya ako papalabas ng room at dirediretso sa isang bakanteng classroom. Tinulak niya ako sa loob sabay lock ng pintuan. The next thing I knew, he is kissing me harshly on my lips while pinning me to the wall. His hands explore to parts of my body. I tried pushing him pero hindi ko alam kung bakit parang natritriple ang lakas ng isang ito. Plus, I feel like I don't really want him to stop.

His kisses became gentle. His touch became caring.

Then, he stopped.

Umatras siya ng isang hakbang at nakatitig lang sakin. His eyes is beaming with hurt. Betrayal.

"Tama na. Wag ka ng magsinungaling pa. Zerah. Zitty. Damn it." mahinang mura niya.

Nagulat ako ng bigla siyang maglabas ng baril at itutok sa sintido niya.

"Tell the truth or I'll die."

"Dark.. Ibaba mo yang baril. Please." Sinubukan kong humakbang papalapit sa kaniya pero lumayo siya.

"I said, tell the truth or I'll die!"

"Tell me the truth! Speak up!"

"I said speak up, Zerah--"

"FINE!" Malakas na sigaw ko. Hindi ako makatingin sa kaniya. Pakiramdam ko para akong daga na nacorner sa gilid.

"Damn it! Yes! I am Zitty" sabi ko. Tears started falling from my cheeks at ganoon din siya, but that doesn't hide the fact that he still looks mad at me.

Ilang saglit na walang nagsalita sa aming dalawa. Binaba niya ang baril at nanghihinang napasandal sa pader. I decided to ask.

"Sinong nagsabi sayo?" I asked.

"Alam ng lahat?" mas lalong nabahiran na pagkadismaya ang tingin niya sakin. I didn't bother to explain kung sino ang mga nakakaalam.

"Don't look at me na parang ang linis mo. Both of you did this to me!"  I started shouting. I can't take it anymore. Bakit parang kasalanan ko lang? Bakit parang ako ang nagkasala?

"I never did anything bad to you! Yes. I lied at first about being in love. Pero tangina Zitty, minahal kita. Minahal kita ng buo."

"You had sex with my Gabby!" I screamed. "You had sex with her. There are pictures... pictures everywhere. You betrayed me with my own sister."

A long silence followed that. I can't take the pain anymore. Parang pakiramdam ko kanina lang ang lahat. Nag-flash sa isip ko ang lahat ng nangyari na parang nanunuod ako ng isang pelikula. Nakikita ako ang takot sa mata ni Saya habang unti-unti siyang nauubusan ng buhay sa harap ko, ang mga mukha ng Council habang binubugbog, ang mala-demonyong ngiti ng mga kalaban ko, ang mukha ng kakambal ko, at ang mga nagliliparang litrato nila... I can't take this.

"Wala kang alam sa mga pinagdaanan ko. Wala kang alam sa kung gaano kasakit na ang taong mahal mo ang siyang sisira sayo ng buong-buo. Hindi mo alam kung gaano ko gustong baliktarin ang mundo para hindi maging totoo ang lahat. My twin sister killed my parents." Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Pakiramdam ko basag na basag pa din ako hanggang ngayon.

I looked at Dark. He has this strong face of blankness. "She killed me. You both killed Zitty Gabrielle Nakahara."

"Tarangtado ka!" Isang malutong na suntok ang tumama sa pisngi ni Dark na nagpatumba sa kaniya.  Then, someone hugged me tightly.

Thres. 

Anong ginagawa niya dito?

"Okay ka lang?" Wala akong nagawa kundi ang tumango na lang. I don't want to speak. Pakiramdam ko iiyak ako lalo kapag nagsalita ako ng isa pang salita. Pinunasan niya ang mga luha kong tuloy lang sa pag-agos.

"Let's go." Hinawakan niya ako sa kamay at inalalayan palabas pero bago pa man kami makalayo ay isang kamay ang humawak at pumigil sa akin.

Napapikit ako ng mariin. I don't like being around here anymore. Tinabig ko ang kamay niya at pinatawan naman ni Dark ang kamay ko pero bago ako makalayo ay isang pangungusap ang binitawan niya na hindi ko makalimutan.


"Sino si Gabby?"




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

No Guns, No Entry | Gangster Academy: Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon